CHAPTER 47

14.1K 476 79
                                    

LORRAINE

"Is everything ready?"

Ms. Macy said to all of us. Nagsitanguan naman ang lahat habang ako naman ay inaayos nang maigi ang camera ko.

Nandito kasi kami ngayon sa beach o gitna ng dagat to be exact. Pagkatapos magpahinga ng lahat kanina ay agad naman kaming pinatawag ni Manager na mag handa na dahil bukas na bukas rin ay maaga palang magsisimula na kami since mataas-taas at mahaba-haba pa ang proseso nitong photo shoot na'to.

3 days nga kami at bukas ay ikalawang araw na namin samantalang kanina lang kami nakarating.

"Where is Ms. Monteverde?!"

We were all surprised when Ms. Macy suddenly shouted and looked around. Actually, I also noticed earlier that she was not here. She should have come down by now because it was already 4:30 in the afternoon.

"Where the hell is that girl?! Arghh ang sakit niyo talaga sa ulo my goodness!!!"

Natahimik naman kaming lahat habang ang ibang dumadaan naman ay nagtataka kaming tinignan. Paano ba naman kasi, masyado na kaming nakaka-agaw ng pansin.

"Mike!" May tinawag naman itong isang lalaki na mukhang kanina pa hindi mapakali. Marahil ay sa takot. Namumutla rin kasi siya.

"A-ano po yun Miss?" Nangangarag nitong tanong.

"Puntahan mo nga si Ms. Monteverde doon sa taas at bak-!" Hindi pa naman ito tapos sa pagsasalita ng may naglalakad na babaeng parang modelo i mean- modelo naman talaga siya dahil sa lakad at postura palang nito ay nakaka-intimidate na.

"I'm sorry if i'm late guys! May emergency lang kasi sa opisina at kinailangan ko pang makipag video call kay Dad--" Her gaze went on me and suddenly stop from talking.

Bumaba naman ang mga tingin nito sa katawan ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I'm wearing a fitted jeans and white polo shirt right now na hanggang siko at naka open pa ang dalawang butones, nagsuot din ako ng sumbrero na itim para iwas bilad sa araw. Alam kung nagtataka kayo kung bakit ito ang suot ko kahit nasa beach kami. Ito lang kasi ang dala ko at komportable naman kasi ako dito.

Hindi lang rin naman kasi ako ang nag ganito noh at pati mga kasamahan ko na iba. Alangan naman na mag swimsuit ako habang kumukuha ng litrato right?Parang tanga naman yata yun.

"And?Bakit inabot ka naman yata ng kalahating oras?Wag mo sabihing--" She's glaring at Ms. Macy na nagpatahimik dito. Napansin ko naman ang pagngisi nang isa at bahagyang umiling-iling na ikinataka ko.

Napakagat labi naman akong umiwas ng tingin dito at inayos ang sarili. Hindi kasi ako komportable sa titig niya na parang nanunuot sa balat ko. Simula rin kasi kanina nung nangyaring halik namin na pinagsaluhan ay bahagyang dumistansya na ako dito. Nahihiya kasi ako sa kanya at baka sabihin nitong tinetake advantage ko siya sa kanyang sitwasyon kahit hindi naman talaga.

Masabihan pa akong manyak mahirap na. Ang cute ko namang manyak kung ganun hmpf!

"I'm sorry okay?So, let's start?O tutunganga lang kayo diyan?"  Nakapamewang nitong sabi at inilibot ang tingin sa paligid. Iniwas ko naman ang tingin dito nang mapadapo sa akin ang tingin niya.

"Alright! Alright! Team ready! And Ms. Del Frio, are you ready? Pasensya ka na kung natagalan. Ito kasing isa ang tagal-tagal tsk!" Ngumiti lang naman ako dito at sinabing ayos lang.

"There. Yan diyan ka pumwesto at hawakan mo ang ulo mo gamit ang dalawang kamay mo at tumingin ka sa Camera ni Ms. Del Frio sabay pakagat labi. Do you understand Ms. Monteverde?" Nakinig lang ako sa kanilang dalawa ng turoan ito ni Ms. Macy kung ano ang ipoporma ng katawan niya.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now