CHAPTER 12

1.2K 160 7
                                    

RODEL

"You want to know why I like fantasy films?" tanong sa akin ni Allie. Nakadapa siya sa malambot at malaki niyang kama. Ako naman ay nakaupo sa gilid. Gusto ko sanang tumabi sa kanya. Pero ewan ko. Naiilang ako. Ilang pelikula na rin ang natapos naming panoorin. Karamihan ay yung tungkol sa mga magic o di kaya ay mga superhero.

"It somehow gives me hope that there is more to life than the lonely reality." sabi niya, na hindi na hinintay ang sagot ko.

Hindi ako kumibo dahil ramdam kong may sasabihin pa si Allie.

"I mean, although I know for myself that it's silly to believe that it's real, and there are people like them who have magical powers, somehow, it helps to daydream that I might be one of them, perhaps, one day, I could get my acceptance letter to Hogwarts, or I could ride a flying broomstick, or I could just disapparate or drink liquid luck like Harry Potter. It helps me to get by." pagpapatuloy niya.

"Pero alam mo Allie na hindi makakatulong kung tatakbuhan natin ang katotohanan, di ba? Kung tatakasan natin, kung hindi natin haharapin?" tanong ko.

"That I know already. And I'll tell you, for the first time in my life, hindi na ko nakakaramdam ng takot to face my reality. Excited pa nga ako, actually. Because you are already in it."

Napatingin ako sa kanya. Bagamat ang telebisyon lang ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kwarto ay kitang kita ko ang gwapong mukha ni Allie, ang mga mata niyang maamo ngunit malungkot. Ramdam na ramdam ko ang pagiisa niya, ang kalungkutan niya.

Lahat iyon, unti unti kong natututunang tanggapin at mahalin tungkol sa kanya.

"Allie. Ako ba talaga, o dahil ako lang ang narito?"

"What do you mean?" tanong niya. Halatang nagtaka sa itinanong ko.

"Kung hindi ako ang dumating at umupo malapit sa'yo noong araw na iyon at ibang tao,"

"Patay na ko ngayon." mabilis na dugtong ni Allie. "Rodel I know what you're up to. Kung saan papunta 'tong sinasabi mo. Please don't think that it could be anyone else. If you didn't come, I would have drunk that poison already. I didn't care about anybody then. So kahit sino pang dumating that day, it wouldn't have made any difference because they're not you."

Ngumiti ako at hinawakan sa balikat si Allie. "Sorry."

"That's fine, Rodel. I understand. But I want you to know that I will wait, until you learn to put your full trust in me. Until you learn to trust this friendship."

"May tiwala ako sa'yo, Allie. Sa sarili ko, hindi ko alam. Hindi ko maiwasang isipin na hindi ako karapat-dapat maging kaibigan mo."

"That's absurd!" bumangon si Allie mula sa pagkakadapa. "Whatever your reasons are for thinking that way, I could fight you with one million reasons why you are fit to be in my life."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang ang sarap sarap sa puso ng mga salitang sinasabi niya sa akin.

"Sorry, Allie. Ito ang huling beses na maririnig mo 'to sa akin."

Napatingin ako sa telebisyon dahil tapos na ang pinapanuod namin at puro salita na lang ang nakikita.

"Allie, salamat ha? Ngayon kapag tatanungin nila ako kung anong paborito kong pelikula may masasabi na ko."

Tumawa siya. "In the days to come, madadagdagan pa ang list mo."

Binuksan niya ang ilaw at mula sa ilalim ng kama ay may hinila siyang tila isa pang kama.

"It's late. It's funny how time flies kapag masaya ka sa ginagawa mo."

Tumingin ako sa relo. Oo nga. Pasado alas dos na ng madaling araw.

The Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon