LTML 38

143 12 0
                                    

Happy Reading!



Mala


Years later...

Ang bawat desisyon na pinipili ng tao ay may kaakibat na resulta. Hindi totoong tadhana ang gagawa ng paraan para sa'yo o sa mga bagay na gusto mong mangyari.

Ikaw ang may hawak ng sarili mong desisyon at tadhanang tatahakin.

Ilang taon na rin ang nakalipas mula noong pinili kong umalis na wala ni isang salita na iniwan sa kaniya. Alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan masaktan dahil hindi ko naman siya hinintay na magpaliwanag muna.  Ako naman ang umalis na sarado ang isip sa paliwanag niya.

Nagdesisyon ako na hindi inalam ang totoo. Sariling konklusyon ko lang ang pinakinggan ko noon at nagpadala ako sa emosyon ko. Ang scholarship na 'yon ang naging pintuan ko palabas sa kwentong akala ko ay kaming dalawa ang bida.

Oo na, masyado kasi akong hopeless romantic, e. Minsan nakakainis talaga ang characteristic kong 'yon. Masyado akong nagpadadala sa kasiyahan sa tuwing kasama ko siya, akala ko nga hindi na 'yon matatapos.

"Nalalapit na ang pag-iisang dibdib naming dalawa."

Parang sirang plaka 'yon nq paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko. Gusto kong magalit sa kaniya dahil pakiramdam ko ay pinaglaruan niya ang feelings ko.

Espesyal, naging realization ko tuloy na pandesal na lang talaga ang pwedeng maging espesyal.

E, naging hopia ang peg ko.

Masakit kaya sa pride ko na umiyak kahit na hindi naman nagkaroon ng kami. Kung ikakasal na pala siya no'n, bakit kailangan niya pa akong ituring na special someone niya?

O nag-assume lang ba ako na special nga ako sa kaniya?

Mananatiling tanong na lang sa akin 'yon habang buhay. Malamang ay ikinasal na talaga siya at panigurado ay may pamilya na ngayon.

Nakakainis talaga siya.

May maligalig na pala siyang bride to be tapos naghahanap pa ng iba. Hindi naman porket isa siyang prinsipe sa palasyo niya at gwapo ay pwede na siyang mag-ipon ng mga babae sa bulsa ng roba niya.

Nung umalis ako sa Pilipinas, sinabi at ipinangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko na ang feelings ko sa kaniya bago pa man magsimula ang pag-aaral ko dito sa States. Pero para siyang permanent na ink sa sistema ko. Kahit na anong gawin kong paglimot, walang saysay lang. Hindi ko siya mabura sa isip ko.

Sa mapa ng mundo ko na lang kaya siya burahin?

Hindi, ayaw kong mag-exert ng attention at effort sa kaniya.

Erase.

Erase.

Erase.

Alisin mo na siya sa isip at puso mo Mala! Kasal na siya! Ilang taon ang dumaan kaya please erase him from your life na!

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Naalala ko kung gaano kahirap ang ginawa kong adjustment sa mga unang linggo ko dito. Unang pagkakataon na malayo ako sa pamilya ko at manirahang mag-isa. Grabe ang naranasan kong homesickness dito. Lahat na yata ng pwede kong ma-miss sa Pilipinas ay lagpas na sa listahan kung isusulat mo.

Laking pasasalamat ko na lang dahil hindi ako nahirapan masyado sa pag-aasikaso ng mga kailangan ko sa university na pinasukan ko. Dahil nga bayad na ang tuition at ang miscellaneous fee ko para doon. At least hindi ako na-stress pa. Every semester break lang ako pwedeng umuwi sa Pinas no'n, minsan ay hindi pa natutuloy. Kailangan ko din kasi magtipid dahil kahit pa sakop na ang pag-aaral ko ay kailangan ko pa rin namang tustusan ang sarili ko.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now