LTML 22

125 13 0
                                    

Happy Reading!



Mala


Hinubad ko muna ang basang sapatos saka pumasok sa kabahayan. Hindi na ako ganoon kabasa katulad kanina. Grabe! Ang ginaw, kanina pa ako basa pero parang ngayon ko lang naramdaman ang lamig. Idagdag pa na ilang oras rin kaming nanatili ni Ryan sa mga basa naming damit.

Ang sarap din batukan ng lalaking 'yon minsan, e. Panay na nga ang bahing at pag-ubo tapos gusto pa ihatid pa ako hanggang sa bahay. Sinabi kong kaya ko naman na umuwi mag-isa kaya pinapauna ko na kaso ayon, makulit. Buti nga napilit ko na hanggang sa kanto na lang ako ihatid at umuwi na rin ito para makapagpalit.

"Tatawag na ako ng—"  Nagulat ako nang sa pagpasok ay nakasalubong ko si Tita. Tiningnan ko ang mga naroon sa sala, kumpleto sila. Well, parang ganoon.

Pati si Mama at Shan ay narito rin. Si Kuya ay nasa pang-isahang sofa at nakahawak sa kaniyang sentido na animo'y problemado.

Anong nangyayari?

Halos mapaigtad ako sa kinatatayuan ko ng sabay-sabay silang magsalita. "Saan ka nanggaling?!" Tumayo si Mama at Kuya at lumapit sa gawi namin ni Tita.

"Saan ka nagpunta pagkatapos ng libing?" Tanong ni Kuya Ares sa medyo galit na tono.

"Doon lang naman ako sa—"

"Anak, pinag-aalala mo ako at—"

"Magpapalit na muna ako at magpapahinga." Tanging saad ko na lang at nilagpasan na sila saka naglakad papunta sa kwartong inuukupa ko.

Sinara ko ang pinto pagkapasok ng silid. Ibinaba ko ang bag na dala at inilabas ang laman ng mga 'yon. Kinuha ko ang wallet at phone ko at inilapag sa kama. Pagkatapos ay tumayo na ako saka kumuha ng damit sa kabinet at ang tuwalya ko bago nagtungo sa banyo para maligo.

Habang nasa ilalim ng shower ay naalala ko si Ryan. Nabasa din siya ng ulan dahil sa akin. Nag-stay talaga siya kanina at sinamahan ako. Kanina ay para akong wala sa sarili. Hindi ko alam kung saan ba ako paparoon, kung wala siguro si Ry ay wala pa ako ngayon dito sa bahay.

Paniguradong naroon pa rin ako sa puntod ni Lola.

Napailing na lang ako, nakakahiya at magmumukha akong sira doon mag-isa sa sementeryo habang panay ang ulan.

Tinapos ko ang pagligo at nagbihis ng simpleng t-shirt at shorts. Naghanda na ako sa pagbaba sa sala, gigisahin panigurado ako sa tanong ng mga tao roon.

Hindi nga ako nagkamali, pinupog ako ng sandamakmak na tanong nila Kuya. Wala na sila Shan at Mama nang makababa ako. Umuwi na daw ito dahil narito na naman ako at ligtas. Sinagot ko ang ilan sa mga tanong nila. Nabanggit ko rin na kasama ko nga si Ryan kaya kung makatingin na naman si Kuya sa akin kakaiba. May meaning, e.

Kinagabihan ay nagsabay-sabay naman kaming lahat sa hapunan at pagkatapos ay nagdesisyon na rin magpahinga dahil sa mahaba at nakakapagod na araw.


Ngayon ay nakahiga na ako sa kama at nakatitig lang sa kisame ng kwarto. Iniisip ko ang mga susunod na mangyayari. Hindi nagpakita si Ace sa buong araw. Lolokohin ko ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ako nag-expect na makita siya ngayong araw.

Naghintay ako.

