LTML 24

129 14 0
                                    

Happy Reading!


We were both silent until Brian spoke. "Ahm, ano bang gusto mong pag-usapan?"

Umayos ako sa pagkakaupo at humarap sa kaniya. Narito kami sa garden na nasa tapat lang ng kanilang building. Kaunti na lang ang mga tao sa paligid dahil halos lahat ay nagsi-uwian na.

"Alam ko na alam mo kung bakit ako nandito at kung ano ang pag-uusapan natin," deretsong wika ko at seryosong tiningnan ito sa mga mata.

Kailan ko pa natutunan na tumitig ng matagal sa taong gusto ko?

Hindi. Nagagawa ko na ito dahil dati lang naman akong may feelings para sa lalaking ito. Dahil kung hanggang ngayon ay may gusto pa rin ako sa kaniya, paniguradong hindi ko magagawa na harapin siya ngayon at kausapin ng ganito.

"Pero hindi ko talaga alam—"

"Tsk! Yung tungkol kuno sa relasyon nating dalawa ang tinutukoy ko," direktang aniya ko. "Hindi mo pa rin alam?" Naiinis na dagdag ko pa.

Nag-iwas agad ito ng tingin matapos kong banggitin iyon. "Tungkol doon..." Huminga ito ng malalim at nanatiling nakayuko habang nagsasalita. "Pasensya ka na doon, hindi ko alam na ganoon ang sasabihin ng mga loko-loko kong mga kaibigan. Nabanggit kita sa kanila kaya—"

Tinaas ko ang palad ko at pinahinto siya, "Teka, ano naman ang binanggit mo sa kanila tungkol sa akin at bakit mo naman ako babanggitin sa kanila?" nagtatakang tanong ko.

Hinawi nito ang kaniyang buhok at parang nag-aalangang magsalita. Bumuka ang bibig niya ngunit isang malalim lang na buntong hininga ang lumabas doon. "Naghihintay ako ng sagot," saad ko, nauubusan na ng pasensya.

Sa wakas ay nawala ang pag-aalangan sa mukha nito. Napa-angat ako ng tingin ng tumayo ito sa harap ko. Nakatingala na ako sa kaniya dahil mas mataas siya sa akin.

"Sinabi ko sa kanila ang…ang plano ko na panliligaw sa'yo." Anito dahilan para mapakurap ako ng ilang beses.

Tama ba ang dinig ko?

"A-Ano? Pwede mo bang ulitin?" Saad ko na hindi makapaniwala. "Mali lang yata ang dinig—"

"Gusto kita Mala, wala akong lakas ng loob noon. Iniisip ko na baka i-reject mo lang ako at mabalewala ang feelings ko. Akala ko mawawala din 'yon kapag hindi na kita masyadong nakikita at nakakasama, pero niloloko ko lang ang sarili ko, I always find myself making a way masilayan ka lang. Even from afar."

Anak ng patatas?! Ano daw?

"Brian..." Walang namutawing ibang salita sa bibig ko maliban sa pangalan niya. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

I am so speechless right now. What the freak?

Ikaw ba naman makatanggap ng confession mula sa taong noon ay gustong-gusto mo.

Nakakaloka!

Parang kanina lang ay gusto kong klaruhin ang mga maling pinag-uusapan ng mga estudyante dito. Hindi ko in-expect ang isang ito. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Para akong kinulang sa hangin bigla.

"Sandali, hindi ko in-expect 'to. Anong? Brian, pwede bang tigilan mo ang ganitong klase ng biro? Hindi nakakatuwa."  Tumayo ako at humakbang palayo sa kaniya. Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa gulo ng isip ko. "Tigilan mo, please lang." Huling saad ko saka siya tinalikuran.

Naririnig ko ang pagtawag nito sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa at patuloy lang akong naglakad hanggang sa makalabas ng school.

Hindi dapat ako maniwala.

Naghanap na agad ako ng traysikel at nagpahatid na pauwi. Masisiraan na yata ako ng ulo dahil sa mga ganap na 'to.

Kailan ba ako magkakaroon ng normal na araw man lang sa buhay ko?

