CHAPTER 10

1.2K 175 13
                                    

RODEL

“Mabuti na lang at tumigil na ang ulan no?” sabi ko kay Allie. Katabi ko siya sa upuang kahoy sa Wawa at nakatingin kami sa asul na langit tulad ng tahimik na dagat sa ilalim nito.

“Oo nga. Iba rin ang stress na binigay sa akin ng ulan na 'yun kahapon. Sumakit talaga ang ulo ko.” sabi ni Allie, na kalmadong sinusundan ng tingin ang nagliliparang mga ibong dagat. Muli, ang kanyang malambot na buhok ay tahimik na sumasayaw sa mahinang ihip ng hangin at ang amoy ng kanyang pabango ay humahalo sa hangin at nilalaro ang pang-amoy ng mga tao sa paligid kabilang na ako.

Maya maya pa’y may kung anong tumunog sa loob ng kanyang bag. Panglimang ulit na yatang naabala ang aming paguusap dahil sa tunog ng kanyang telepono mula nang magkita kami ngayong hapon.

“Nakakainis, ang kulit.” hindi niya napigilang sabihin. Pinatay niya ang telepono at ibinalik sa loob ng bag.

“Sino ba ang nangungulit sa’yo?” tanong ko.

“Si Cecil.” sagot niya. “Dati kong girlfriend. Ayaw akong tigilan. I just changed my number and I don’t know why she knows already. Hindi ko nabilinan ang mga tao at home na wag ibibigay ang number ko sa kanya.”

“Bakit ka niya kinukulit?”

“Because she doesn’t want to accept that I broke up with her.”

“Seryoso ka?” gulat kong tanong. “Ikaw ang nakipaghiwalay?”

Tumango si Allie. “Yup. That was the day when I first saw you. The day when I planned to do IT.”

Hindi na ako kumibo at pinagmasdan ko na lamang siya.

Ang gwapo naman kasi niya eh. Maputi, matangkad, maganda manamit. Bukod pa don, napakayaman niya. Kahit sino naman sigurong babae, gugustuhing maging boyfriend si Allie. Kaya siguro siya hinahabol habol nung Cecil na yun. Eh ako, ako ang habol nang habol. Ako ang binabalewala ng taong gusto ko. Bakit ba gano’n? Sa lahat na lang ng bagay magkaiba kami ni Allie. Saang bagay kaya kami magkakapareho? Mukhang wala.

“Allie.”

“Hmmm?”

“May tanong ako.”

“Go ahead.”

“Ang pangit ko ba?”

“Ha?” Gulat na gulat si Allie. “Of course not! Sinong nagsabi sa’yo niyan? Tara itulak natin sa dagat.” biro pa niya sabay tawa.

Ako, ni hindi ko nagawang ngumiti man lang. “Eh bakit parang ang hirap hirap na gustuhin ako, na mahalin ako?”

Natahimik si Allie. Ano kaya ang inisip niya?

“Rodel. Two things I will tell you and I want you to remember. First, hindi ang looks ang basis para gustuhin ka ng isang tao. And second, hindi isang tao lang ang dapat maging basehan mo para masabi mong mahirap kang mahalin.”

Ngumiti ako. “Salamat, Allie.”

Tumayo si Allie at hinila rin ako patayo. “Come.”

“Bakit? Saan tayo pupunta?” lito kong tanong.

“Basta. Ililigaw natin yung dating Rodel, yung Rodel na walang tiwala sa sarili. We’ll leave him somewhere, para wag na siyang makabalik.”

Tumawa ako nang malakas. “Hindi kita maintindihan, Allie. Ano bang pinagsasasabi mo?”

“You will know. Come.”

*

“Make him look his best.” sabi ni Allie sa kausap na babae. Dinala ako ni Allie sa isang pagupitan, pero ibang iba ang hitsura ng lugar sa pwesto ng barbero sa isla. Malaki, at maraming upuan. Puno rin ng salamin ang paligid at maliwanag sa dami ng ilaw. Ang dami ring iba’t ibang gamit at produkto na hindi ko pa nakita noon.

The Other HalfWhere stories live. Discover now