LTML 28

129 13 0
                                    

Happy Reading:)

-

"Hija, kamusta naman ang panliligaw sa'yo nung binata? Brian ba ang ngalan, tama?"

Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko na pagkain saka nag-angat ng tingin kay Tita. Nagtataka. "Kailan pa ho kayo naging interesado sa lovelife ko, Tita?"

Ang weird ni Tita nitong mga nakaraan. Nung isang araw lang, tinatanong ako kung sinagot ko na daw ba si Brian.

Daig pa ang mga anak niya basta pag-uusapan ang lovelife naming magpipinsan.

At ngayon na may nanliligaw sa akin, parang sa akin na napunta ang atensiyon niya o sa lovelife ko.

Kaloka!

"Hindi baga'y mahigit isang buwan ng nanliligaw yaong binata? Kailan mo ba sasagu—" Hindi man lang niya pinansin ang tanong ko

"Hindi naman ho kailangan na madaliin ang pagsagot niya doon sa lalaking' yon." Naputol ang dapat na sasabihin ni Tita ng magsalita si Kuya. Natahimik ako bigla, bakas kase sa boses niya ang lamig.

Galit ba siya? O pakiramdam ko lang ay galit siya?

"Nako, ang pinatatagal ay ang relasyon hindi yaong panliligaw. Hindi baga Magne?" Pabirong tanong nito kay Ate na tahimik lang habang kumakain.

Tumingin ito kay Tita na parang galing sa malalim na pag-iisip. "Ano po Tita?"

"Mukhang malalim ang iniisip mo Neng, ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Tita kay Ate. Tumango lamang ito at bahagyang ngumiti saka nagtuloy sa pagkain.

-

"Kuya." Tawag pansin ko rito at agad naman itong lumingon sa akin. Kukuha sana ako ng maiinom bago ako matulog nang makita ko siya rito sa likod-bahay.

"Bakit gising ka pa? Maaga pa ang klase mo bukas." Hindi pa rin nawawala ang panlalamig ng tono nito sa pagsasalita. Sa halip na sumagot ay naupo ako sa tabi niya at tahimik na nagmasid sa paligid. Nakaka-relax talaga ng pakiramdam sa tuwing narito ako sa parteng ito ng bahay.

"Nami-miss ko si Lola." Kapagkuwan ay sabi ko.

"Araw-araw." Anito na agad ko namang naintindihan. Pinaglalaruan ko lang ang mga daliri ko sa kamay habang si Kuya ay minsang sumisimsim sa baso ng kapeng hawak niya. Ilang sandali ulit kaming natahimik bago may pumasok na tanong sa isip ko.

Noong nakaraan pa ay kasama na ito sa mga bumabagabag sa akin.

"Nakontak mo na ba si Papa?" Tila hindi nito inaasahan ang tanong ko, ilang sandali ang lumipas ay umiling ito. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Nag-aalala ako kay Papa pagkatapos nung nangyari, hindi na natin siya makontak." Napabuntong-hininga na lang ako, kahit kase ako, sinubukan ko itong tawagan ulit nitong mga nakaraan pero out of reached.

"Huwag mo na siyang subukang tawagan o kontakin ulit." Napalingon ako sa kaniya, kunot ang aking noo. Puno ng awtoridad ang pagkakasabi niya no'n na para bang kailangan talaga itong gawin.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now