CHAPTER 38

12.4K 465 104
                                    

LORRAINE

"Ano? Okay, na ba itong suot ko ha?!!"

Tanong ko sa kapatid kong kanina pa ako pinapanood sa harap ng salamin, habang ako naman ito hindi mapakali kung maganda ba ang suot ko o hindi.

Nag plano kasi kami ni mangkukulam na lalabas today dahil may sasabihin daw siyang importante at sakto naman na monthsary pala namin ngayon. Shocks! Muntik ko na nga yung makalimutan eh at buti nalang pinaalala niya kahapon nung nag-usap kami.

Yes. We're talking already at nag sorry na siya sa akin sa hindi niya pagpansin at sinabi niya rin na hindi sila magka relasyon ni Andrew the Lucifer na yun at magkaibigan lang.

Ewan ko ba kung nagsasabi siya ng totoo, pero may parte kasi sa akin na hindi hays. Ang gulo ko diba? Tsk!

"Kanina ka pa Ate ah! Pang ilang tanong mo na ba yan?Hmp." Parang napipikon niya pang sabi. Ewan ko ba sa batang to at masyadong mainit ang ulo. Daig niya pa ang may regla, eh?

"Nagtatanong lang eh. Masyadong mainit ulo mo bunsoy, bakit?" Takang tanong ko pa at tumingin ulit sa salamin para tignan ang hitsura ko. Napangiti naman ako nang masilayan ko ang aking sarili.

I'm now wearing shorts that are only half a thigh that I paired with a red crop top with a print of 'cool' in a bold way and white shoes. I also put on my glasses given to me by that witch and just let my long hair down to my waist. Pagkatapos ko magsuklay ay kinuha ko naman ang bag ko na maliit na may laman na kaunting pera sa loob.

"Tara na bunsoy at iiwan muna kita kay Aling Doray." Kinuha ko naman ang bag niya na laging niyang dala na may mga damit sa loob at polbo kung sakaling mangamoy pawis man siya.

Nilingon ko naman ito nang mapansin na tahimik lang. "Bunsoy okay ka lang ba?" Saad ko sa kapatid kong kanina pa walang imik at nakatitig lang sa akin. Ewan ko ba pero parang may laman ang mga titig niya at hindi ko maiwasang kabahan. Ngumiti naman siya sa akin bago hawakan ang pisngi ko gamit ang maliliit niyang kamay.

"Ate mag-iingat ka po okay? Enjoy mo po ang araw na'to. Nandito lang ako Ate." Teka ano ba ang sinasabi ng batang to? At ano daw mag-ingat? Bakit naman, kaya? May mangyayari ba sa aking masama? Tinignan ko naman siya ng nakakunot noo bago nagsalita.

"Ano ba ang sinasabi mo diyan?Bakit mo sinasabi ang bagay na yan?" Ang weird talaga nitong bata to minsan eh. Hindi ko maintindihan hmpf! Saan kaya to nagmana? Tss.

"Wala po Ate hihi. Tara na po?Para maka-alis ka na." Di nalang ako sumagot at lumabas nalang kami nang kwarto papunta sa bahay ni Aling Doray.

"Aling Doray!" Sigaw ko nang makita ko siyang naglalaba habang si Khiann naman ay naka opo lang at kumakain ng biscuit at may gatas sa tabi habang nakatingin lang sa mama niya na naglalaba.

"Oh Raine? Saan ka pupunta at bakit ang ganda mo ngayon? May lakad ka ba?" Naramdaman ko naman na pumula ang pisngi ko sa sinabi ni Aling Doray at kumamot sa aking batok bago siya sinagot.

"A-ah opo sana ehh hihi pwede ko ba pong maiwan muna si Lennie sa inyo Ate?Ano kasi ma-!" Pinutol naman niya ang sinabi ko dahilan para hindi ako matapos sa pagsasalita.

"Ikaw talaga oo naman okay lang sa akin na maiwan ang kapatid mo." Ngumiti naman ako sa kanya ng payat bago muling nagsalita.

"Salamat po ng marami hihi." Tinapik-tapik niya naman agad ang braso ko pagkatapos nag-paalam agad sa kanila at binilin ang kapatid ko na huwag makulit.

Naglakad naman agad ako sa sakayan ng mga tricycle at agad sinabi may kuyang driver na sa diyan lang sa malapit na mall. May bibilhin muna kasi ako na sigurado kung magugustuhan niya at tsaka na pupunta sa lugar kung saan kami dapat magkita. Buti nalang pala at sabado ngayon walang pasok kaya tamang-tama lang para sa monthsary namin.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now