CHAPTER 15

19.9K 695 66
                                    

LORRAINE

"So since wala na tayong magagawa at bukas ay uuwi na tayo ay, let's have a game!"

Suhestiyon ni Nicole na kanina pa mukhang energetic kasama si Jamie na napapailing nalang. Katabi ko naman si Annicka na kanina pa tahimik. Actually, tahimik na talaga siya, as in. Pumapangalawa yata to kay Jamie, eh?

"Oo nga guys since last day na ngayon. Alam niyo naman na minsan lang to' right?!" Napatango-tangu naman ang iba habang ako naman ay um-oo nalang since kanina parin kasi natutulog si Lennie.

Napagod siguro sa pamamasyal namin kanina.

Kanina kasi napagpasyahan naming mag-kakaibigan na mamasyal at siyempre hindi maiwasan na sumama nung limang bitches since si Athena naman ang nag volunteer. Kaya ayon ang iba todo reklamo na kesyo daw bakit hindi nalang sila at bakit kailangan makasama pa kami.

Para namang pinilit namin sila na sumama, duh!

Napapaisip nga rin ako. May galit ba sila sa amin? I mean, look? Wala naman kasi akong naalala na may ginawa ako o kaming kasalanan sa kanila diba?! Well, pwera nalang siguro kay Miss Astrid na yung aksidente ko siyang binangga sa may cr. Pero hindi ko rin naman yun kasi sinasadya.

"Huy Ulan, tulala ka na naman!"

Nagising naman ako sa malalim na pag-iisip ng sinigawan ako ni Nicole na bahagya pang natawa sa reaksyon ko.

"Ano ba! Huwag ka ngang mang gulat nang ganun." Medyo inis kong sabi sa kanya. Pambihira naman kasi. Ilapit ba daw ang bunganga niya sa tenga ko. Ang sakit tuloy sa pandinig.

"Sungit mo girl, mayroon ka ba ngayon?" Sabi niya at nagtawanan silang dalawa ni Jamie. Actually, lima kaming mag-lalaro ng ewan ko kung ano.

Kasama kasi namin yung dalawa naming kaklase na minsan ay kaclose rin namin.

"Tss tumahimik nga kayo! Kanina pa kayo sakin ah!" Nakakainis talaga ang mga to. Wala talaga silang ibang nakikita kundi ako lang.

"Alam mo Raine, may napansin ako sa'yo." Biglang sabi ni Jamie dahilan para lingunin ko ito ng nakakunot noo.

"Ano naman yun?!" Nakaka curious naman. Ano kaya yung napansin niya? Weird din ang babaeng to minsan eh.

"Kahapon ka pa kasi ganyan. Look, nung kinausap ka namin ay hindi ka sumasagot at minsan pa ay nakatulala lang tapos ngayon ito bigla kang nagagalit samantalang binibiro ka lang naman. So, care to tell us what's bothering you? O who's bothering you?" Teka, bakit parang feeling ko ay may pinapahiwatig siya?! Sumimangot naman ako bago siya sinagot.

"Wala noh tsaka isa pa pagod lang siguro to' huwag kang mag-alala." Tumitig naman siya sa akin na parang ayaw pang maniwala kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.

"Ganun ba? Hmm, okay, malalaman ko rin yan." Di nalang ako sumagot pa at nagpaalam muna na tignan ko lang si Lennie sa loob.

Habang naglalakad ako ay napalinga-linga naman ako sa paligid. Ang ganda rin kasi dito eh lalo na yung view. Kahapon nga nung matapos namin ang mga games na pinangungunahan ng advisers namin sa magkaibang section ay namasyal kami at nagpunta sa Strawberry Farm kung saan dito makikita ang nag-gagandahang prutas.

Nag pitas rin kami ng ganun at nagdala para daw may pasalubong kami pagkauwi sa lugar namin ayon sa may-ari nung farm. Naisip ko nga na pasalubongan sila Aling Doray nun since nakauwi na sila kahapon lang galing sa probinsya nila. Inayos ko naman ang suot kong jacket na bahagyang lumihis dala sa malakas na hangin isama mo pa ang napakalamig na paligid. Ewan ko ba sa dalawang yun at naisipan pang mag laro, eh ang ginaw nga sa paligid tsk.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now