CHAPTER 25

1K 142 18
                                    

ALLIE

“Oh, god.” Naiyak ako nang makita ko si Rodel. Alam ko, na sa galit ni Tatay Robert, magagawa niyang saktan si Rodel (and that kept me up all night dahil nagaalala ako) but I didn’t expect it to be like this. Grabe. Ang daming sugat sa katawan ni Rodel at halos hindi siya makadilat dahil sa tindi ng pagkakabugbog sa kanya.

The sight alone is enough to break my heart to pieces. I wanted to tell him we will go and seek help, magsasampa ng reklamo but then I remembered that it’s Rodel’s dad that we’re talking about here.

“Buti pinayagan ka nilang umalis.” I said.

“Tumakas ako, Allie.”

Lalo akong naiyak. Paano, hirap na hirap magsalita si Rodel. The sound of it was too painful to hear. What did he do to deserve that?

“Buti at natyempuhan kong dumadaan ang bangka ni Ninong kaya ako nakasakay papunta sa patag.”

“Did you walk mula sa Wawa papunta dito?”

He nodded. I slapped my forehead.

“You should have told me. Napasundo sana kita kay Martin.”

“Hindi na kailangan, Allie.” sabi niya.

I tried to hold his hand at kinilabutan ako nang maramdaman ko ang band-aids sa mga daliri niya. “I’m so sorry, Rodel. I’m so sorry.”

“Handa naman akong masaktan, Allie.” Nakayuko si Rodel at hindi tumitingin sa akin. “Kaya kong tiisin lahat ng sakit. Kung ako lang.”

“Come with me, Rodel.” I said. “Magpakalayu-layo tayo. I have plenty of money. Magagawa kong iwithdraw lahat ng iyon before my parents would know and freeze my accounts. Magagawa kong mapag-aral tayong dalawa at makakamit natin ang mga pangarap natin nang magkasama.”

“Allie?”

“We can go to somewhere far. Somewhere na hindi tayo huhusgahan ng mga tao. Hindi tayo pipigilang magmahalan.” I looked at his bruises. “Somewhere na hindi tayo masasaktan. Magiging masaya tayo. Just come with me, Rodel.”

“Allie, naririnig mo ba ang sinasabi mo? May pamilya akong hindi ko kayang talikuran. Paano sila? Hindi ko sila kayang saktan para lang sa sarili kong kaligayahan! Yung mga magulang mo, paano sila?”

“Ako, Rodel, paano ako? Paano naman ako?” I asked. Umupo ako sa gilid ng kama at parang bata na umiyak. “Paano naman yung nararamdaman ko? Pababayaan mo na lang ba akong mag-isa? Hindi ko kaya Rodel. Please. Wag mo kong iiwanan. Nagmamakaawa ako sa’yo. Please?”

He did not answer pero tumulo ang luha niya.

“Sir Allie?”

Nadistract kami sa boses ni Rhea. Kumakatok siya sa pinto ng bedroom ko.

“What is it?” I asked without opening the door. I tried to make my voice sound as steady as possible.

“Sir Allie, si Sir Samuel po, sa telepono.” malakas din niyang sagot on the other side of the door.

Pinahid ko ang luha ko. “Sige, Rhea. Thanks. I’ll take the call here.”

Huminga ako nang malalim at ginalaw galaw ko ang shaky kong mga kamay bago ko damputin ang receiver. Nakatingin ako kay Rodel na nakayuko ulit at ayaw tumingin sa akin.

“Dad.”

“What the hell do you think you are doing, Allison?” sabi ni Daddy without warning. Galit na galit ang boses niya.

“Dad, I don’t... I don’t understand. What’s going on?”

“I should be asking you that question! What’s going on with you and... and another boy?”

The Other HalfWhere stories live. Discover now