LTML 06

222 42 0
                                    

Happy Reading!



May isang buwan na rin simula ng maconfine si Lola sa ospital. Dalawang beses sa isang linggo kung dumalaw kami para kumustahin ang kalagayan nito. Dapat ay makakalabas na siya matapos ang unang pagbisita namin sa kaniya pero sabi ng doktor niya ay may iba pa daw komplikasyon bukod sa UTI na sakit nito. Kinabahan ako sa sinabing iyon ng doktor.

Hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap nila ng Tita at Mama ko kasama ang doktor. Hindi ko matandaan ang binanggit ng doktor na sakit daw ni Lola pero konektado iyon sa obaryo nito. May abnormal daw na paglaki sa obaryo niya.

Niresearch ko kaagad ang lahat ng pwede kong malaman tungkol doon. Halos manlumo ako sa bawat article na nababasa ko. Isang tumor iyon na kadalasang nakukuha ng mga kababaihan. Bumagsak ang balikat ko dahil nabasa ko ang rate ng mga pasyenteng nagawang labanan ang sakit. Higit pa sa kalahating porsyento no'n ay binawian ng buhay. Halos lahat ay may taning na agad wala pa man ng operasyon para maalis ang bukol.

Kahit pa alam kong malakas si Lola. Hindi pa rin  maikakaila na umeedad na siya at humihina na ang katawan niya. Ano pa ngayon na may sakit itong dinadamdam?

Inilapag ko ang phone sa tabi ko saka napatitig sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko na alam ang uunahin kong isipin. Sila Mama at Papa kasi ay madalas na ang pag-aaway, kung hindi naman sila ay si Kuya at Mama naman. Pinagtatalunan nila ang pera at ang tungkol sa pagtira ng lalaking iyon ni Mama sa bahay.

Ang kapal ng apog. Lahat nagkagulo na simula ng dumating siya sa buhay namin. Bwiset!

Natuwa kami dahil sabi ni Mama na aalis na raw ito para magtrabaho sa ibang bansa, tulad ng plano kuno nila kaya tinutulungan siya ni Mama. Pero wala pa man ang ilang linggo ay bumalik na naman ito, hindi daw natuloy ang pag-alis dahil nagkaproblema sa mga papel niya.

At hindi ako tanga para hindi mabasa ang kasiyahan sa mata ni Mama. Maglolokohan pa ba kami dito?

Alam kong masama ang makaramdam ng galit dahil nanay ko siya. Pinipilit ko na huwag maramdaman iyon pero sa tuwing nakikita ko sila ng lalaki niya ay para akong sasabog sa galit. Hindi ako nagsasalita dahil ayaw kong magbitaw ng anumang makakasakit sa Mama ko. Ayaw ko rin na tuluyan na mawala ang natitira ko pang respeto sa kaniya.

Gusto kong sumbatan ang lalaking iyon sa lahat ng tulong na ginawa ni Mama sa kaniya at pagpapasensya namin sa mga kilos niya. Napakawalang kwenta niyang tao. Kung siguro ay kasing kitid ko ang utak niya ay iyon na ang ginawa ko pero wala namang maidudulot na maganda kung sasabayan ko ang galit ni Kuya. Inaalalayan ko na lang sila Ate at Shan.

Sa aming lahat, silang dalawa ang pinaka apektado sa sitwasyon.

Sana nandito si Papa.

Kahit pa nagagawa kong iiyak gabi-gabi ay mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa pagbangon sa kama. Sa kaalamang haharapin ko na naman si Mama at ang lalaki niya. Kailangan kong kumapit at maging matatag. Nagiging praktikal lang ako, hindi ko alam kung saang lupalop kami pupulutin na magkakapatid kung magkagulo. Wala pa kaming pera para buhayin ang mga sarili namin.

May mga schoolworks pa akong hindi naipapasa on time dahil sa biglaang gulo dito sa bahay na madalas kung mangyari. Tinutulungan ko si Shan dahil wala na silang oras para asikasuhin ito. Ayaw ko naman na umulit siya dahil sa problema sa bahay. Sana lang ay kaya ko rin siyang ilayo sa lahat ng gulo, masyado pa siyang bata para maexperience ang ganito.

Hangga't maaari ay lumalabas kami kapag nagkakagulo o may sigawan sa bahay. Sa tuwing lalabas pa nga kami ay nakikiusyoso pa ang nga kapitbahay namin.

Mga tsismosa at tsismoso. Nakakainis!

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now