LTML 53

405 12 0
                                    

Happy Reading:)

-

Pagkatapos kong magbihis ay ibinagsak ko ang katawan sa kama at tumitig sa kisame ng silid. Ano na ang sunod na mangyayari? I feel bad for Ryan. I expected that he already lost his feelings for me but I was wrong.

Hindi ko agad naisip, kung ako nga ay hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang pagmamahal kay Ace. Mukhang ganoon din ang sitwasyon ni Ryan sa akin.

Kung pwede lang na sabihin ko sa kaniya na huwag na akong gustuhin at ganoon lang kadali para sa kaniya na gawin 'yon. Ayaw kong mahirapan ito at masaktan ng dahil sa akin.

He's a good man. A good friend.

"I don't want to be just a friend."

Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Ang hirap naman ng ganito. Parang sasabog na ang isip ko! Ipipikit ko na sana ang mata para magpahinga nang marinig ko ang message tone ng phone ko, parang walang buhay na kinuha ko iyon at ini-on para basahin ang mensahe.

[Gising ka pa ba? Can you come out? Narito ako sa labas ng bahay niyo.]

Dahil sa nabasa ay mabilis akong bumangon at sumilip sa bintana ng aking silid. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita nga si Ace sa labas ng gate, nakapamulsa habang nakasandal sa gilid ng kaniyang puting Audi.

Nakasuot ito ng white long sleeve polo shirt, bukas ang dalawang butones niyon at nakatiklop ang manggas hanggang sa kaniyang siko.

Mabilis kong ibinaba ang kurtina ng lumingon ito sa gawi ko. Nagtungo ako sa harap ng salamin para suriin ang itsura ko. Kumuha ako ng jacket para isuot dahil malamig na sa labas, pares ng pantulog lamang ang suot ko at hindi naman iyon ganoon kakapal. Nang makuntento na sa ayos ay tahimik akong lumabas ng kwarto at bumaba para labasin si Ace.

Agad siyang umayos ng tayo nang magkaharap na kami. "Ace." Mahinang sambit ko sa pangalan niya. "Kamusta na ang lagay ni Clarisse?" Tanong ko, sana ay maayos na ang lagay nito. Nagulat talaga ako nang bigla na lang siyang nawalan ng malay.

"Maayos na siya." Huminga ito ng malalim saka kinlaro ang kaniyang lalamunan, "Sa palagay ko ay wala ng istorbo para makapag-usap tayong dalawa para sa closure na pareho nating gusto."

Sana nga ay pareho na lang tayo na gustong tapusin ang lahat. Sa palagay ko ay mahihirapan akong gawin iyon.

Gusto kong isatinig iyon pero pinanatili kong tikom ang mga labi ko. Hindi pwede, hindi na pwede, tumango ako. Ikakasal na siya at sa pagkakataong ito, kailangan na ibaon na ang nakaraan, kalimutan para sa panibagong pahina ng buhay namin, buhay niya, sa hinaharap kasama ang babaeng mahal niya.

"Where do you want to talk?" Tanong ko rito. Inilahad naman nito ang kamay sa harap ko.

"Come with me?"

Noon, palagi kong hinihiling na sana maging mahaba ang bawat gabi para mas matagal ko pang makasama si Ace. Ngayon, kabaliktaran na ang hiling ko. Sa kaalamang pagkatapos ng gabing ito ay tapos na rin ang lahat sa amin.

Pagkatapos ng gabing ito ay kailangan ko na siyang palayain.

Totoo ang kasabihang nais ng taong nagmamahal na maging masaya ang kaniyang minamahal. At masakit 'yon kung ang kasiyahan nito ay sa piling ng iba.

Tinanggap ko ang nakalahad nitong kamay at sumunod lang sa kaniya. Umarko ang kilay ko nang maglakad kami sa harap ng isang puno.

Humarap siya sa akin at ngumiti, "Ready to go back to my home?"

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now