LTML 26

123 14 0
                                    

Happy Reading!



Third Person

"Póte tha akoúsete aftó pou sas léo agapité mou gio?"  When will you listen to what I am telling you, dear son?

Nakayuko lamang siya habang patuloy na nagsasalita ang kaniyang ina. Simula ng sila ay makabalik ni Nikolaos sa palasyo ay gayon din ang simula ng mahabang talakayan nila ng kaniyang mahal na ina. "Eínai epikíndyno ston anthrópino kósmo. Sou eípa na min pas ekeí! Eísai tóso peismatáris!" It is dangerous in the human world. I told you not to go there! You're so stubborn!

Mula sa kaniyang gilid ay nakita niya ang pagluhod ni Nikolaos. Nais niyang pigilan ito dahil alam na niya na hindi naman ito pakikinggan ng kaniyang ina ano pa man ang paliwanag na gawin nito.

Yumuko si Nikolaos sa harap ng kaniyang ina. "Sygnómi, agapití vasílissa, den écho kánei ti douleiá mou sostá gia na frourás ton prínkipa kai na min ton afíso éxo apó tin pýli tou vasileíou." Sorry, dear queen, I have not done my job properly to guard the prince and not let him out of the portal of the kingdom. Sinserong aniya nito. "Zitó syngnómi." I apologize.

Ginawa nito ng maayos ang habilin ng ina ni Aceion, sadyang mapilit lamang ang binata. Iyon ang nasa isip ni Aceion sa oras na 'yon.

"Nikolaos, den sou miláo." Nikolaos, I'm not talking to you. Masama ang tingin nito nang ibalik sa gawi ng anak.

Palagi ang hindi pagsunod nito ang kanilang pinag-babangayan. Kahit ano ang kaniyang gawing pagpapa-alala rito na huwag itong lalampas sa lagusan na 'yon ay hindi siya nito pinakikinggan.

"Aceion!" Tinawag nito ang anak na para bang may sariling mundo at nakayuko. Hindi man lamang nito nadinig ang pagtawag niya. "Peismatáris! Aceion!" Pukaw niya rito.

"Nai, mamá?" Yes, Mom? Tumingin ito sa kaniya na may pagtatanong ang mga mata. Huminga ng malalim ang ina ni Aceion. Nang makita iyon ng binata ay alam na niyang galit na ito at naghihintay ng nais nitong paliwanag. "Eímaste edó tóra Mamá, asfalís. Kai se antíthesi me ósa eípate, o anthrópinos kósmos den eínai tóso epikíndynos." We are here now Mom, safe. And contrary to what you have said, the human world is not so dangerous.

Lalo lamang tumalim ang tingin nito sa narinig. "Den xérete típota gi 'aftoús!" You know nothing about them! Galit na ang boses nito. Ano ba ang palagi nitong ginagawa sa mundo ng mga tao? Ayaw niyang pati ang anak ay mapahamak gaya ng nangyari sa ama nito. Hindi siya makakapayag.

"Hindi ka maaaring lumabas ng palasyo hanggang hindi ko pinahihintulutan. Naiintindihan mo?" Wika nito na mababakas ang ma-awtoridad na tono at pinalidad sa mga salitang binitawan ng ginang.

Ang pagtutol sa mukha ng anak ang agad na nangibabaw. "Den boreís na mou to káneis aftó, Mamá!" You can't do this to me, Mom! 

"Fysiká kai boró. Eímai i mitéra sou kai i vasílissa aftoú tou vasileíou. Prépei na ypakoúte ópos léo." Of course I can. I am your mother and the queen of this kingdom. You must obey as I say. Pagkatapos sabihin ay tumalikod na ito at naglakad na hinabol ni Aceion.

"Mamá!"

Patuloy na naglakad ang kaniyang ina, sinubukan niya itong tawagin ngunit hindi talaga ito huminto. "Mamá." Nawawalan ng pag-asang tawag niya.

"Aftí i synomilía échei oloklirotheí, Aceion." This conversation is over, Aceion. Huling saad ng ginang bago lumabas sa malawak at mahabang pasilyo ng palasyo.

"Sinabi ko naman sa iyo, magagalit ang ating mahal na ina sa hindi mo pagtalima sa kaniyang mga sinasabi." Napabaling si Aceion sa nagsalita. Si Althaia, ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae.

Mahina niya itong tinawanan at nakakalokong ngumiti. "Iisa lamang ang ating sitwasyon, hindi ba mahal kong kapatid?" May diin ang bawat pagbikas ni Aceion sa mga salita. Balak ni Althaia na inisin ang kapatid ngunit mukhang bumalik lamang ang kaniyang biro sa kaniya mismo.

Panáthemá se! Saad nito sa isip.

Sinamaan niya ng tingin ang kapatid. "Huwag kang magsalita, sadyang nakaiinis ka." Anito bago siya nilagpasan. Nakatanggap pa siya ng irap mula kay Althaia nang marinig nito ang bahagya niyang pagtawa.

Mala

Huminto ang paghila ng babae sa aking kamay nang nasa gitna na kami ng court. Nagtataka pa rin ako, pinalibot ko ang tingin sa buong court. Kaming dalawa lang ng babaeng ito ang narito.

"Bakit tayo lang ang narito? Teka alam ko na! Balak mo akong i-torture, tama, dahil sa bagay na kumakalat tungkol sa amin ni Brian."

"Anong—"

"Wala naman talaga 'yon, nag-usap na kami ni Brian. Nagbibiro lang naman siya. Wala akong balak na agawin siya sa'yo."

"Sandali, patapusin—"

"Lalayo na lang ako, promise. At saka wala naman akong gusto kay—"

"Hey girl, kalma, walang torture na magaganap. At saka duh! May boyfriend ako ateng, mahal ko 'yon!"

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay balak na niya akong i-salvage. Overacting ako pasensya. "E, bakit tayo narito?" tanong ko.

"Dahil sa kaniya." Wika nito sabay turo sa gawi ng likuran ko. Nilingon ko 'yon at nagulat ako nang makita si Brian na nakatayo halos dalawang dipa lang ang layo sa amin.

Fresh na fresh ito sa umaga, at sadyang bagay sa kaniya ang unipormeng suot. May bitbit itong gitara habang prenteng nakatayo lang doon.

Bigla ko tuloy naalala ang unang beses na nakita ko ito noon. Nang pumasok siya sa classroom namin no'n, tipong mapapa-lingon ka talaga.

Hindi na nakapagtatakang siya ang ideal guy ko noon. Siguro dahil masyadong perpekto ang paglalarawan ko sa kaniya sa mga kaibigan ko, pati sila na-fall.

"Grabe, Mala, Magsisimula pa lang ako sa panliligaw, basted na agad? That's like, not fair, don't you think?"

Natuon ang buo kong atensiyon ng magsimula siyang kaskasin ang kwerdas ng gitara. Habang ginagawa 'yon ay nag-umpisa itong maglakad palapit hanggang sa magkaroon ng bahagyang espasyo sa pagitan namin.

"I understand that you're still doubting my feelings for you, but please, let me change your mind. I won't disappoint." Ngumiti ito sa akin at pagkatapos ay nagsimula siyang kumanta.


A/N: Una sa lahat, I apologize sa mga grammatical errors, translations and so. Nakakabonak lol, kahit ako nano-nosebleeb. Hope you're enjoying this story so far.

#MalAce pa rin ako



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now