LTML 45

151 14 0
                                    

Happy Reading!



Magkapatid nga talaga silang dalawa.

Hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko si ate Althaia ngayon. It's been years noong huli ko siyang nakita! She got prettier over the years, lumitaw lalo ang ganda nito and damn, she's married now!

Dalawang taon na itong kasal kay Mr. Draven Sullivan. Good thing she came right away to introduce him kasi kung ano-ano na ang naiisip ko dito. I remember ate Althaia mentioned him to me back then. Noong unang mapuntahan ko ang tahanan ni Ace, though we didn't talked about it in detail.

Good grace! They're happily married now. I'm happy for her, for both of them.

Gusto ko pa sana noon na makabalik ulit sa lugar na 'yon pero hindi ako hinayaan ng tadhana. At isa pa, wala naman na akong rason pa para magpunta ulit doon pagkatapos kong malaman na ikakasal na si Ace. Mukhang mula din sa maharlika ang babaeng 'yon, kahit pa may kadaldalan ang bibig niya, hindi maikakaila na maganda ito.

Tsk! Why do I keep on dragging myself into the past? I'm supposed to be moving on.

"Paumanhin kung ginamit kong rason ang kompanya mo para makausap ka lamang. Naisip ko na hindi maghihinala ang aking mahal na kapatid na kinausap kita."

"Bakit naman po hindi niya pwedeng malaman ang pag-uusap natin?" May pagtatakang tanong ko kay ate Althaia.

Umalis muna si Mr. Sullivan para makapag-usap kami ni ate. Panay pa ang pagsasabi ni ate na bilhan siya nito ng otap dahil paborito pala ito ni ate Althaia. Ang gusto niya ay mula talaga dito sa Cebu. Talagang dumayo pa sila para sa pagkaing 'yon.

Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit. “Alam kong wala ako sa posisyon para makialam sa inyong dalawa pero bilang kaniyang nakatatandang kapatid, gusto ko siyang magkaroon ng masayang buhay. Lubos kong ikatutuwa kung may magmamahal sa kaniya gaya ng binibigay niya.”

“Ate, ano po ba ang ibig niyong sabihin?” Direktang tanong ko dahil nalilito talaga ako sa gustong puntuhin ni ate Althaia.

Sigurado naman akong may nagmamahal kay Ace. Dami ko ngang kaagaw, charing!

"Hindi ko napunan ang tungkulin ko bilang isang nakatatandang kapatid sa kaniya noon. Marahil ay dahil ang ipinapakita niya lang ay ang pagiging malakas niya kaya naman ang buong akala ko ay hindi na niya kailangan pa ang tulong ko o nino man." Bakas ang lungkot sa bawat salitang binibitawan niya. 'Yon bang may halong pagsisisi. Nakikinig lang ako at hinayaan siyang magpatuloy sa pagsasalita.

"He told me that's it's fine, that I shouldn't think this way. He doesn't want me to feel bad but I, I can't stop myself thinking about it. Alam kong sinasabi niya na ayos lang para hindi ako makaramdam ng guilt. I'm also fixing my life and mess that time, wala ako sa kaniyang tabi bilang kapatid niya sa mga panahon na kailangan niya ng masasandalan. He faced all the struggles alone, for the sake of our happiness.”

Wala akong ibang nagawa kundi ang tingnan siya. By the looks on her face, hindi naging madali ang nakaraan para sa kaniya. She's been eaten by guilt. I may not know the whole reason behind it but I'm certain that what she feels now is real. Some would even justify their mistakes thinking it will be less bad in the eyes of others, but she wholeheartedly admitted it all and was sincere about amending it.

Seeing her smiling earlier sa tuwing nagtatama ang paningin nila ni Mr. Sullivan, she's happy now. Deserve niya ang kasiyahang ‘yon.

Ace. I wonder if he's happy, genuinely happy. I hope so. They're living a life here now, ate Althaia seemed happy. Si Ace kaya?

"Nang umalis ka, he became lifeless. Minsan ay nakatingin lang sa malayo, always in deep thought. Kahit gusto ka niyang puntahan, all odds were against him." She continued. Bakit ako ang nasasaktan sa mga naranasan niya? "Mamà took his powers, locked him inside the barriers, Mamà has plans to get Ace marry a princess. Ang sabi ni Mamà makakalimutan ka rin niya kapag iniharap siya sa isang katulad niya, a royalty. I was also mad at her for doing those to Aceion. Alam kong para lang 'yon protektahan kami, she doesn't want us to get involved in any mortals even if it means na magalit kami sa kaniya.  She said we'll just get hurt. Kailangan na kapareho namin ang mahalin namin pero puso ang nagmamahal, Wala kaninoman ang desisyon kung sino ang mamahalin natin, sarili lang natin ang may alam. And that's what Ace fought for."

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now