Napangiti ako at nag-inat ng kaunti. Katatapos ko lang maglaba ng mga damit kong marurumi. Mano-mano lang ang ginawa kong paglalaba dahil hindi naman marami iyon. May washing machine sila Tita pero hindi ko na ginamit dahil sayang ang kuryente, ilang piraso lang naman ng damit.

May ilang linggo na rin mula ng lumipat kami dito sa bahay. Si Kuya ang tumutustos sa pag-aaral ko ngayon gaya ng gastos sa projects at ang baon ko sa araw-araw.

Ayaw niya akong pagtrabahuhin kahit part time lang, basta mag-aral lang daw ako ng mabuti ay ayos na. Si Ate naman ay naghahanap na rin ng trabaho, ilang araw at linggo na siyang nagmumukmok lang sa kwarto kaya mabuti at naisipan niya na lumabas pa doon.

Pagkatapos ligpitin ang mga pinagkilusan ay umakyat na ako sa kwarto upang makapagpalit ng damit. Nabasa ako habang nag-babanlaw ng mga damit kanina. At sa paglalaro na rin ng mga bula gamit ang sabon.

Masaya kasing paglaruan, e.

Sakto nang matapos akong magbihis ay panay ang tunog ng message tone ko. Kinuha ko ang phone ko para i-check ang mensahe.

From: 0927********

Unregistered ang numero kaya naman nagtaka ako.

[Good day! You have an unclaimed reward after choosing our latest service. To claim please respond to this message immediately before time expires. Congratulations!]

Napataas ako ng kilay, agad kong na-realize na galing sa mga pesteng scammer ng load ang text. Umirap na lang ako sa hangin bago patayin ang scammer— este ang phone at inilapag muli 'yon sa kama.

Umupo ako sa harap ng salamin at binuksan ang cabinet na kalapit lang nito at kinuha ang kulay itim na kahon na dating lagayan ng relo na iniregalo ni Papa sa akin na kalaunan ay nasira dahil sa tagal.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahan na binuksan ang kahon. Nang tuluyan ko ng maalis ang takip ay sumilay doon ang asul na kwintas na ibinigay ni Ace sa akin ng gabing iyon.

May lungkot sa tuwing nakikita ko ang kwintas pero paulit-ulit ko pa rin namang nahuhuli ang sarili na cinicheck iyon sa tuwing may pagkakataon ako. Tulad na lang ngayon.

Hindi ko pa kasi ulit nakikita ang nagbigay kaya siguro sa kwintas ko na lang itinutuon ang atensyon.

Bago pa man balutin ng lungkot ay ibinalik ko na ang kwintas sa kahon. Sa isip ko ay nais ko na itong itapon na lang dahil ano pa ba ang saysay? Si Ace na nga mismo ang nagsabi na kalimutan ko na siya. At sa tuwing makikita ko ang kwintas na 'to ay parang hindi ko kayang gawin ang hinihiling niya.

Ano bang mayroon sa lalaking iyon?

Palaging naglalaban ang isip at puso ko sa tuwing sinusubukan ko itong itapon. Ako man ay naguguluhan na rin sa dapat kong pakinggan at sundin.

Hay! Buhay nga naman.

Napukaw ako sa muling pagtunog ng phone ko.

Ano na naman kaya iyon?

"Aba, talaga naman!"

From: 0927********

[Ma'am, aren't you going to claim your prize? Sayang naman 'yon.]

Naiinis na nagtipa ako ng reply.

[Hoy scammer! Wala kang mananakaw na load sa akin, manigas ka d'yan. Wala kang mapapala d'yan sa ginagawa mo. Tantanan mo na ako!]

Kainis!

Akala ko ay hindi na ito magrereply pa pero mukhang makapal ang apog ng scammer na ito. Inuubos ang pasensya ko.

Nanlaki ang mga mata ko matapos mabasa ang reply nito.

From: 0927********

[Hey, chill, Mala, I'm just playing around. This is Brian.]



#MalAce
#BriaLa
#RyLa

A/N: Hindi talaga ako witty sa mga codenames lols sorry na ✌😁



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now