CHAPTER 3

1.6K 175 4
                                    

ALLIE

I switched the light on and watched it flood my bedroom. For 21 years, ito na ang naging bedroom ko, pero this time, feeling ko isa akong stranger na papasok sa room na ito for the first time in my life.

Kaninang umaga, I told myself that it would be the last time na makikita ko at magsstay ako sa kwarto kong ito. Now, I am back here again.

Umupo ako sa kama ko and I looked at myself in the mirror. Nakasmile pa rin ako. For some reasons, parang biglang nagmatter yung feeling that I'm alive, and I'd like to go on. It's like all of a sudden, natakot ako sa idea na magsusuicide sana ako kanina. Rodel's right. This is my only chance to live. What was I even thinking when I planned to take my own life?

Inilabas ko yung bote ng lason from my backpack. Hinawakan ko nang mahigpit and then I looked at myself again in the mirror. Napangiti ako ulit. Ang gwapo mo naman, Allie. What a waste kung mamamatay ka lang nang dahil sa poison na ito.

Ibinuhos ko ang laman ng bote sa lababo sa bathroom. And then I tossed the bottle into the trash bin. Thank you Rodel, for being on time. I think I owe you one.

I took off my uniform and medyo nagulat ako na wala akong t-shirt. That's when I remembered na ibinigay ko nga pala kay Rodel yung undershirt ko. Shit. Hindi ko naibalik sa kanya yung t-shirt niya. Binuksan ko ang backpack ko at nandoon ang marumi niyang t-shirt na hindi maganda ang amoy - something na hindi ako sanay na maamoy dahil laging malinis at mabango ang mga gamit ko. Shall I throw this away? Ibabalik ko pa ba sa kanya? No. I think I'll just keep it.

I folded the shirt and I put it in a box, then itinago ko sa lowermost layer ng closet ko. After that, itinapon ko ang backpack ko sa trash bin.

So Allie, this is your second life. And because obviously, buhay ka pa rin, you have to study and prepare for school tomorrow and...

Bigla akong may naalala. Shit. Sana di pa niya nabasa.

Tumakbo ako palabas ng bedroom at pababa ng stairs, papunta sa living room kung saan naroon yung book stand na pinaglalagyan ng mga newspapers and magazines.

Doon nilalagay ni Mama Macel ang binabasa niyang pocketbook, yung book na pinagipitan ko ng letter ko earlier today.

I can't believe it. Wala ang libro sa dati nitong kinalalagyan!

I slapped my forehead. Damn. Bakit wala? Andito lang yun kanina.

I looked around pero wala talaga. Baka tapos na si Mama Macel sa book and it's time for a new one kaya itinago na niya. Sana lang hindi niya nakita ang letter ko.

"Allie." I almost jumped. Nagulat ako sa boses ni Mama Macel. "May problema ba? At bakit nakahubad ka? Baka magkasakit ka niyan."

Nagulat din ako sa hitsura ko. Naka-boxer shorts lang ako. Pagtingin ko sa bandang papuntang dining area, nandoon si Faye, isa sa maids namin, at tumatawa siya habang nakatingin sa amin ni Mama Macel.

"Ah, eh Mama Macel, gutom na po kasi ako. What do we have for dinner?"

"Himala. Ngayon lang yata kita hindi pinilit bumaba para maghapunan." Nakataas ang kilay ni Mama Macel. "At kailan pa napunta ang pagkain dito sa sala? Allie, magbihis ka na nga muna't baka sipunin ka. Ipapahanda ko na kay Faye ang lamesa para pagkabihis mo, makakain ka na."

"O sige po Mama Macel. Thank you po."

I ran back upstairs to my room and I locked the door. Ano kayang iniisip ni Mama Macel about me? Yung book, nasaan yun? Nabasa kaya niya yung letter ko? Pero kung nabasa niya, I'm sure kakausapin niya ako about it, or worse, magsusumbong siya kina Daddy and sigurado, kanina pa ako tinatawagan ng mga 'yun. So I take it, hindi niya nabasa. That's enough, Allie. You're just being paranoid. Just find that stupid book and everything will be fine.

