CHAPTER 01

59.7K 1.1K 145
                                    

LORRAINE

"Ate Raineee, gising na po nagugutom na ako huhu.” Napadaing ako nang may maramdamang mabigat na bagay o tiyanak na nakapatong sa likod ko.

"Argh! Lennie, umalis ka nga diyan sa ibabaw ko. Tsk!" Reklamo ko sa kanya at tumihaya ng higa. Naaninag ko naman ang maliit na pigura sa harap ko habang may dala-dalang kutsara at nakanguso ngayong nakaharap sa akin na parang anumang oras ay iiyak na.

Anyare rito?

"Bakit may dala kang kutsara?"Kusot mata kong tanong sa kanya at napalingon sa gilid kung nasaan nakalagay ang maliit kong orasan.

Malapit na palang mag alas sais ng umaga.

"Nagugutom na ako, ate huhu." Pinisil ko naman ang magkabilang pisngi niya pagkatapos niyang ngumuso na parang bibig ng isang takure.

De joke ang cute na takure naman nitong kapatid ko.

"Araaay, Ate. Ang shakiitt bitaw huhu."Itinigil ko naman ang ginagawa ko nang mapansin kong namula na siya. Mukhang napasobra yata ako hehe.

Sorry naman ang cute kasi nitong kapatid ko eh.

"Sorry, bunsoy. Ikaw kasi ang aga-aga nakabusangot na ‘yang mukha mo,” saad ko sa kanya at agad iniligpit ang higaan ko.

"Tara na at nang makakain na tayo." Kinarga ko naman siya sa likod ko habang papunta kaming kusina na ikinahiyaw niya.

Siya nga pala, magpapakilala muna ako sa inyo. Ako si Lorraine Dela Cruz, 17 years old. At itong batang paslit naman ay ang nakababatang kapatid ko na si Lennie Dela Cruz, 3 years old. Kami na lamang dalawa ang magkasama sa buhay.

Kung itatanong niyo naman kung nasaan ang mga magulang namin? Wala na si mama; namatay siya noong ipanganak niya ang kapatid ko, si Lennie. Ang papa naman namin…wala akong ideya. Hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo ngayon. Pero naikwento naman siya ni mama sa amin noon. Kahit papaano ay may alam naman kami patungkol sa kanya. Fil-Am si papa o Filipino American kaya hindi rin nakapagtataka na iba ang kulay ng mata naming magkapatid, marahil ay nakuha namin sa kanya.

Oh well, salamat na lamang sa kanya dahil binigyan niya kami ng ganitong kulay ng mata, pero huwag muna natin pag-usapan ‘yong taong wala rito. At saka isa pa, ayaw ko na siyang isipin, lalo na't diko makalimutan iyong pag-iwan niya sa amin noong nabubuhay pa si mama. He abandoned us. Do I hate him? Yes, I hate him. At hinding-hindi ko siya mapapatawad sa pang-iiwan niya sa amin.

"Ate, ‘yong niluluto mo amoy sunog na!”

Nagising naman ako sa malalim kong pag-iisip nang maamoy ko ang sunog na itlog kaya dali-dali ko naman itong tinignan. Nanlumo naman ako sa nakita kong itim na itlog na nakahain ngayon sa plato saka dahan-dahang naglakad papalapit sa kapatid kong nagtatakang nakatingin sa akin.

"Ate, asa'n na? Gutom na ako. Ate, bilisan mo!" Kamot-ulo ko namang ibinigay sa kapatid ko ang sunog na itlog. Napanguso siya nang makita ang itsura nito.

Medyo napangiwi pa nga siya. Hays.

Ikaw kasi Raine eh, kung saan-saan napapadpad ang isip mo.

"Sorry, nasunog ni ate. Palitan ko nalang?"Umiling naman siya sa sinabi ko at ngumiti sa akin ng malawak. Kita tuloy iyong dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi na ikinaganda niya lalo.

Medyo puti kasi ‘tong kapatid ko at may pagka chinita. Para nga siyang koreana kaso ang kaibahan lang ay mataas ang kanyang ilong kagaya ko.

"Huwag na, Ate. Okay na ‘to, at isa pa sanay na kaya ako na laging sunog tong niluluto mo hehe." Magiliw niyang sabi at nag peace sign sa akin nang mapansin niyang nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now