LTML 17

149 19 8
                                    

Happy Reading!




Habang nakahiga sa kama na inuukupa namin sa bahay ni Lola ay iniimbitahan ko ang antok na dayuhin ako. Kanina ko pa kasi pinipilit na makatulog.

Ako sana ang bantay kay Lola hanggang madaling araw pero sabi ni Tita ay bumawi na lang daw ako sa susunod na araw. Magpahinga muna raw ako dagdag niya pa. Nung nasa loob ako ng banyo kanina, nakaharap ako sa salamin na naroon. Kita ko nga ang itim sa ilalim ng mga mata ko. Ilang linggo na akong walang maayos na tulog.

Pinauna na akong papasukin ni Tita sa dito sa kwarto at hinintay pa nito na makahiga ako bago lumabas. Sinisigurado ata na matutulog talaga ako.

Kaso heto naman ako ngayon, dilat pa rin.

Sinulyapan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding ng kwarto ni Lola. Alas dos na ng madaling araw.

Naririnig ko pa rin na medyo maingay sa labas dahil sa mga naglalaro ng baraha na mga matatandang bisita, palagay ko kahit mga bata ay nakikisali rin.

Maingat akong bumangon sa higaan ko para maiwasang magising ang dalawa kong nakababatang pinsan. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng kwarto at walang ingay na pinihit ang door knob.

Sumulyap muna ako sa labas ng pinto, nang masigurong abala ang mga tao sa paligid ay tuluyan akong lumabas at tinahak ang daan papunta sa kusina.

Sinikap kong hindi makagawa ng ingay sa bawat pagkilos ko. Parang magnanakaw ang peg ko dito.

Baka kase makita ako nila Tita at mapagalitan. Dapat kanina pa ako tulog pero heto at magtitimpla pa ako ng kape.

Maraming stock ng kape ang pinamili ni Tita para sa burol. Pati mga plastic ng tinapay ay puno pa ang laman. Pero sapat naman na ang mga 'yon para sa naghuhuling mga araw ng burol.

Nakaramdam ako bigla ng lungkot sa isiping 'yon. Sa Lunes ng gabi na ang huling lamay ni Lola, kinabukasan no'n ay ihahatid na siya sa huling hantungan niya rito sa mundong ibabaw. Sa sementeryo.

Matapos kong magtimpla ay iniligpit ko muna ang mga pinagkilusan ko bago lumabas sa pintuan sa kusina patungo sa likod bahay.

Hawak ko sa kaliwa ang isang biskwit at sa kabila naman ay mainit na kape.

Buti at hindi nila naisipan na tumambay dito ngayong gabi. Abala pa rin siguro sa pag-aasikaso at pakikipagkwentuhan sa mga bisita.

Nilapag ko ang tasa sa mesang naroon saka naupo sa mahabang kahoy na upuan. Dahil nga madaling araw na ay medyo malamig na rin ang simoy ng hangin hindi tulad kapag sumasapit ang tanghali at hapon.

Pwedeng-pwede kang ma-heat stroke sa sobrang init.

Hindi ako natatakot na lumabas dito ng ganitong oras dahil safe naman dito sa likod ng bahay ni Lola.

Maaliwalas rin ang pakiramdam ngayon. Habang umiinom ng kape ay napamasid ako sa paligid. Mga halaman ang agad mong makikita kapag nanggaling ka mula sa kusina. Iba't-ibang klase ng mga halaman at bulaklak.

May kalawakan din itong likod bahay kaya sa bandang gilid ay may kama ng mga gulay. May talong, okra, sitaw, mga talbos at iba pa.

Bahay kubo ang peg.

Naalala ko noon ng panahong buhay pa si Lola. Kasabay ng pagtatanim ng mga gulay ay tinuruan niya din ako paano ang tamang pagbubungkal ng lupang pagtataniman.

Sabi pa niya no'n na mahalagang maalam ako sa mga ganoong bagay para hindi ko na kailangan pang palaging pumunta sa grocery para bilhin ang mga 'yon. Pwede naman daw kaseng magtanim na lang at saka mas makakatipid pa ako.

Noong umpisa nga ay nandiri pa ako sa lupa lalo na nang makakita ako doon ng bulate. Pero sabi ni Lola ay kailangan ang bulateng 'yon para maging malusog yung lupa. Pero syempre takot pa rin ako at nandidiri kaya palagi akong gumagamit ng stick para lang ilipat ang bulateng 'yon.

Tinatawanan pa ako ni Lola dahil ingat na ingat akong hindi mahulog ang bulate mula sa stick na hawak ko.

Baka kase mahulog sa akin! Kakilabot kaya!

(Kung si Crush 'yon okay pa sana kaso bulate e! HAHAHAHAHA)

Dahil sa pagtuturo ni Lola sa akin noon, nagamit ko 'yon ng magkaroon ng gardening sa school noong elementary ako.

Ako kaya ang group leader no'n.

Nang masanay ako ay para na lang akong naglalaro ng lupa. Pero ayoko pa rin makahawak ng bulate hehe.

Nakakainis nga lang kase yung naging bunga ng pinagpaguran naming itanim, iniuwi lang ng feeling principal na teacher ko sa Filipino no'n!  Kay Lola ko pa naman hiningi yung mga binhi ng mga 'yon.

Wala man lang akong naiuwi kahit isang bunga!

Dumapo ang paningin ko sa isang nakatusok na kahoy na napupuluputan ng maninipis na sanga ng halaman. Sa bandang itaas na parte ng kahoy ay kitang-kita ang matingkad na kulay lilang bulaklak.

Orchids…paboritong bulaklak ni Lola.

Kahit nga ako ay gandang-ganda din sa bulaklak na 'yon. Tapos nakakaakit pa siyang tignan. 'Yon pakiramdam na gusto mo siyang pitasin tapos display sa loob ng bahay kung saan kapag pumasok ka, iyon agad ang bungad.

Pero syempre bawal gawin 'yon, matagal bago mamulaklak ang halaman na 'yon. Sayang naman kung malalanta lang.

Napabuntong-hininga na lang ako, lahat ng makikita ko. Nagpapa-alala sa akin kay Lola.  Ang bigat pa rin sa loob at mahirap paniwalaan na pumanaw na siya.

At hindi man lang ako nakapag-paalam sa huling pagkakataon na sana ay nakausap ko pa siya.

"Lola naman kase, iniwan kaagad ako." Malungkot kong bulong.

Nahinto ako sa pag-eemo ng maramdaman ang paggalaw sa tabi ko. Panganib ang unang pumasok sa isip ko, mariin akong napalunok at pinanatiling kalmado ang pag-iisip ko.
Hindi ko naman kase narinig ang pagbukas at sara ng pintuan.

Kaya saan naman ito nanggaling?

Hindi ko man lang naramdaman ang presensya nito. Kanina pa ba ito nakamasid? Kanina oa ba ito naroon? Lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko dahil sa mga naiisip.

Magnanakaw?

Rapist?

Or worse, killer!

Mahina akong nagbilang sa isip ko, kinakabahan na talaga ako.

Isa. Lord ngayon na ba ako makakasunod kay Lola?

Dalawa. Pero Lord, hindi pa tapos ang mga problema na dapat masolusyunan.

Tatlo. Bahala na!

Mabilis along tumayo papalayo sa kung sino man ang taong nasa likod ko at hinarap siya. Nakakuyom ang mga palad ko at handa ng sumabak nang makita ko kung sino ang iniisip ko kaninang panganib.

Para akong tinakasan ng lakas at tapang. Nanginginig ang mga tuhod ko at ilang sandali pa ay tuluyan na ako napaluhod sa lupa. Hindi ko alam kung bakit para akong nanghina. Malakas pa rin ang kalabog ng dibdib ko hindi na dahil sa kaba kundi sa ibang emosyon na hindi ko mapangalan. Nakatingin lamang ako sa kaniya nang lumapit siya at hinawakan ang magkabila kong balikat at itinayo ako mula sa pagkakasalampak ko.

Panaginip na naman ba ito?

Imagination ko na naman ito, e!




Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now