Happy Reading!
Ikatlong araw na ng burol ni Lola. Sina Ryan ay palagi rin na nagpupunta dito sa bahay. Kahapon nga ay nga naka-uniform pa sila. Galing pa sa school tapos dito na dumeretso.
Nagulat na nga lang ako nung abutan ako ng nga ito ng notebooks, talagang tig-iisa pa sila ng inabot.
Flashback…
Kumakain kami ng meryenda na inihanda ni Tita Annie. Kinukwentuhan nila ako tungkol sa mga nangyari sa school. Ilang araw na rin akong absent dahil sa dami ng nangyari, bukod pa itong pagpanaw ni Lola.
"Anong gagawin ko d'yan?" Tanong ko sa kanila, "may abuloy bang nakaipit d'yan?" pabirong dagdag ko.
Dahil sa sinabi ko ay nagkatinginan sila, mukhang sineryoso ang tanong ko kaya agad kong binawi ang sinabi ko. "Joke lang."
Isa-isa nilang pinatong ang mga notebooks sa mesa. "Lectures ang mga nariyan, summarized na rin para mas madali nang aralin." Paliwanag ni Aurraea na tinanguan ko naman saka nagpasalamat sa kanila.
End of flashback.
Although excused naman ako dahil sa nangyari, hindi ko naman maiiwasan ang nga missed lessons dahil absent nga ako. Thankful talaga ako sa mga kaibigan ko dahil sa simpleng bagay na ginawa nila, malaking tulong na para sa akin.
Hapon na rin ng umuwi sila Raea, bukas na lang ulit sila babalik. Nung umalis sila ay nagpaalam muna ako isa sa mga pinsan ko naman ang nagbantay. Pumunta ako sa likod ng bahay. Wala doon ang mga pinsan kong lalaki at si Kuya kaya libre akong tumambay. Doon na lang ako magbabasa ng mga lectures na binigay nila.
Mag a-alas singko na ng hapon pero tirik na tirik pa rin ang araw. Aakalain mong maghahapon pa lang. Maliwanag pa rin ang paligid. Buti na lang din at may talukbong na tarpaulin dito. Hindi gaanong tatama ang init sa'yo. Ang tatamaan lang halos no'n ay yung mga halaman sa paligid.
Nang ipalibot ko ang tingin sa mga iyon ay nabalot na naman ako ng alaala ni Lola. Sa paglabas mo pa lang dito ay bubungad agad ang ibat-ibang gulay na tanim niya, may mga bulaklak din tsaka iba pang halaman. Nakahilera ang mga iyon.
Hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na talaga ito. Pakiramdam ko ay napaikli pa ng panahon na binigay sa kaniya para mabuhay at makasama namin.
Gusto kong maiyak pero itong mga luha ko ayaw talagang makisama. Traydor talaga 'tong mga luha ko! Ni isang patak ay wala talaga. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat itawag sa reaksyon ng mukha ko. Nasasaktan pa rin ako at hindi pa rin matanggap na wala na si Lola, nasa isip ko na paniguradong magiging ga-balde ang iluluha ko pero hindi naman pala. Kahit ganoon ay alam ko sa sarili ko kung gaano kasakit ang nararamdaman ko simula ng araw na iwan niya kami. Nang iwanan niya ako.
Lubos ang pangungulila ko sa kaniya, idagdag pa ang mga taong importante sa akin na ngayon ay wala rin sa tabi ko.
Si Lola na kinuha na ni Lord sa amin.
Si Mama na piniling sumama sa ugok na 'yon.
Si Papa na hindi ko talaga makontak. Nag-aalala na ako ng sobra.
"Ay Papa!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang may humawak sa balikat ko, "anak ng patatas! Ikaw lang pala."
Magkaka-heart attack ako sa biglang pagsulpot ng lalaking 'to, e! Mumultuhin ko talaga siya pag nangyaring madedok ako ng wala sa oras.
Sinimangutan ko ito. "May lahi ka bang kabute ha?" halos pasigaw ko ng saad dito. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ay sumabay ka na kanina kay Khael pauwi?" Pag-tatakang tanong ko kay Ryan.
Imbes na sagutin ang mga tanong ko ay napakamot ito ng ulo.
May kuto ka girl?
"Ang dami ng tanong, isa-isa lang, pwede?" Puno ng sarkasmo nitong saad, "Una, wala akong lahing kabute, sa gwapo kong 'to? Imposible. Bakit ako nandito? Wala lang, angal ka?" Inirapan ko siya. "Huli, pinauna ko na sina Khael. Gusto ko pa mag-stay tsaka pumayag naman ang Tita Annie mo."
Pinaikutan ko na lang siya ng mata, umupo na lang ulit ako at tinuloy ang ginagawa. Nakita kong umupo din siya sa kawayang upuan na nasa harap ko. May mesa sa pagitan naming dalawa.
Nasa likod bahay kami pero grabe talaga ang init. Balak ba ni haring araw na tustahin kami?
"Kamusta na?" dinig kong tumikhim si Ryan bago nagtanong. Inangat ko naman ang tingin ko sa kaniya at napangiwi.
"Sa araw-araw na halos pagpunta mo rito…" Tinaas ko ang kamay ay umaktong nag-iisip. Well, may iniisip naman talaga ako. "Kahit noong mga nakaraang linggo pa, hindi na yata nawala sa'yo ang tanong na 'yan." Aniya ko habang nakatingin sa kaniya. "Ayos nga lang ako—"
"At sa ilang beses na pagtatanong ko sa'yo no'n, ni isang pagkakataon hindi mo ako binigyan ng totoong sagot." Putol nito sa iba ko pang sasabihin, para naman akong napipilan dahil sa narinig.
Isang malalim na pagbuntong-hininga ang pinakawalan nito. "Pwede bang kahit isang beses man lang, maging totoo ka naman sa sarili mo? Please, Mala."
Kendingmaxx
A/N: Sorry for a really short update sa chapter na ito. : ) I still hope you enjoy it. Stay safe!
BINABASA MO ANG
Letters To My Love (COMPLETED)
RomanceAuthor: Kendingmaxx Date Started: 02/24/21 Date Finished: 02/14/23 Letters To My Love - Completed Gaano katagal mo kayang maghintay para sa taong minamahal mo? "Makabubuti na ako'y iyongkalimutan na lamang mahal ko. Hindi kayang indahin ng aking da...