LTML 14

154 25 0
                                    

Happy Reading!


Naningkit ang mata ko nang matanaw si Mama na pumasok ng bahay. Saka lang nagbago ang eksplanasyon ko dahil nakita ko ang bunso kong kapatid na nakasunod dito. Tumayo ako at nilagpasan si Mama na sasalubungin sana ako ng yakap. Hindi nakatakas ang malungkot nitong reaksyon sa ginawa ko.

"Shan." Napansin ko ang lungkot sa mukha nito kaya nilapitan ko siya agad at tinawag. Nag-angat ito ng tingin sa akin at saka lang umaliwalas ang mukha niya.

"Ate!" Masigla at matinis ang tinig na tawag niya, niyakap ako nito. "Namiss kita, ate," aniya habang nakayakap pa rin.

Nang maghiwalay kami ng yakap ay inakay ko siya na maupo at binigyan ng pagkain. Sinabihan ko siyang hintayin muna ako dahil tatawagin ko sina ate at kuya. Tumango naman siya at tahimik lang na kumain.

Nadaanan ko si Mama sa tapat ng kabaong ni Lola at mahinang humihikbi. Kahit pa gusto ko itong yakapin ay parang may pumipigil na emosyon sa akin na gawin iyon. Hinanap ko na lang sina ate sa paligid ng bahay. Nakita ko si Kuya sa likod-bahay, kausap niya ang mga pinsan kong lalaki.

Bumati ang mga ito sa akin. Sumenyas ako kay Kuya at sinabi na dumating si Mama at Shan. Nawala ang tipid na ngiti sa kaniyang labi kanina nung kausap niya oa ang mga pinsan ko. Naging blangko ang ekspresyon ng mukha nito bago siya tumango.

Sabay kaming bumalik sa sala. Si Shan agad ang una nitong hinanap at niyakap. Ako naman ay tahimik lang na nakamasid. Kinukumusta niya si Shan nang sakto naman na lumabas si Ate ng kwarto at nagtungo sa gawi naming tatlo. Napawi rin ang ngiti nito ng makita si Mama sa silid.

Pare-pareho kaming napahinto sa pagkukwentuhan dahil sa paglapit ni Mama. Nakangiti nito kaming pinasadahan ng tingin.

"Doon muna ako sa likod—" naputol ang pagsasalita ni Kuya Ares dahil sa pagsabad ni Mama.

"Kumusta kayo mga anak?" Naroon pa rin ang ngiti sa labi niya na ikinaiinis ko.

Nangangamusta talaga siya ngayon? Patawa din.

Pagkatapos ng mga nangyari? Pagkatapos ng ginawa niya? Nagka-amnesia ba 'tong ina ko? Anong gusto niyang isagot namin sa pesteng tanong na iyan?

Tsk! Kalokohan.

Hindi ko napigilan ang pagak na matawa at ngumiti ng mapait sa kaniya. "May pakialam pa po pala kayo?" sarkastiko kong tanong.

"Oo naman—"

Pinutol ko siya, "e'di sana po hindi niyo kami iniwan at sumama sa kabit niyo." Hindi ko mapigilan ang galit na nabubuo sa loob ko, "may alam po sana kayo kung kumusta kami." Huling turan ko bago siya lampasan para lumabas.

Alam kong mali na sagutin ko siya ng gano'n pero talagang naiinis ako. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

Naglakad lang ako papalayo sa bahay ng walang destinasyon.Papalubog na ang araw, huminto ako sa isang tulay, sa ilalim no'n ay may ilog na hindi gaanong malalim, kita kasi ng mga bato doon. Mula sa kinatatayuan ko naman ay matatanaw ang mapunong parte sa 'di kalayuan.

Nakadungaw lamang ako doon. Lagaslas ng tubig sa ilog ang maririnig bukod sa mga sasakyan na dumadaan sa tulay. Napakunot noo ako ng luminga-linga sa paligid. Panay kasi ang tingin ng mga dumadaan na sa akin. Kahit ang mga sasakyan ay bahagyang bumabagal ang takbo tapos ay titingin sa akin na para bang may pangamba sa mga mukha.

Problema ng mga 'to?

Hindi ko na lang pinansin ang mga ito saka binalik ang atensyon ko sa tanawin ng Ilog. Umihip ang malakas na hangin kaya napapikit ako para damhin ang pagdampi no'n sa balat ko. Nari-relax ang sistema ko.

Wala pang ilang minuto na pagpaahangin ko ay may tumawag na sa akin.

Anong ginawa niya rito?

Nakita ko si Ryan na tumatakbo papalapit sa gawi ko. Huminto siya nung halos dalawang metro na lang ang pagitan naming dalawa. Pawisan ito at naghahabol ng hininga.

