LTML 04

306 53 0
                                    

Happy Reading!



Hanggang sa sumapit ang uwian ay laman pa rin ng isip ko ang panaginip ko kanina. Para kasing totoong naroon ako sa lugar na iyon at si Ace. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko dahil nakita ko siya ulit. Kaso lang sa panaginip pa rin.

Nababaliw na talaga yata ako.

May parte kasi sa akin na naniniwala sa existence niya kahit sa panaginip ko lang siya nakita at nakilala. I mean, hindi naman siguro imposible. Nandoon nga sila Raea at Brian na nag e-exist naman in real life. May chance na ganoon din si Ace.

Patawid na sana ako sa kabilang kalsada nang may humawak sa braso ko. Muntik pa nga akong mapatalon sa kaba at gulat. Para kasing nag dejavu sa memorya ko yung nangyari sa panaginip ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay agad din na nawala ang kaba ko.

Si Ryan lang pala.

"Bakit?"  Tinaasan ko siya ng kilay.

"Uuwi ka na?" Binitawan niya ang braso ko kaya naman bumalik ang atensyon ko sa kalsada. Inaabangan ko ang paghinto ng mga sasakyan para makatawid na ako.

"Alam mo, Ry. Kaunti na lang babatukan na kita."

Sumabay siya sa pagtawid ko, "bakit na naman?"

"Hindi ko alam kung sinasadya mo ba o ganiyan ka talaga. Obvious na yung mga sagot tinatanong mo pa. Kinulang ka rin ba sa gatas nung maliit ka pa?" Napakamot na lang siya sa batok niya, "bakit ka pala sumunod sa pagtawid? Doon sa kabila ang sakayan mo di'ba?"

"Hatid na kita, wala pa si Raea, e."

"Luh, trip mo ngayon?" Kaya ko naman na umuwi mag-isa. Hindi ko kasi kasabay si Raea dahil may date pa yata kasama si Khael. Halata naman na gusto nila ang isa't-isa pero kung makadeny siya akala mong may ketong si Khael kung makaiwas minsan. "Kaya ko na—yung sa materials pala kanina," kinuha ko ang pitaka sa bulsa ng uniform ko saka kumuha ng pera doon. "Ito oh."

"Okay na nga 'yon." Tanggi nito nang iaabot ko na sa kaniya ang pera.

Ito naman, papahirapan pa ako sa pagpilit sa kaniya?

"Dali na."

"Huwag na." Pinanlakihan ko siya ng mata senyales na seryoso ako. "Ganito na lang—"

Anak ng patatas, ano na naman?

"—samahan mo na lang ako doon," sabi niya saka turo sa mamang nagtitinda ng mga tusom-tusok na mga pagkain.

"Yon lang?" Companion lang palang kumain ng streetfoods ang kailangan nito. Makakatipid pala ako kung gano'n.

"Oo, tara. Libre ko."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Ako nga ang may utang e, halika na nga. Libre ko." May pinalidad kong saad bago siya hilahin patungo sa pwesto ng streetfood vendor na itinuro niya.

-

Umuwi na rin agad ako pagkatapos naming kumain ni Ryan. Naabutan ko si ate na nagdidilig ng mga halaman. Buti at naisipan niya. Madalas kasi ay kailangan pang sabihan bago madiligan ang mga iyon.

Tipong magmamakaawa na lang ito bago masabuyan ng tubig.

"Si Mama?" Bungad na tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako tiningnan pa nang sagutin ako, "nasa loob kausap si Papa. Mabuti nga wala pa yung peste, e."

"Ate!" Sikmat ko rito.

"Sa halaman kasi, walang mga peste." Pagdadahilan nito. Naiiling na pumasok ako sa loob at nandoon nga si Mama sa sala habang kavideo call si Papa.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now