CHAPTER 23

1.3K 138 13
                                    

ALLIE

It's foundation week sa university so technically, we have no classes. May mga events lang and various booths and contests that's why I decided to take a break and don't go to school anymore and instead, spend my free time with Rodel.

We visited the recreational center, one of the family's properties. It's more like a clubhouse and because most of the things that I like to do such as swimming and working out ay nagagawa ko naman at home (because we have a pool and a gym), I seldom went there. Besides, wala rin akong makakasama. The last time was years ago, mga bata pa sila Martin at Nelson noon (around 14 and 15, then yung mga Tatay pa nila ang driver at caretaker namin noon at madalas, isinasama sila sa bahay) nang minsang niyaya ko silang pumunta sa clubhouse para maglaro ng basketball.

This time, si Rodel ang isinama ko. We played tennis (I lost to Rodel) and then we decided to go home. It's earlier than expected. Balak pa sana naming magbowling (or golf) pero naovercome na naman ako ng desire ko to make love with him, and alam ko, siya rin. So we thought that there's nothing better than the warmth and privacy of my own bedroom.

Ayun nga at habang nagd-drive ako pauwi, hindi ko na macontrol ang urge ko to touch him sa kung saan saang part ng katawan niya. Especially that right now, he's wearing nothing aside from a sando and (very short) shorts.

"Allie, mamaya na, OK? Baka maaksidente tayo." sabi ng tumatawang si Rodel habang umiiwas sa mga hipo at halik ko.

"It's your fault. I told you na doon ka sa backseat sumakay kasi kanina pa kita gustong idevour doon pa lang sa clubhouse." I said habang tuloy pa rin sa paghipo sa kanya.

"Unang beses mo kong pauupuin sa loob. Ano ka ba? Palibhasa, natalo kita sa tennis."

"I could have won kung hindi ako nadistract sa'yo, Rodel."

"Kasalanan ko pa pala. Bakit, akala mo, ikaw lang ang nadistract? Ang hirap kaya magconcentrate kapag ang kalaban mo na ang gusto mong tirahin, at hindi na yung bola." Rodel smiled naughtily. Lumitaw pa ang dimples niya.

Tumawa ako nang malakas. "Good one, Rodel. I like that."

Finally, we reached home. Nelson opened the gate for us dahil busy si Martin sa paglilinis ng ibang mga sasakyan.

"Allie, si Mama Macel, at yung ibang mga kasama mo?" Rodel asked pagpasok namin sa bahay. Maybe, napansin niyang walang sumalubong sa amin.

"Ah, I sent them away." I said.

"Anong sinabi mo? Bakit mo sila pinalayas?" gulat na gulat na tanong ni Rodel.

I laughed. "Hindi ko sila pinalayas. I just sent them away for today. I mean, bukod sa day-off nila, which is once a week, I gave them a bonus rest day for today para magawa naman nila yung gusto nila. Since I am taking a break, I want them to do the same."

Rodel nodded. "Ah kaya pala. Pero bakit sila Martin at Nelson, narito?"

"Why?" I smiled mischievously. "Do you want me to send them away too? Ikaw Rodel, ha. What are you planning to do to me?"

Sinuntok niya ako sa braso. "Sira ulo. Hindi sa ganoon, Allie. Bakit nga?"

"Mahirap naman na mawala lahat. Tomorrow, sila namang dalawa. I heard they want to go together, kasi they realized that they are like us." halos pabulong kong sinabi and then I laughed again.

"Seryoso ka? Sira ulo ka talaga." Tumatawang sinabi ni Rodel at pagkatapos ay sinuntok ulit ako sa braso.

"Masakit na ha!" I said while rubbing my arm na sinuntok ni Rodel. "Kidding aside, they will go together sa isla, sa inyo."

The Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon