CHAPTER 06

20.5K 722 62
                                    

LORRAINE

Padabog akong naupo sa upoan ko dito sa room at nagsimulang mapasimangot ng makalimutan kong magising ng maaga. Paano ba naman kasi di ako ginising ng maaga ni Lennie—argh na late tuloy ako at ito nga second subject na ako nakapasok huhu.

Ang batang yun ang aga-aga nagising hindi man lang nag-abalang gisingin ako hmpf!

Kinuha ko naman ang bag ko at inilagay ang nakuhang libro na babasahin ko. Buti nalang talaga at ako lang mag-isa ngayon at wala pa akong nakikitang mga kaklase ko at pagkamalan pa akong baliw. Nagsimula naman akong nagbasa ng tahimik.

Ito lang kasi ang magpapakalma sa akin ngayon tsaka isa pa, I use to read these kinds of books when I'm stressed or not in the mood. Sa madaling salita ay paborito ko talaga magbasa nang libro.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Nilibot ko naman ang paningin ko at nakitang wala namang tao.

Weird, ano kaya yun? I just shrugged my shoulders at ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa.

Ilang saglit pa ay nakita ko naman ang mga kaklase ko na nagsipasukan, kaya naman napag desisyonan ko ng itiklop muna ang libro na binabasa ko at mamaya ko nalang tatapusin.

Nakita ko naman agad si Jamie na pumasok at agad na kinawayan ako sabay lapit sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?" Agad niyang tanong. May naisip naman akong kalukuhan bago siya sinagot gamit ang pagkanta.

"Bakit ngayon kung kailan ang aking puso~ mayroon ng--araay ko Jamie!" Paano ba naman kasi eh nangbabatok ang babaeng to huhu ang sakit tuloy.

"Nagtanong ako ng maayos at ang sinagot mo naman ay kanta--yung totoo Raine, naka drugs ka noh?" I gasped in response, ano daw?

"Huy--ano ka ba hindi ahh at tsaka anong drugs?Makakain ba yan?" Inosente kong tanong dahilan para mapairap siya bago ako hinarap.

"Nevermind, Raine, so bakit ka nga hindi nakapasok kanina?" I sighed heavily, bago siya sinagot.

"Nagising kasi ako ng tanghali na tapos itong kapatid ko ang aga gumising hindi man lang ako inabalang gisingin hmpf!" Naalala ko na naman yung pagka late ko nang gising kanina hays. Hindi naman pwedeng sisihin ko si Lennie. Actually, late ako natulog kagabi sa dami kong iniisip.

"Oh, eh, bakit parang ang lungkot mo yata?Huwag mong sabihin na may iba pang dahilan?Hmm?" Napalingon naman ako sa sinabi niya at agad ring umiwas ng tingin nang makita ko ang seryoso niyang expression.

"Huh?Wala naman."Argh! Bakit ba kasi pabalik-balik yun sa isip ko, ehh! Nakakainis na ahhh grrrr!

"Okay, chill haha. Anyway, mamaya sa karinderya parin tayo, ahh?" Tumango naman ako sa sinabi niya at nakahalumbabang tumingin sa labas.

Baka nagtataka kayo kung ano ang pinupunto ko? Ganito kasi yun...

-

Flashback ~

Naglalakad ako ngayon mag-isa papunta sa Admin Office sa kadahilanang may inutos sa akin si Mrs. Santos na ipapabigay para daw sa darating na sports fest sa darating na 2 weeks.

Habang naglalakad ako ay may nakita naman akong nagkukumpulan na mga taong nasa gitna mismo ng hallway malapit lang sa kinaroroonan ko. Nagtaka naman ako ng may nakita akong parang babaeng naka opo sa semento habang yung nakapalibot naman sa kanya ay tumatawa.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now