LTML 21

151 19 0
                                    

Happy Reading!



Ryan


Narating ko ang kanto at agad na naghanap ng masasakyan. Panay ang pagdarasal ko na sana ay ligtas siya sa kinaroroonan niya ngayon. Pinara ko ang jeep saka sumakay, habang umaabante ang jeep ay tahimik akong nagdadasal.

Basang-basa na ako at tumutulo pa ang tubig mula sa aking buhok.Dahil doon, napansin ko ang titig ng mga nakasakay sa akin. Marahil ay nagtataka sa itsura ko ngayon.

Anong magagawa ko? Sa nagmamadali ako kaya nawala na sa isip ko na magdala pa ng payong.

Kinuha ko sa bulsa ng aking pantalon ang phone ko. Sinubukan kong kontakin muli ang phone ni Mala pero cannot be reached ito.

Kung pwede ko lang sabihin sa driver na mas bilisan pa ang pagpapatakbo ay kanina pa siguro ako nakarating sa destinasyon ko pero alam kong delikado iyon dahil malakas pa rin ang ulan at madulas ang kalsada.

Parang napakatagal ng biyaheng iyon bago tuluyang huminto ang jeep sa tapat ng sementeryo. Mabilis akong bumaba at tumakbo papasok sa mataas na gate nito.

Sa tuwing may nakakasalubong ay tinitingnan ko dahil baka si Mala ang isa sa mga ito. Hinihingal man ay tuloy lamang ako sa paglilibot sa paligid, bawat parte ng sementeryo na nadadaanan ko ay chini-check ko kung may tao dahil baka naroon si Mala. Alerto din ako dahil baka makasalubong ko siya.

Dumeretso ako sa shed na pinuntahan namin kanina. Inilibot ko ng iyon ng tingin at sa gitnang bahagi ng malawak na grass field kung saan nakalibing ang lola niya ay nakita ko si Mala. Nakayuko ito sa sementong lapida at basang-basa na ng ulan. Tumakbo agad ako patungo sa direksyon niya saka inalis ko ang jacket na suot ko at itinapi ito sa kaniyang balikat.

Dinig ko ang mahinang paghikbi niya kahit na may kalakasan ang pagaspas ng hangin, dahan-dahan, iniangat nito ang kaniyang ulo at tumingin sa akin. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata at basang-basa na siya. "R-Ryan…" nauutal na sambit nito.

Hinamig ko siya at ikinulong sa aking mga braso. Hindi ako nagsalita at nanatili lamang na nakayakap sa kaniya. Ibinaon pa nito ang kaniyang ulo sa aking dibdib at doon umiyak muli.

Kahit sino na nasa aking pwesto ay makakaramdam ng lungkot para kay Mala. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya itinago ang totoong nararamdaman niya.

Gusto kong man alisin ang lungkot na nadarama niya pero ang magagawa ko lang ay damayan siya at huwag iwan na mag-isa sa pagkakataong ito. Normal ang pagluluksa para sa taong pumanaw, lalo pa at mahalaga sa iyo. Hindi madaling tanggapin na wala na talaga sila sa buhay mo.

Naiintindihan ko ang pagluluksa niya, ang pakiramdam dahil minsan sa buhay ko ay naranasan ko na rin ito. Noong pumanaw ang lolo ko sa side ng papa dahil sa bone cancer. Nasa murang edad pa lamang ako noon nang tuluyan na siyang namaalam sa amin.

"B-Bakit niya kami iniwan? Bakit?" Humihikbi na saad ni Mala. Marahan ko lang na hinagod ang kaniyang likuran para pakalmahin siya. "Hindi n-niya ako h-hinintay man lang, Ry. Alam m-mo ba na nangako si Lola noon, nangako siya n-na hindi niya ako iiwan."



Binuksan ko ang balot ng cheese burger bago iyon iabot kay Mala, saka ko naman sunod na binuksan ang para sa akin. Inabot ko din sa kaniya ang bottled water na binili ko kasabay ang burger.

