CHAPTER 32

13.4K 481 57
                                    

LORRAINE

Until now, hindi parin ako makapaniwala na girlfriend ko na ang isang Astrid Monteverde o mas kilalang isa sa mga bitch dito sa Brixton High University.

Gosh, parang nasisiraan na yata ako ng ulo lalo pa't parang kahapon lang, she's the bully, and I am her prey, huhu.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkakagusto siya sa isang katulad ko diba or mamahalin niya ako na isang basura o hampaslupa sa kanya ang tingin noon, that's why she bullied me, right?

"Baby?"

Pero kahit na ano man yata ang ugali ng isang tao ay tatanggapin mo pa rin naman siguro ito diba?Lalo na't kapag mahal mo talaga at handa mong tanggapin kung ano man siya o sino man siya.

"Baby, are you with me?!"

Kahit na madalas ganito siya sa akin nagmamaldita, pinapagalitan ako sa di malalamang dahilan at minsan ay umaandar ang ugali niyang magseselos minsan na hindi ko aakalaing selosa pala siya.

Napahagikhik naman ako sa isip ko na yun bago tumingin sa taong nasa harapan ko na salubong na ang kilay at hindi maipinta ang mukha.

"Why are you smiling?" Ehh?Masama na bang ngumiti ngayon?

"May naisip lang. Ano pala sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya at ibinalik ang atensyon sa panonood namin nang tv dito sa maliit naming sala.

Saturday, kasi ngayon at walang pasok, kaya naisip ng isang to na puntahan ako or bisitahin dahil namimiss niya daw ako. Grabe ang isang to kakakita lang namin kahapon tapos ngayon miss niya na ako?

Tsk feeling ko tuloy masyado siyang obssesed sa akin charot!

"May naisip? Babae mo ba yan, huh?!" Tinignan ko naman siyang nakakunot noo bago nagsalita.

"Anong bang sinasabi mo?" Babae? Anak ng?! Wala ngang nagkakagusto sa akin na iba maliban sa kanya tapos ngayon aakusahan niya akong may babae? Hindi niya ba alam na siya lang ang babae sa buhay ko? Hmpf!

"Baka may babae ka huh?! Sinasabi ko sa'yo at pareho ko kayong ipagbuhol pag nakita ko kayong." Tinakpan ko naman ang bibig niya para matigil siya sa pagsasalita.

"What the asjkdlkhgshyhs ano ba?!!" Napabitaw naman ako ng paluin niya ang kamay kong nakahawak sa bibig niya at tinignan ko itong namumula ngayon.

"B-bakit mo ako pinalo?" Nakanguso kong sabi sa kanya. Napatingin naman siya sa kamay ko na parang walang pakialam bago ibinalik ang tingin sa akin na hindi parin maipinta ang mukha.

"At bakit mo rin tinakpan ang bibig ko?!" Sigaw niya pa na nagpagulat sa akin. Tinignan ko naman siya at nag decide na hindi nalang sumagot at ibinaling ang tingin sa telebisyon bago hinawak-hawakan ang kamay ko na namula na ngayon.

Parang naiiyak naman ako ng tignan ko ito at walang salitang pinatay ang TV at iniwan siya doon sa sala bago pumasok sa aking kwarto. Nakakainis ang sakit-sakit ng pagpalo niya sa kamay ko, tapos siya parang wala lang. Sinarado ko naman ang pinto at inilock ito para hindi na siya sumunod pa.

Bastos man pero naiinis kasi ako sa kanya. Sumubsob nalang ako sa kama kong may kaliitan at pumikit habang hinawakan ang kamay kong pumula.

Tok

Tok

Tok

"Baby?" Narinig ko naman sa labas ang katok niya, pero hindi ko nalang yun pinansin at nag decide na pumikit nalang muna.

"Please, baby, open the door, please. Look, I'm sorry, okay. Please, baby, open the door." Ramdam ko naman na pumatak ang luha ko sa kaliwa kong mata nang marinig ko ang boses niyang basag na rin.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Där berättelser lever. Upptäck nu