I don't feel hungry pero bumaba ako sa dining room after ko magsuot ng t-shirt. Ayokong isipin ni Mama Macel na gawa gawa ko lang yung sinabi kong gutom ako. She's right, this is the first time na ako pa mismo ang nagtanong at naghanap ng food. Kadalasan, pinipilit pa niya akong kumain.

Si Faye ang nagprepare ng dinner ko. Si Mama Macel ay nakaupo sa isa sa high-rise chairs around the mini bar. Doon niya ginagawa ang kanyang pag-gansilso - what's the word? Basta yun. Crocheting.

Noong maliit pa ako, si Mama Macel ang nagalaga sa akin at siya rin ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay - cooking, laundry, cleaning - everything. Now that she's getting older, my parents promoted her as a head housekeeper and siya na ngayon ang in charge sa mga mas bago at mas bata na kasambahay and Faye is one of them. I heard she's just 19. Maputi at laging nakalipstick.

Kasama ko din dito sa mansion si Martin, the family driver. Now that I'm of age and marunong nang magdrive, minsan ko na lang inuutusan si Martin to drive for me - kapag malayo lang ang pupuntahan. And then there's Jackie, who's in charge with the laundry. She's good kasi marunong siyang magingat ng mga paborito kong damit, especially the white ones. Mariela and Rhea clean the house. Malaki ang mansion (5 storey and to be honest, hindi ko alam kung ilan ang rooms - there are some that I haven't gone to yet) and they make sure that everything is in place and sparklingly and spotlessly clean. Then we have Nelson, the gardener who also takes care of everything outside the house including the swimming pool. Siya rin minsan ang gumagawa ng minor repairs.

OK naman silang lahat and at ease naman akong kasama sila araw araw. Maliban kay Faye. There's something about the way she rolls her eyes and the way she smiles at me. I don't know pero hindi ako comfortable when she's around.

Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako.

"Faye."

"Sir?"

"Akin na nga yung Dom Pérignon na binuksan ko kagabi."

She smiled and went to the mini bar. Dahil nandoon si Mama Macel, nakita niya ang bote at inutusan si Faye na ibalik yun.

"Allie, uminom ka na kagabi. Hindi magandang gabi gabi ka iinom."

"Mama Macel, konti lang tonight." I pleaded.

"Sinasabi ko sa'yo Allie ha. Pag ikaw nahirapan na namang bumangon bukas, dito kita kay Faye ipapagising. Alam na alam ko pa naman kung ano lang ang isinusuot mo pag natutulog ka."

I can't believe it. I felt hot in the face. Tawa nang tawa si Faye habang kinukuha ulit yung wine mula sa shelf.

"Si Mama Macel pa nga."

"Tse! Ang arte mo. Kunwari ka pa. Dalhin mo na sa Sir Allie mo yan. Baka mabagsak mo pa 'yan. Mas mahal pa ang isang bote niyan sa dalawang buwan mong sweldo." nakairap na sinabi ni Mama Macel kay Faye. She then looked at me. "Allie, kaunti lang ha?"

"Yes po. Thank you Mama Macel." I smiled pero nawala agad nang nakita kong tumatawa pa rin si Faye.

Itinuloy ko ang pagkain and suddenly, naalala ko si Rodel.

Kumusta kaya siya? Kinain kaya ng family niya yung food na binili ko? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Magkikita kaya kami ulit?

*****

SHUJIN'S NOTE:

In the Philippines, a bottle of Dom Pérignon (the liquor that Allie drank in Chapter 3) costs around PhP 12,000.00.

Well, for some, it's not that expensive. But imagine this: There are people like Rodel who works his ass off the whole day, not minding the heat of the sun and the peril of the sea just to earn a small amount of money. There are some like Faye, whose pay for two months won't even reach that amount. Yet, there are people like Allie who drinks expensive wine as though it's just his everday soda.

Some people, they get lucky sometimes.

***

Sorry about the short chapter. Maikli lang talaga akong magsulat ng chapters before.

Rodel will be narrating chapter 4.

The Other HalfWhere stories live. Discover now