LTML 50

201 6 0
                                    

Happy Reading;)

-

And I actually hoped and waited.

Isa-isa ko nang iniligpit ang mga gamit ko. Pagkatapos ay inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok at tumayo na para maghandang umuwi.

As I walk out of my office I sighed a couple of times. Tumingin ako sa relong pambisig ko at lalo lamang nawala ang pag-asa kong darating pa siya. It's past eight pm already, maybe he's still in the hospital with her.

I should go home.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang ground floor button. Nakatulala lang ako sa repleksyon ko sa pinto ng elevator habang naghihintay na huminto ito sa ground floor ng building. Walang kagana-gana akong lumabas pagkabukas niyon.

A quiet room approached me, ang yapak ng aking heels ko at ang tunog ng ibang makinarya na narito ang siyang naririnig ko. Bago ako tuluyang makalabas ng gusali ay akin pang nakasalubong si Manong gwardiya.

"Pasensya ka na Kuya, medyo natagalan ang paghihintay mo."

"Okay lang po Ma'am, trabaho ko naman po ito."

Ang paghihintay Manong? Kidding.

Nginitian ko ito at saka nagpaalam na rin. Mabuti at may taxi na akong na-booked kanina kaya hindi na ako nahirapan sa pag-aabang at paghihintay.

"Sa Dalton Royale ho, Manong." Imporma ko sa driver nang makasakay ako. Hindi muna ako uuwi. I can't go home na ganito, lugong-lugo, I'd rather be waisted than pathetic and upset when I get home.

I need a drink, a hard one.

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. Why are these things keeps on happening to me? To us. Kung kailan handa na akong pakinggan ang sinasabi ng puso ko saka naman tumututol ang pagkakataon. Kapag naman pinipigilan ko ang lahat ng pakiramdam na 'to, doon naman panay ang push niya.

Mababaliw na ako sa sobrang pagkalito sa gustong iparating ng tadhana sa akin, sa amin ni Ace.

Mayroon nga bang kami?

Ang sagot, wala.

Hindi kay Ace o sa Clarisse na 'yon ako naiinis, kundi sa sarili ko. I hate myself because I'm having these irrational thoughts that I shouldn't have. I want Ace to talk and be with me instead of being with Clarisse.

Such a devious thought.

She needs him lalo na sa kondisyon nito ngayon. Kahit pa wagas ang kamalditahan na ipinakita nito sa akin at sa mga tao sa paligid niya at kahit pa ang sarap niyang tirisin, may puso ako 'no!

Ayaw kong gamitin ang kahinaan niya dahil lang gusto kong makausap at makasama si Ace.

Nang makababa ay nagbayad at nagpasalamat ako sa driver. I headed at the entrance of the club and enter. I sat on the stool facing the bartender. He's mixing different kinds of beverages and he seems like a pro doing it.

Or maybe he really is.

"I always start with, how's your day, Madamé?" He asked with a smile on his face and now shaking the bottle, a cocktail shaker.

Nakapanga-lumbabang sumagot ako sa bartender. "Horrible."

"Oh." Bumuka ang bibig nito at nagform ng 'o'

"Yes, oh. Now, give me your best hard drink that can make me numb from the pain. Can you give me that?" Tanong ko, bahagyang naghahamon.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now