Narito na kaming dalawa sa isang park at nakaupo sa bench. Nang kumalma na si Mala at tumigil na sa pag-iyak ay nagdesisyon na rin kaming umalis sa sementeryo. Hirap pa ngang umalis si Mala, kung hindi lang talaga nagpatuloy ang ulan ay mananatili pa kami.

Naisip ko na kumain muna kami bago ko siya ihatid pauwi. Matagal siyang naroon sa sementeryo at wala pang laman ang tiyan niya mula kaninang tanghali kaya naghanap ako ng malapit lang sa amin na pwedeng pagbilhan ng pagkain.

Tahimik lang kaming pareho na kumakain. Para sa akin hindi naman awkward kahit ganito kase noon pa man ay hindi naman palasalita si Mala. Sa totoo lang, siya yung tipo na kaya kang titigan lang kahit maghapon. Minsan ay mahirap din mabasa kung ano ang iniisip niya. Dahil nga, hindi siya mahilig magkwento tungkol sa mga bagay na iniisip niya.

Iniwasan ko na muna na magtanong ng kung ano-ano dahil makakadagdag pa sa iniisip ni Mala.  Saka na lang siguro kapag alam kong kalmado na talaga siya. Isa pa, paniguradong itatanggi niya lang ang totoong nararamdaman niya kahit pa ilang ulit ko itong tanungin.

"Ry." Bumaling ako sa kaniya at hinintay na ituloy nito ang sasabihin. "Pwede bang huwag na muna tayong umuwi?"

Agad na pumasok sa isip ko ang pagtutol. "Magkakasakit ka kapag hindi pa tayo umuwi at hindi ka pa makapagpalit ng damit, matagal kang naulanan kanina."

Ilang ulit naman siyang umiling. "Hindi naman ito ang unang beses na nabasa ako dahil sa ulan. At saka, hindi rin ako madaling magkasakit. Sige na, Ry,"

Pasaway talaga minsan.

"Pero..."

Yumuko ito at pinagsiklop ang dalawang kamay niya. "Kapag kasi nasa bahay ako, bawat sulok doon naaalala ko si Lola." Nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa kamay niya kaya agad ko siyang inalo.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Okay, sumaglit muna tayo bago kita ihatid. Tumahan ka na." Napahinto ako sa pag-alo sa kaniya nang hawakan nito ang kamay ko. Nagbaba ako ng tingin at sakto namang nagtama ang mata naming dalawa.

Masyadong malapit...

Pinilit ko ang sarili na hindi kumurap at labanan lang ang tingin ni Mala. Sinusubukang basahin ang paraan ng pagtitig niya. Dahil malapit ang mukha niya ay malaya ko itong napa-pagmasdan. Ngayon ko lang napansin na may nunal pala siya malapit sa kaliwang side ng labi niya.

"Salamat Ry, hindi ko naisip na ikaw ang makakasama ko sa ganitong sitwasyon, alam kong may sarili ka ring mga problema na dinadala pero pinuntahan at sinamahan mo pa rin ako. Maliban sa pamilya ko at sa lola ko na pinaghuhugutan ko ng lakas, na ngayon ay wala na, isa ka sa nagpapatatag ng loob ko. Salamat."

Napangiti na lang ako sa kaniyang sinabi, masaya ako na makakatulong ako sa kaniya kahit na sa simpleng paraan. "Kapag pakiramdam mo iniwan ka ng buong mundo. May Ryan Kyle Colton na nandito lang palagi sa tabi mo."

Napailing-iling naman ito nakangiti na kinuha ang kinakain kanina. "Ang cheesy mo. Nakakakilabot ka," aniya at bahagyang tumawa.

Nakakakilig dapat 'yon, tsk!

"At least, napangiti kita."

"Ewan ko sayo, para kang burger na 'to, oh. Cheesy masyado." Inirapan ako nito bago kumain ulit.


#RyLa



Kendingmax

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now