LTML 31

138 13 0
                                    

Happy Reading!



Mala

Nakatanaw lang ako kina Raea at Ryan habang nag-uusap sila sa isang bench na 'di kalayuan sa pwesto ko. Mabuti na lang may malaking puno dito na pwede kong pagtaguan.

Hindi ko nga lang marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Natuwa talaga ako kanina dahil sabi ni Raea tutulungan niya akong makausap si Ryan.

Break time namin ngayon, mabuti na lang may ganoon dito sa school. Recess, hapon edition kaya naman nakakalabas kami ng classroom. Fifteen minutes lang ang binigay na oras para sa recess dahil dalawang subject na lang naman dismissal na rin.

Ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito?

Seryoso lang kasi sila pareho, si Raea ang ugali niya ay maingay at madaldal. Hindi yan tatagal na walang lalabas na ingay sa bibig. But she can keep secrets, kaya nga malaki ang tiwala ko sa kaniya bilang kaibigan.

Bahagya akong nagtago nang tumayo na si Raea pagkatapos ay humarap kay Ryan. Sa palagay ko ay may sinasabi si Raea dahil mukhang nakikinig lang si Ryan.

"Mala." Nanlaki ang mata ko at halos napalundag mula sa kinatatayuan ko nang may  humawak sa balikat ko.

"Ay chismis! Hindi po ako nakikinig sa usapan nila, masyado rin pong malayo para marinig ko mula rito!" Tarantang paliwanag ko.

Teacher! 'Yon ang agad na pumasok sa isip ko. Nakapikit lang ako at naghihintay na sermonan.

"Kaninong usapan?" Iminulat ko ang aking mata nang marinig ang boses ni Brian.

"Ikaw pala 'yan. Wala 'yon, nadala lang sa roleplay namin kanina sa filipino subject." Palusot ko at nginitian ito. "Ano palang ginagawa mo dito?"

"Bumili lang ako ng pagkain, pabalik na sana ako sa room kaso nakita kita. Para ka kasing may tinataguan kaya nacurious ako. Mayroon nga ba?"

Shunga ng tanong ko, break time nga pala.

"Hindi, ahm ano, nagpapahangin kasi ako." Kunwari ay pinaypayan ko ang sarili at nilanghap ang sariwang hangin. "Oh kita mo, mahangin dito."

"Gano'n ba?"

"Oo, pabalik na rin talaga ako sa room. Sabay na tayo, tara." Aya ko saka nag-umpisang maglakad, agad naman na pumantay si Brian ng lakad sa akin.

Napadaan kami sa gawi nila Ryan pero nagkunwari akong hindi ko sila napansin na naroon. Kinausap ko si Brian hanggang sa makarating na ako sa tapat ng classroom ko.

"Nga pala,"

Nilingon ko siya nung nagsalita ito. "Hmm?"

"I want to invite you sa bahay if you are free on Saturday. My mom is planning to throw a celebration for my uhm…birthday."

Shit! Oo nga pala! Wala pa akong regalo para sa birthday niya sa Sabado!

"Sure, pupunta ako." Nagthumbs up ako sa kaniya bago kami tuluyang nagpaalam sa isa't-isa.

Ano kayang ireregalo ko sa kaniya?

"Class dismissed."

Tumayo ako at iniligpit ang mga gamit ko saka  lumapit kay Aurraea, patapos na siyang mag-ayos ng mga papel at notebooks niya sa desk.

Sumulyap ako sa gawi ni Ryan na abala rin sa pagliligpit. Seryoso lamang ito at wala na akong ibang makitang ekspresyon sa kaniyang mukha. Kinausap pa siya ng iba naming classmates pero tipid na ngiti lang at tango ang tugon niya sa mga ito.

Binalingan ko ulit si Raea na inaayos ang pagkaka-sukbit ng bag nito sa balikat niya. "Nakausap mo na siya?" patungkol ko kay Ryan, hindi ko sinabi sa kaniya na nakita kong magkausap silang dalawa kanina.

"Ahm, oo nakausap ko siya kanina." Matamlay na sagot niya.

Hindi ba pumayag si Ryan, iiwasan niya pa rin ba ako?

"Sabi niya..."

"Ano? Kakausapin na ba niya ako?"

"Sabi niya, bigyan mo raw muna siya ng isa pang araw tapos kakausapin ka na niya." Napalingon ako kay Ryan na palabas na ng room.

Nakakapanibago dahil noon bago lumabas si Ry, lalapit siya sa amin para sabihin na magsabay-sabay kaming lumabas.

Bumagsak ang balikat ko at marahang tumango. Niyaya ko ng lumabas si Raea, napahinto kami sa paglalakad dahil may tumawag sa kaniya. Si Khael.

Agad na may sumanib na katarayan kay Aurraea. Umirap siya kay Khael na papalapit sa amin at nagmamartsang naglakad. "Mauna na ako bes, pati huling oras ko school guguluhin na naman niyang lalaking 'yan. Bye! Ingat ka pauwi!" Kumakaway na wika nito saka mabilis na naglakad ulit.

"Bye Mala! Kitakits na lang bukas. May liligawan pa akong dragon." Natawa na lang ako sa sinabi ni Khael. Tinakbo nito ang pagitan nila ni Raea at sinabayan niya ito. Maririnig pang nagbabangayan ang dalawa.

Hindi na nagkaroon ng normal na usapan, palaging may sigawan ang dalawang 'yon.

Ilang beses na akong palinga-linga sa mga dumadaan. Mahigit kalahating oras na akong naghihintay. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Brian kanina na dito ko na lang daw siya hintayin sa gate ng school.

Ini-stretch ko ng bahagya ang mga binti at paa ko dahil medyo nangangalay na ito.

Tatawag na sana ako sa kaniya para sabihin na mauuna na ako dahil baka mahirapan akong makasakay mamaya. Pero bago ko pa man madial ang number niya ay nakarinig ako ng busina kaya napa-angat ako ng tingin.

Huminto ang sasakyan na pamilyar sa akin. Bumaba ang bintana ng driver seat at naroon si Brian na may nag-aalalang ekspresyon. Nakita ko sa passenger seat si Abbi na natutulog, medyo maputla ito.

Lumapit ako sa tapat ng bintana ng sasakyan. "Anong nangyari sa kaniya?" Bungad kong tanong habang nakatuon ang tingin kay Abbi.

"Ang taas ng lagnat niya, pinauuwi na siya ng subject teacher niya kanina pero ayaw." Puno ng frustrasyon na wika niya. "Pasaway talaga. Pasensya na natagalan kami sa clinic kaya hindi ako agad nakaalis."

"Okay lang, kararating ko lang naman dito."

Lumabas siya at binuksan ang pinto sa back seat ng sasakyan. "Halika na ihahatid na kita." Aniya

"Ihatid mo na si Abbigail para makapag-pahinga na siya ng maayos," suhestiyon ko at hinila siya pabalik sa driver seat back bago isara 'yon. "May bibilhin pa ako kaya sige na. Magkita na lang tayo bukas." Kinawayan ko na siya at sinabihan na i-abante na ang sasakyan.

"I'm really sorry, Mala. Babawi na lang ako, promise." Tumango na lang ako at ngumiti.

Napalingon ako sa likod ko ng marinig na nagsalita si Manong guard. "Ineng bakit hindi ka pa sumabay kay totoy? Panigurado ngalay na ang mga paa mo, matagal kang naghintay dito."

"Ayos lang ho ako Manong. Sige ho, aalis na ho ako." Naglakad na ako palabas ng school.


A/N: May magkikita sa next chapter huehuehue, enjoy!



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon