LTML 19

183 21 1
                                    

Happy Reading!



Humarap ako sa life size na salamin at pinaka titigan ang sarili roon. Nakalugay ang buhok ko na umabot hanggang sa balikat ang haba. Pinagpag ko ang kaunting gusot sa saya ng ng dress na suot ko.

Tinapik-tapik ko ng ilang beses ang pisngi ko habang panay ang buga ko ng hangin. Halata ang itim sa ilalim ng aking mga mata dahil sa puyat.

at kaiiyak.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman, maiinis ba o malulungkot. Ikaw ba naman bigyan ng farewell gift sa ikalawang pagkikita niyo pa lang. Ay teka, counted na rin pala yung panaginip so, ikatlo na.

Tapos huli na pala. Saklap.

Ipinilig ko ang aking ulo para mawala sa isip ang tungkol sa nangyari noong isang gabi.

Kakalimutan ko na siya.

Nang pumasok ang katagang 'yon sa isip ko ay kasabay ng paglapat ng aking paningin sa kwintas sa ibabaw ng kabinet na nasa tabi lang ng salamin.

Ilang sandali ko pa itong tiningnan bago kunin ito at ilagay sa bulsa ng shorts na suot ko sa ilalim ng dress. Kinuha ko na rin ang aking panyo at phone saka naglakad patungo sa pintuan ng kwarto.

Isa pang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pinihit ang door knob at lumabas ng silid.

Huling gabi na kasama ka namin, Lola.

Maririnig ang boses ng mga nagku-kwentuhan sa labas at loob ng bahay. Dahil nga huling gabi na ng lamay ni Lola ay mas marami kaysa noong mga nakaraang araw ang mga nagpunta para kay Lola. Kahit pa nga ang malalayong kamag-anak ng aming pamilya ay narito din.

Naglakad ako patungo sa salas at sinalubong ang Ilan sa mga bagong dating na bisita. Gayunpaman ay hindi ako nakangiti sa mga ito, wala akong balak na magsuot ng maskara ng kasiyahan.

Ang ilan sa kanila ay humagulgol nang aking salubungin. Niyakap ko na lang sila dahil hindi ko rin alam kung paano ba ang pag-aalong dapat kong gawin para pakalmahin sila. Pati sila Tita ay abala rin sa pag-aasikaso sa mga bisita.

Matapos sandaling makipag-usap ay naglakad ako sa gawi ng kabaong ng pinakamamahal kong Lola. Ngumiti ako rito na para bang masusuklian niya iyon ng matamis niyang ngiti gaya noong nabubuhay pa ito. Kahit paano ay unti-unti ko ng natatanggap ang pagpanaw niya.

O maaaring may iba pang dahilan kaya sinasabi kong tanggap ko na ang pag-alis ni Lola.

Inalis ko muna ang isiping 'yon at pinuntahan ang mga pinsan ko na nagse set-up para sa inihanda naming tribute para sa huling gabi ng lamay ni Lola.

Hindi na rin pinatagal pa at sinimulan na ang pagpplay ng videos sa screen ng projector. Nilalaman ng mga clips ang mga litrato at videos ni Lola pati ang ilan pang kasama ang pamilya. Mga kuhang litrato at videos ni Lola noong buhay pa ito. Ang mga nagdaan niyang birthday celebrations, outings ng buong angkan ng Kinleigh tuwing bakasyon at marami pa.

Habang nakatuon sa panonood ay marami ang naluluha at ang iba naman ay naririnig na humihikbi. Ang mga maliit ko pang mga pinsan na walang kamalay-malay sa nagaganap ay kita sa mukha ang pagtataka dahil sa mga tao na umiiyak sa paligid nila.

Katabi ko sa kanan ko si ate sa kaliwa naman ay ang pinsan kong babae na mas bata ng apat na taon sa akin.

Puno ng iyakan ang paligid ng mga sandaling 'yon. Lahat ay basa na ang panyo dahil sa kanilang luha maliban sa akin. Mataman ko lamang na tinitingnan ang mga litrato na nagf-flash sa puting tela na nagsisilbing screen.

Ang bawat ngiti sa mga litratong 'yon ng aking Lola. Paniguradong namimiss ko 'yon makita ng harapan. Ang bawat sermon nito sa tuwing ang isa sa aming mga apo niya ay magkakasakit, kahit pa simpleng ubo at sipon pa yaon.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now