LTML 37

191 12 0
                                    

Happy Reading!

"Aking ipinagtataka sapagkat hindi ka man lamang nagulat o natakot nang magising ka sa ganoong lugar." Wika ni Ace habang hawak ang paint brush at sumasabay sa akin sa pagpipinta.

Gumagawa kasi ako ng solo project sa arts subject ko para ipapasa ko na lang bukas pagpasok ko.

Ito talaga yung sinasabi nila na minor subjects na feeling major. Halos patapos na rin ang klase, kailangan na lang i-take yung mga last quarter na mga exam pero ito may pahabol pa silang activities.

Umay!

Nakatutok pa rin sa ginagawa, sinagot ko si Ace. "Wala naman kasing nakakatakot sa mga nakita ko. Mas magandang sabihin na na-amaze— namangha ako sa mga nandoon."

Sa gilid ng aking mata ay nakikita kong nakatitig ito sa akin. Tumikhim ako para i-alis niya ang tingin sa akin pero hindi man lang ata tinablan ang loko.

"Kahit sa... ideyang magkaiba tayo?" Dinig kong tanong niya ulit.

"Hmm." Hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako sa naging reaksyon ko ng araw na 'yon pero 'yon talaga ang reaksyon ko e.

Alangan naman pilitin kong matakot sa kanila, sa kaniya kung hindi talaga.

"Pero bakit?" Binitawan ko ang hawak na paint brush saka humarap ng upo sa kaniya.

"Gusto mong takot ang maging reaksyon ko at tumakbo?" Nakataas ang kilay at nakangiti na tanong ko.

Mabilis naman siyang uniling. "H-Hindi sa ganoon. Lubos ko ngang ikinasaya na wala na ang takot sa iyong mga mata sa tuwing nakikita mo ako." Aniya na matiin na nakatitig sa mga mata ko.

Tumango ako. "Siguro dahil sa naramdaman kong safety, ang ibig kong sabihin habang naroon ako, wala akong naramdaman na kapahamakan o ano man. Alam mo ba, mas natatakot pa nga ako sa mga tao mismo." Naiiling na wika ko. "Kasi ang mga tao, kahit pa walang kapangyarihan yan gaya niyo mula sa mundo mo o ano pa man na nilalang, lahat kakayanin pa rin naming gawin. Basta gustuhin namin. Minsan pa nga kahit makaapekto pa sa iba basta kagustuhan lang, wala na silang pakialam. Di'ba nakakatakot 'yon?" Kunwari ay nanginginig pang dagdag ko.

Nagsalubong naman ulit ang mga kilay nito. Ang cute talaga ng ekspresyon niyang 'yan.

"At saka ang gaan ng pakiramdam ko nung nandoon ako. Hindi ako binagabag ng mga problema ko, ang nasa isip ko lang siguro ay kung gaano kaganda ang lugar na 'yon."

"Masaya akong malaman ang mga 'yan." Ngumiti siya bago ipagpatuloy ang pagp-paint. Na-curious ako kung ano ba ang ipinipinta niya kaya sinulyapan ko ito pero agad naman niyang itinaas 'yon kaya hindi ko kaagad nakita.

Titingnan ko lang!

Sinimangutan ko siya, "Patingin lang," sinubukan kong abutin kahit pa nakaupo ako pero mas mataas siya kaysa sa akin. Hindi ko maabot. "Sulyap lang naman, kanina ka pa nagpipinta d'yan." Nakangusong reklamo ko.

"Mamaya ay iyo rin itong makikita. Kailangan ko munang tapusin." Aniya, napangiwi na lang ako.

"Ano ka ba? Hindi naman ako expert pagdating sa mga paintings ano, I won't—hindi ko huhusgahan ng negatibo." Pinagkrus ko pa ang dalawa kong daliri at ipinakita sa kaniya.

"Expert, ang ibig sabihin ay dalubhasa. Tama ba?"

Masigla ko siyang tinanguan, "Natututo ka na, tama 'yon. Ituturo ko din sa'yo ang iba pa para hindi na kailangang tuwid pa sa ruler ang pagta-tagalog ko." Natatawang saad ko.

Madalas na 'yon ang ginagawa naming libangan ni Ace. Gusto niya daw matuto ng mga terms na ginagamit dito sa mundo ko. Kagaya ng ingles at saka yung mga slang.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now