LTML 34

151 15 1
                                    

Happy Reading!



Aurraea

Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang phone nang mag-vibrate 'yon. Nakita ko sa caller id ang pangalan ni Kuya Ares kaya sinagot ko iyon agad. "Hello, Kuya Ares. Si Mala po kumusta?" 'Yon agad ang unang itinanong ko.

Kahapon nang magpunta ako sa bahay nila nag-aalala ako dahil umalis daw bigla ito ng walang pasabi kung saan pupunta. Tapos anong oras na yata nakauwi kinagabihan.

Syempre alalang-alala ang tiya niya kaya nagreport agad sa police, pero kailangan pa daw hintayin ng twenty-four hours bago sila magsimula sa paghahanap. Hindi ko nga alam kung matatawa o matutuwa ba ako sa reaksyon ng tita niya.

"Medyo maayos naman na daw ang lagay, hindi na masakit ang ulo."

Napatango ako.

"Mabuti naman po. Bakit po pala kayo napatawag?"

"Gusto ko lang sana itanong kung may nababanggit ba siya tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi ko pa rin kasi alam kung saan ba siya nagpunta kahapon at inabot pa siya ng dis-oras na makauwi. Nag-aalala lang ako sa kaniya."

Napaisip ako sa sinabi ni Kuya Ares. Saan nga ba pwedeng magpunta si Mala? Wala naman itong naikukwento na bago sa akin. Tapos ang alam kong huling ganap sa amin e yung kay Ryan at sa kaniya.

"Wala naman po siyang nababanggit sa amin o sa akin. Okay din po siya sa palagay ko po. Hindi po kaya dumalaw lang siya sa puntod ng lola niyo?"

"Siguro nga, susubukan ko na lang na kausapin siya ulit."

"Sige po." Mas mabuti nga 'yon. Sa tingin ko naman close ang magkapatid na 'to. Baka sa kaniya magkwento si Mala ng hindi niya masabi sa aming mga kaibigan niya.

Naiintindihan ko naman kung mahirap pa para sa kaniya na ikwento ang mga bagay-bagay tungkol sa pamilya niya o ano man na bumabagabag sa kaniya. Sigurado na darating din ang pagkakataon na handa na siya magsabi, hihintayin na lang namin iyon.

Pagkatapos ng paguusap namin ni Kuya Ares ay naghanda na rin ako para pumunta sa airport. Ngayong araw na kasi ang pag-alis ni Ryan sa bansa.

Ang galing nga dahil naasikaso na kaagad ng parents niya ang lahat sa loob lang ng ilang linggo. Pati ang tungkol sa magiging set-up ng studies ni Ryan. Baka itake up niya na lang ang natitirang mga linggo through online.

Nakakalungkot pa rin talaga dahil aalis siya.

Walang kaalam-alam si Mala na aalis na si Ryan. Dapat pala ako na ang nagsabi sa kaniya ng tungkol sa pag-alis ng lalaking 'yon. Napaka-torpe talaga, kahit pa sa ganitong bagay.

Kinalabasan, walang proper goodbyes ang dalawa.

"Raea, may naghahanap sa'yo!" Nagmadali akong bumaba ng marinig si Mama.

"Wala naman akong inaasahan na—" Agad na nabitin ang sasabihin ko ng makita ang mukha ng pinakapanget na tao sa mundo. "Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko.

"Aurraea, bisita yan tapos sisigawan mo?" Saway ni Mama nang makalapit sa akin sabay kurot sa beywang ko.

"Ma! Aray ko po!" Ungot ko himas ang kinurutan ni Mama. "Bwisita po 'yan—"

"Ang bibig mo." Pinanlakihan ako ng mata ni Mama kaya hindi ko na tinuloy pa, hinarap ko Khael at inirapan saka naglakad palabas. Sumunod naman siya.

Pinagkrus ko ang dalawang braso sa aking dibdib at matalim siyang tiningnan. "Pati weekends, hindi mo palalampasin?" May diin na tanong ko.

"I just grabbed the opportunity, sabay na tayong ihatid si Ryan pa-airport."

"Bwiset ka—"

"Tita, yung anak niyo po—"

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now