Natatawa ko siyang tiningnan. "Anong nangyari sa'yo? Hingal na hingal ka, may hinahabol ka ba?" tanong ko rito.

"Ikaw." Hinihingal pa rin siya nang magsalita, humawak siya sa handle ng tulay na parang doon ito kumukuha ng balanse. "Ikaw ang hinahabol ko."

Nagsalubong ang kilay ko, "Eh? Bakit ako? Mukha ba akong tumatakbo?"

Siraulo 'to, ginawa pa akong dahilan.

"Galing ako sa inyo pero umalis ka daw sabi ng Kuya mo. Hinanap kita tapos may nakasalubong ako na dalawang ginang,  nag-uusap tungkol sa babaeng balak tumalon sa tulay. Tinakbo ko kaagad kaya heto hinihingal ako, " mahabang paliwanag niya.

Pagkatapos marinig ang paliwanag niya ay doon na kumawala ang malakas kong tawa. Sinamaan ako nito ng tingin. Nakakatawa lang ng ma-realize ko ang ibig niyang sabihin.

"Abo't langit ang kaba ko dito tapos tatawanan mo lang ako? Tss!" Nakasimangot na anito.

Kinalma ko ang sarili at huminto sa pagtawa, humarap ako sa kaniya ng nakangiti. "Iniisip mo na tatalon ako dito?" Turo ko sa ilalim ng tulay. Muli akong humagalpak ng tawa.

Hindi ko mapigilan ang matawa sa ideya niya.

"Tsk! D'yan ka na nga." Paanas na saad niya at tinalikuran ako saka nagsimulang maglakad. Hinabol ko naman siya agad at tumabi ng lakad sa kaniya.

"Sorry na, Ryan. Sadyang nakakatawa lang talaga ang iniisip mong gagawin ko. Alam mo naman siguro kung gaano lang kababa ang tulay na 'to. Kung balak kong tumalon para madedok, napaka imposible. Bali sa buto pwede pa," saad ko at medyo natatawa pa rin.

Walang saysay kapag tumalon ako mula sa tulay na'to dahil mababa lang naman 'to. Mababalian ako pero hindi naman matutuluyan.

Sayang sa effort 'yon.

Napahinto ako sa paglalakad ng tumigil si Ryan at humarap sa akin. Napaatras pa ako ng kaunti dahil muntik ng magtama ang mukha naming dalawa.

"Mala, huwag ka ngang magsalita ng tungkol sa mga ganitong bagay na parang biro lang. Nakakainis ka, alam mo ba iyon?" Seryosong aniya na dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko.

"Aling ganitong bagay?" Kunwaring walang ideya na tanong ko.

Alam ko naman kase kung ano ang ibig niyang sabihin sa 'ganitong bagay'.

"Sobrang takot ang naramdaman ko sa ideya na tinawanan mo lang kanina. Please huwag kang gagawa ng mga bagay na maaaring makasakit sa'yo, okay? Mag-aalala ako, kung ikaw wala lang sa'yo kahit na masaktan ka, sa akin, malaking takot ang dulot no'n." Makikita sa mga mata niya kung gaano siya ka-seryoso habang sinasabi ang mga salitang binitawan niya.

Pero sa pagkakataong 'to ay hindi mo alam kung ano ba ang gusto niyang puntuhin  bukod sa kailangan kong mag-ingat sa mga bagay na pwedeng makasakit sa akin.

Natatakot siya? Mas takot pa yata siya kaysa sa akin kung sakaling makaharap ko si kamatayan.

Binasa ko ang labi ko dahil sa hindi ako nakapagsalita agad pagkatapos ng sinabi niya. "Ano bang pinupunto mo, Ry? Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo," tanong ko sa kaniya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng pitikin nito ang noo ko.

Aray ko po! Ang pinakamamahal kong noo!

Hinimas ko ang noo ko na pinitik nito, ang sakit ah! Nang babawian ko na sana siya ay wala na ito sa harap ko. Naglalakad na ito papalayo.

Aba loko 'to, ah!

"Hoy! Ryan bumalik ka rito! Humanda ka sa akin, babawian kita! Hoy!" Hinabol ko siya at sinuntok sa balikat pero parang wala lang 'yon sa kaniya. "Aray!" Shit! Ako pa ang mas nasaktan sa pagsuntok. 

Tinawanan niya lang ako saka nagtuloy sa paglalakad. Sumabay ako sa kaniya at panay lang kami asaran hanggang makarating sa tapat ng bahay.

Humanda ka, babawi ako sa'yo. Pati nananahimik kong noo, napagtripan!

Mabuti na lang din at hindi na nito tinuloy ang naging topic namin. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko siya kakausapin ng hindi maiilang kapag iyon ang usapan.



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now