CHAPTER 16

1.2K 181 25
                                    

ALLIE

"Allie, pasensya na. Hindi ko mahanap yung sabon na ginamit natin kanina sa pagligo." Rodel said. He gave me a small piece of a detergent bar and he started to pump water mula sa poso. "Sarado ang mga tindahan kaya hindi makabili. Pagtyagaan mo na lang muna 'yan."

"This will do." I said. "I'll just wash my hands, Rodel."

"Kung sabagay, tamang tama nga iyan, matapang-tapang na sabon, nang maalis ang amoy ng mga pagkain sa kamay mo, lalo na yung bagoong. Hugasan mong mabuti ang mga kamay mo ha?"

"I will." Inamoy ko ang sabon. Oo nga. Ang tapang nga ng amoy. I never washed even a single handkerchief before - kaya hindi ako familiar sa scent. I started washing my hands while Rodel's working hard to pump the water.

Lumapit ang mga kapatid niya at nakitapat ng kamay sa tubig.

"Pwede patapusin niyo muna si Allie?" said Rodel.

"Ay, sorry." said Kevin. "Sige, Kuya Allie, ikaw muna."

"Okay lang, ano ba? Sayang din yung tubig, marami naman yung lumalabas sa poso."

"Kuya Allie, gusto ka daw makilala ng mga kaibigan namin." sabi ni Charlie.

So that's what happened. Introductions... Handshakes... Smiles... Gustuhin ko man na makilala ang lahat, medyo marami ang tao sa kanila, at hindi enough ang time.

A little while later, nagplay na ang malakas na music. By the sound of it, parang folk song. I didn't know na mayroon pa rin palang ganoon ngayon.

"Rodel, what are they doing?" I asked, habang nakatingin ako sa mga taong tuwang tuwa habang nakatayo sa malawak na space sa gitna. They are moving their hands and some are swaying to the rhythm. Some are by group, the others by pair. "Are they dancing?"

"Ganito rito, kapag may handaan." sabi ni Rodel. "Sayawan buong gabi, pagkatapos ng salo-salo."

"Kuya, tara sayaw tayo." sabi ni Charlie. Kitang kita kong nagulat si Rodel. Ang sarap ng pagkakaupo niya sa lupa at halatang hindi niya ineexpect na yayayain siyang sumayaw ng kapatid niya. Bago pa siya nakatanggi ay nahila na siya ni Charlie. Hindi na nga niya nagawang pagpagin yung dust sa shorts niya - sa bandang butt.

Naiwan ako kasama si Kevin na tawa nang tawa while watching her brother and her twin sister as they danced playfully.

"Would you like to dance?" I asked.

I saw her cheeks blushed, although, just like Rodel, medyo dark ang complexion niya.

We walked to where everyone was. Hinawakan ko ang kamay ni Kevin, at tulad ng reaction ng kuya niya when I first held his hand, mabilis na binawi ni Kevin ang kamay niya.

"Sorry. Ang lambot kasi ng kamay mo, Kuya Allie. Nakakahiya."

I just smiled and hinawakan ko ulit ang kamay niya, only this time, mas mahigpit kaysa kanina. Ipinatong ko ang kamay niya sa balikat ko and I looked to her eyes as we started to dance. Mga mata ni Rodel ang nakikita ko sa mga mata ni Kevin.

"You dance good." I said, to start a conversation.

"Thank you po."

"You really use 'po' kahit kay Rodel?"

"Hindi po." she said and then she laughed.

"Then, don't use 'po', anymore."

Hindi na nakasagot sa akin si Kevin dahil sakto nang papalapit sila Rodel at Charlie.

"Kayo naman ni Kuya ang magsayaw Kevs." sabi ni Charlie. "Kami naman ni Kuya Allie."

Bumitaw sa akin si Kevin at sumama sa kuya niyang tahimik lang na nakatingin sa akin. Ngumiti sa akin si Charlie.

The Other HalfWhere stories live. Discover now