LTML 01

1.1K 66 10
                                    

Happy Reading!



Mala


Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang mapanaginipan ko ang pangyayaring 'yon. Ang weird na panaginip na 'yon. Noong una, iniisip ko na dahil lang sa kababasa ko ng mga nobela o kaya ay dahil sa mga napapanood kong teleserye sa telebisyon kaya ako nananaginip ng mga ganoong bagay. Panigurado ay makakalimutan ko rin agad.

Mali ko lang talaga.

Hindi ito nawala sa isip ko gaya ng akala ko. Mas madalas pa nga itong mamalagi doon. Hindi na ako tinatantanan! Kahit pa may ginagawa o wala, may kasama man ako o nag-iisa, sa pagtulog, sa paggising, sa lahat!

Ace.

Ace.

Ace.

Ace.

Paulit-ulit na nag e-echo sa utak ko!

Hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon sa totoong buhay pero kung makadikit sa memorya ko wagas.

Sino ka ba talagang Ace ka? Anong ginawa mo sa akin at hindi ka na mawala sa isip ko? Nakakaloka ka ha!

Isa ang panaginip na 'yon ang pinakawirdo sa lahat na yata ng panaginip na mayroon ako. Ang daming tanong ang gusto kong masagot.

Bakit ko iyon napanaginipan?

Anong kailangan naming pag-usapan ni Brian?

Sino si Ace at bakit niya ako tinulungan?

At paano naman siya nainvolve sa sitwasyon na 'yon?

Malinaw kong nakita ng imahe niya, malinaw na malinaw. Ang mga mata niyang kulay tsokolate at singkit pero bilugan, ang ilong nito na proud na proud ang taas, pati ang kulay itim nitong buhok at bagsak.

Nakakainis lang dahil naputol ang panaginip ko nang bigla akong nagising.

Sa mga deskripsiyon ko sa kaniya, wala akong matandaan na may ganoon akong kakilala. Marami siyang kapangalan pero kahawig man lang ay wala.

Wala talaga.

Kung tutuusin ay pwede namang kalimutan ko na lang 'yon at balewalain. Pero parang tumatak na yata ito sa memorya ko. At sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan…

Ayaw kong tuluyan itong mawala sa isipan ko.

Tsk! Ikaw yata ang wirdo, Mala.

Nagdesisyon akong bumangon na para maghanda sa pagpasok sa eskwela. Inayos ko muna ang hinigaan ko saka nagtungo sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay bumaba na ako para mag-almusal.

Habang kumakain ng tinapay kapares ang kape ay ini-on ko muna ang TV para kahit paano ay malibang. Akala ko ay matutuon sa pinapanood ang atensyon ko pero heto at naaaninag ko na naman siya sa isip ko. Sino pa nga ba.

Si Ace.

Ang aga-aga naman mambulabog ng sistema ng lalaking 'to.

Akala ko nga ay hanggang doon lang ang ganap. Maiisip ko siya at pagkatapos ay wala na pero hindi lang iyon. Minsan kasi ay may kakaibang pintig ang puso ko sa tuwing babanggitin ng isip ko ang pangalan niya. May mga emosyon din na bigla ko na lang mararamdaman. Nababaliw na yata ako.

"Kanina ka pa gising?" Napabalik ang isip ko sa reyalidad nang marinig ang boses ni Kuya Ares, nakatatanda kong kapatid. Siya rin ang panganay sa aming apat. Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko. "Si ate? Baka tanghaliin 'yon, ang alam ko may lakad siya ngayong araw."

"Humihilik pa yata, gigisingin ko lang," saad ko. Tumayo ako saka umakyat sa taas para puntahan siya. Natawa ako nang maabutan itong medyo nakanganga, nanaginip pa siguro 'to. "Ate, gising na." Niyugyog ko ang balikat nito para magising siya.

"Hmm, teka lang!" Ungot nito at nagtaklob pa ng unan sa mukha.

"Ate! May lakad ka pala ngayong araw, bangon na para makakilos bago umalis. Aba naman."

"Hmmm…" sagot lang niya.

Hindi ko ito tinigilan hanggang sa wala na siyang choice kundi ang bumangon. Pagkatapos ay nagtungo naman ako sa silid ng bunso namin. Ang pinakamahirap gisingin sa lahat. "Shan, gising na. May pasok pa." Walang katapusang pilitan pa ang inabot bago ito bumangon. "Ayan sige, puyat pa kasi." Natawa ako dahil sa busangot na reaksyon nito habang patungo sa banyo.

Ako naman ay bumalik na sa kwarto ko para nagsimula na rin sa pag-aayos ng sarili dahil maaga ang klase ko.

-

"Raea, ang weird talaga ng panaginip kong 'yon." Panimula kong saad saka kinagatan ang burger na hawak.

"Anong panaginip ba?"

Nginuya ko muna ang nasa bibig ko bago siya sagutin. "Yung kay Ace."

"Ah ayon pala," tumango ito habang patuloy sa pagtatype sa phone niya. Busy ang babaita ha, hindi maalis ang mata sa phone niya. "Ano nga ulit nangyari doon?"

Akala ko pa naman may kausap talaga akong interesado. Napairap ako sa kaniya. "Si Khael daw may nililigawan sa panaginip ko."

"Ha? Akala ko ba tungkol sa inyong tatlo nung Ace at ni Brian—" Napahinto siya sa pagsasalita at sinamaan ako ng tingin. Lakas ng pandinig nito at focused kapag si Khael ang usapan. "Ang sama mo," aniya saka humigop sa orange juice na binili niya kanina.

Recess na kasi namin kaya narito kami sa canteen. Kasabay nga dapat namin si Ryan kaso kinidnap ni Khael at ng iba ko pang lalaking kaklase.

"Bigla kang naging interesado nung nabanggit ko si Khael ah, ayaw mo pang umamin na gusto mo 'yon."

"Asa naman! Hindi ko siya type 'no! Ang hangin kaya ng tukmol na 'yon. Madeds na lang ako bago ko siya magustuhan. Malabo! Imposible talaga—"

"Oo na, sige. Naniniwala na po ako." Natatawa akong kunwaring sumang-ayon sa kaniya, "defensive much," bulong ko pa.

"Pero ayon nga, yung sinasabi mong panaginip. Hindi kaya sign 'yon?"

"Na ano naman?"

Umayos muna siya ng upo bago nagsalita ulit. "Kasi sabi mo nga hindi mo makalimutan kahit lumipas na ang ilang linggo. Baka sign talaga 'yon para kausapin mo si Matthew."

"Hala, ayaw ko nga. Nakakahiya 'yon. Tsaka duh, baka nakalimutan mo na matagal na kaming walang communication sa isa't-isa."

Alangan naman na sabihin kong gusto ko siyang makausap dahil napanaginipan ko siya.

Baka mamaya ano pang isipin no'n. Baka mamaya isipin niyang palagi ko siyang iniisip kaya umabot na siya sa panaginip ko. Hindi na ako head over heels sa kaniya ano.

At isa pa out of the blue naman kasi ng panaginip na 'yon e. Ginugulo tuloy ang sistema ko.

"Ikaw rin macurious ka na lang forever," sagot ni Raea. Kung alam niya lang kung saan talaga ako curious dahil sa panaginip na iyon. Hindi naman kay Brian o kung ano man ang pag-uusapan namin.

Curious ako sa kung sino si Ace.



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now