LTML 33

134 14 1
                                    

Happy Reading!



Ryan

Hindi ko magawang ituon ang buo kong atensiyon sa subject teacher namin na nagdi-discuss sa unahan. Panay ang baling ko sa bakanteng upuan malapit sa akin.

Bakit kaya hindi siya pumasok ngayon?

"Mister Colton."

May sakit ba siya?

"Mister Colton!"

May nangyari ba ulit sa bahay nila?

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa narinig na pitik ng daliri. "Are you still with us, Mister Colton?"

"Miss, yes po." sagot ko.

Tumango ito bago tumikhim. "Class listen, later may quiz tayo about sa topic na ito. Just focus here, understand?"

"Yes miss!"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at pinilit na mag focus sa itinuturo ni Miss.

"Bakit kailangan mo pa talagang pumunta sa bahay? Nakakainis ka!" Iritadong saad ni Raea kay Khael na nakangiti lang habang kumakain.

"I told you, aakyat ako ng ligaw. I said it loud and clear the other day, di'ba?"

"And I said, loud and clear, no! Di'ba?!"

"Pero gusto kitang ligawan at maging girlfriend." Nakangising sagot nito, hindi alintana ang galit na ekspresyon sa mukha ni Raea.

Tahimik lang akong kumakain, wala akong balak umawat sa dalawang ito. Hindi rin naman sila papa-awat.

"Ang kulit!" Tumayo si Raea at pabagsak na ipinatong ang dalawang kamay sa mesa. Umugong ang malakas na tunog ng ginawa niya. "Hoy lalaki, don't you know what rejection means?"

Huminto si Khael sa pagkain saka tumayo at humarap kay Raea. Napatingin ako sa paligid at maraming estudyante na ang nakatingin at halatang gustong maki-osyoso sa nangyayari.

Ito talagang dalawang 'to, giyera palagi. Tsk!

"Syempre alam ko ang ibig sabihin no'n." Kalmadong sagot naman ni Khael. Parang lalo lang yata niyang iniinis si Raea, wala naman siyang napapala kundi ang pagtataray no'n.

"So dapat tigilan mo na ako, right?" Matalim ang tingin na aniya ni Raea. "Alam mo naman pala ang—"

"But the thing is, I like you. And I want to—"

Bago pa man matapos ni Khael ang sasabihin ay mabilis na kinuha ni Raea ang bag at tumakbo palabas. Naupo si Khael at may ngiti sa labi.

Abno.

"Nakita mo ba? She blushed. Namula ang pisngi niya, bro. She's so cute kapag ganoon ang reaction ng mukha niya." Parang siraulong umiling-iling ito habang nakangiti.

"Love sick." Wika ko at natawa, akala ko ay sasamaan ako ng tingin nito pero lalo pang lumapad ang ngiti niya.

What the...

"Yeah, maybe I am."

"I wonder bakit absent si Mala ngayong araw." Nakapangalumbabang wika ni Raea. Taka ko siyang tiningnan nang lumingon ito sa akin. "Nag-usap na ba kayo?"

Umiling ako. "Hindi pa."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago tumayo saka isinukbit ang bag sa balikat. "Mauuna na ako, sasamahan ko pa si Mama na mamili mamaya." 

"Sige, ingat." Aniya ko at nagpaalam na siya.

Hindi pa man nakakalayo ay huminto siya sa paghakbang at nilingon ako. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now