Hindi nga ako sigurado kung may darating ba kahit pa gaano ako katagal maghintay.

Ginawa mo pa rin naman.

Napailing na lang ako sa naisip.

Halos magapagulong-gulong na ako sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Nakakainis! Pati pagtulog ko ginugulo. Tsk! Ace! Ayaw talaga akong dalawin ng antok kaya naman kinuha ko na lang ang phone ko. I found myself typing a text para kay Ryan. I want to thank him para sa ginawa niya at tatanungin ko na rin kung okay siya matapos maulanan.

Ise-send ko na sana ang message nang bigla namang tumunog ang ringtone ng phone ko. Dahil sa gulat ay nabitawan ko 'yon at nahulog sa mukha ko.

Aray! Ang ilong ko!

Umupo ako habang hinihimas ang ilong ko. Sumandal ako sa headboard ng kama saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang caller ID ni Ryan kaya sinagot ko iyon agad.

"Hello, kakamusta—"

[Kakamustahin lang sana— ayos ka lang ba?]

"Ayos lang ako, ikaw ba?"

[Ikaw nga ang inaalala ko.]

Narinig ko sa kabilang linya ang pag-ubo nito. "Tss! Ikaw ang panay ang ubo d'yan, e. Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko.

[Oo, kanina pagkatapos kong kumain ng dinner.]

Tumango-tango ako na para bang kaharap ko lang ang kausap ko.

"Sige na, magpahinga ka na, magpagaling ka ha, magkita na lang tayo sa school bukas. Pahinga ka na rin. Goodnight, Ryan." Naghintay ako ng ilang saglit dahil tahimik lang sa kabilang linya. Akala ko ay ibinaba na nito pero naroon pa rin pala. "Ry, nandyan ka pa ba? Ibababa ko na—"

[Sandali, Mala.]

"Hmm?"

[Goodnight.]

Parang nakikita ko siyang nakangiti habang binabanggit 'yon. Akala ko naman kung ano na ang sasabihin niya. "Hmm, goodnight din. Magpagaling ka ha." Nakangiting sagot ko bago tuluyang ibinaba ang phone.

Naghihikab na inayos ko ang aking hihigaan at saka muling nahiga. Tapos na ang burol kaya kailangan ko na rin ulit pumasok sa school bukas. Ipinikit ko ang mga mata ko at muling humikab. Dahan-dahan akong nilukob ng antok at tuluyan na akong nakatulog.

Sana maging maayos na ang lahat sa mga susunod na araw.


Huminto ang traysikel na sinasakyan ko sa tapat ng gate ng eskwelahan. Kaunti lang mga estudyante na nakikita kong naglalakad papasok at sa paligid dahil alas sais pa lang naman ng umaga.

Nagbayad ako at nagpasalamat sa drayber saka naglakad papasok sa school. Binati ako ni manong gwardiya kaya nginitian at binati ko rin ito pabalik.

Tahimik lang ako na naglalakad sa malawak na pathway ng may umakbay sa akin. Aalisin ko na sana ang braso nito at sisigawan nang makita ko kung sino ito.

"Mah bestie! You're here na!"

"Hindi ako 'to, delusional ka lang." Ani ko at tuloy pa rin sa paglakad.

Inungusan lang ako ni Raea. "Ikaw!" Pinandilatan ako nito at hinigpitan ang nakaakbay na braso sa akin. "Umaga pa lang, ang katarayan mo tirik na agad. Tsk! Siya nga pala, nalaman ko yung nangya—"

"Ayos na ako." Agad kong sagot bago pa ito makapagtanong.

"Sure ba 'yan?" Tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

Tumango-tango ako, "Well, may progress kahit paano." Saad ko at nginitian ito.

"Goods! Siya tara na, may ichichika ako," anito sabay hatak sa akin. Natatawang napailing na lang ako saka nagpatianod na lang kay Raea

Pagbibigyan ko na, I'm all ears sa mga chika niya.



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now