LTML 30

160 14 3
                                    

Happy Reading!


Aurraea

"Bwiset ka! Balak mo talagang sirain ang umaga ko lagi 'no?!" Pinandilatan ko ito at itinaas ang kamay ko para kunwari ay suntukin ito. Gusto ko talagang gawin kung hindi lang ako nagpipigil.

"Oh, teka!" Isinangga niya ang dalawang braso sa unahan niya at umaktong iiwas. Nang ibaba ko ang aking kamay ay saka lang siya umayos muli ng upo. Sinamaan ko siya ng tingin. "Magiging future battered boyfriend ako sa'yo, tsk! Subukan mo naman kaya na maging malambing kahit minsan. Lagi ka yatang may dalaw, mayroon ka rin ba ngayon?" Sinuntok ko ang braso niya kaya napa-igik ito.

"Buhat na buhat mo yang sarili mo! Sino naman ang nagsabi sa'yo na magkakaroon ng tayo, kapal ng apog mo." Inirapan ko ito at tumayo, "Future boyfriend mo mukha mo, ulol!"

Magsasalita pa sana ito pero umalis na ako at lumapit kay Mala na tulala sa isang sulok. Baka malunod na 'to sa lalim ng pag-iisip.

"Girl, ayos ka lang?" Naupo ako sa tabi nito. Lumingon siya sa akin at umiling. "May nangyari ba?" nag-aalala kong tanong.

"Galit si Ryan sa akin." Parang pinagsakluban ng langit at lupa na sabi nito. Ako naman ay kumunot ang noo dahil sa sinabi nito.

"Bakit mo naman nasabi na galit siya sa'yo? May pinag-awayan ba kayo?" Curious na tanong ko.

Muli ay umiling siya. "Wala akong naaalala na nag-away kami. Maayos naman kami noong nakaraan tapos ngayon panay ang iwas niya. Ramdam ko 'yon sa kilos niya." Napahilamos ito sa mukha niya at yumuko sa arm desk ng upuan.

Napatitig na lang ako sa kaniya, ganito siya kaapektado sa kilos ni Ryan. Pero alam ko na ayaw niya lang talaga na may tampo o away sa kaniya ang isang 'yon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ni Ryan kung narinig niya ang mga sinabi sa akin ni Mala noon.

"Matalik ko siyang kaibigan, mahalaga siya sa akin."

"Girl, huwag ka muna mag-assume, 'yon magagalit sa'yo? Himala 'yon kapag nangyari." Pabulong kong wika sa huling parte.

Sa tinagal-tagal ng friendship naming tatlo, hindi ko pa yata nakita na nagalit si Ryan kay Mala. As in wala. Wala pa silang pinag-awayan na malaki. At kung magkaroon man, paniguradong si Ryan ang susuko at hahayaan na manalo sa debate 'tong si Mala.

Hindi talaga magandang kombinasyon ang manhid at torpe.

"Kausapin mo muna siya at tanungin para hindi ka nag-aalala d'yan sa walang kasiguraduhang bagay. Hindi ba nga, communication is the key para magkaintindihan? O malay natin busy lang siya sa ibang bagay kaya akala mo iniiwasan ka niya," suhestiyon ko.

Nakangusong nag-angat ng tingin ito sa akin, tinaasan ko naman siya ng dalawang kilay. "Ilang beses ko na nga sinubukan." Puno ng kawalan ng pag-asa ang boses nito.

Si Ryan talaga, ano kayang nasa isip no'n?

Naiis-stress ako sa dalawang ito.

"Akong bahala, tutulungan kita na makausap siya. Okay ba?" Agad na lumiwanag ang ekspresyon ng mukha niya, ngumiti siya at nagpasalamat.

Kung makapag-pasalamat, para namang bibigyan ko siya ng house and lot. Pero sige.

"Hep! Pati ako iiwasan mo?" Direktang sabi ko ko habang nakaharang sa harap ni Ryan nang akmang dadaan ito.

Umiwas siya ng tingin, "Hindi naman ako umiiwas." Napairap ako sa narinig. Hindi daw!

"Kwento mo sa pagong baka maniwala." Sarkastikong banat ko sa kaniya.

Hinila ko ang braso nito at naghanap ng bakanteng bench saka umupo. Iminuwestra ko rin na maupo siya, napipilitan na sumunod naman ito.

"So ano, bakit ka nagkakaganito?" Para akong yung terror teacher namin sa science kung magtanong.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now