CHAPTER 33

12.9K 473 140
                                    

LORRAINE

NAPAKA BILIS ng araw at ngayon nga ay September na at malapit na ang pasko.

This past few days, ay masyado kaming busy sa school, lalo na't kaliwat-kanan ang report, quizzes, oral resitation, at marami pang iba.

Take note: 4th year high school palang kami pero parang feeling ko nasa college na ang mga lessons na pinag-aaralan namin. Paano naman kasi masyadong strict at may pagka terror ang teacher namin at yun ang dahilan kaya masyado kaming busy at halos walang tulog dala ng stress.

Kung itatanong niyo na kamusta kami ng bitch girlfriend ko ay okay naman. I mean, yeah, ewan ko ba pero this past few days, kasi ay parang may nagbago. Hindi ko alam kung ano pero simula nang may bagong dumating ay biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, like sometimes sweet siya at minsan naman ay malamig ang pakikitungo niya sa akin, which is odd to me.

Alam mo yung feeling na nag-aalala ka na nga sa kanya, kasi hindi siya nagparamdam sa akin nung isang araw at nalaman ko nalang na nag bar siya. Nung sinundo ko siya ay siya pa itong galit at ipinagtabuyan ako?

Yup, yan lang naman ang nangyari sa aming dalawa nitong mga nagdaang linggo at araw. Minsan nga napapansin na nila Jamie, pero wala naman silang sinabi at ipinagsawalang bahala ko nalang baka wala lang siya sa mood minsan at meron lang.

Ganyan naman tayo diba? Lalo na pag-meron.

Kagaya nalang ngayon. Nandito kaming sampu sa secret garden namin dahil kakatapos lang namin mag lunch at naisipan namin na dumito muna since matagal-tagal pa bago mag time. And yup ten kami dahil kompleto ang bitch na nandito kasama si Stacey na itinuring na naming kaibigan.

Mabait naman kasi si Stacey at may pagka bubbly kaso nga lang maarte pero okay lang naman. Pakisama kasi siyang tao at may pagka caring din.

Tinignan ko naman ang katabi ko na busy kaka cellphone habang nakangiti pa na nagpataas ng kilay ko.

"Bakit ka ngumingiti diyan?" Tanong ko sa kanya at nagtaka naman ako nang itinago niya ang kanyang cellphone agad sa kanyang bag.

This past few days, kasi ay napapansin ko na napapadalas parang busy siya masyado sa kanyang cellphone at parang may laging katext o tawag, pero pag tinanong ko naman siya ay sabi niya wala daw yun at wrong sender lang. Hindi ko naman na siya inusisa pa at hinayaan nalang siya. Baka sabihan pa akong usisera kahit na girlfriend niya ako.

Ayaw ko naman pakialaman ang privacy niya kahit pa sobrang curious na ako at hinayaan ko nalang.

Tumingin naman siya sa akin na parang nataranta bago nagsalita. "U-Uh, it was." Naputol naman ang kanyang sinasabi nang may tumawag sa pangalan niya na bahagya niyang ikinatuwa.

"Ast!" Napalingon naman kaming lahat doon at nakita namin ang lalaking bagong salta dito sa aming paaralan o masasabi ko na transferee student one month ago. Hindi ko nga alam ba't pinapasok pa siya dito, eh samantalang masyado ng late para makapag enrol pa.

Pero sabagay mayaman kasi ang isang to at parang dinaan sa connection.

"What are you doing here, jerk?!"

Nabaling naman ang tingin ko kay Jamie ng sinabi niya yun dahilan para mapalingon ang Andrew sa kanya. Ngumisi naman ito ng creepy bago nagsalita habang nakatingin kay Jamie na ngayon ay masama na ang tingin sa lalaki habang nakahawak sa braso niya si Athena.

Ramdam ko, kasi ang pagka disgusto niya sa lalaking ito na para daw may palaging masamang binabalak sabi niya sa akin.

"I just want to invite Astrid to the party, mamaya ng buong team." Sabi niya at parang napantig naman ang tenga ko sa narinig. Teka party? Saan naman yun? At bakit walang sinabi sa akin si Astrid tungkol dito? Tinignan ko naman ang reaksyon ng katabi ko na hindi ko namamalayan na nakatayo na pala habang nakangiti sa Andrew the creepy na'to hmpf!

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now