CHAPTER 37

12.2K 463 18
                                    

LORRAINE

Two weeks had passed when that incident in the canteen happened. Ay hanggang ngayon, ay sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayari. Hindi madaling kalimutan lalo na't matapos ang araw na yun ay akala ko kakausapin na niya ako pero hindi.

Walang nangyari at hindi niya parin ako pinapansin hanggang ngayon.

At ngayon ay mag-tatatlong linggo na akong hindi kinakausap ng girlfriend ko o matatawag bang girlfriend ang taong hindi ka man lang kinakausap, nilalapitan, kinakamusta o niyayakap at harap-harapang nakikipag landian sa Andrew the Lucifer na yun.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang nagawa ko at bakit hindi niya ako makausap man lang. Hindi ko alam kung paano pero sa tuwing magtatangka akong lapitan siya ay siya naman itong lumalayo sa akin at pinagtatabuyan ako at yun ay isang masakit na ikaw yung girlfriend pero sa iba siya masaya at tumatawa.

Sa totoo lang pagod na pagod na ako. Parang kaunti nalang at susuko na ako. Ayaw ko na. Pagod na akong magpanggap na okay lang ako, but deep inside, I'm already hurting and I'm tired.

I heavily sighed at agad na tumingin sa labas ng bintana kung saan may mga kapwa ko estudyanteng pumupunta rito at doon.

"Good morning, Raine."

Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Nicole kasama si Stacey na parang naiirita. Okay? Ano naman, kaya ang nangyari sa kanya? Kadalasan napapansin ko sa babaeng to na kung hindi siya malungkot ay minsan iritado siya o aburido at minsan naman ay madalas siyang tulala at wala sa sarili. Alam kung naguguluhan kayo sa sinabi ko, pero yun ang totoo.

Feeling ko tuloy ay bipolar siya hmpf!

"Huy Ulan!!!" Pinandilatan ko naman ng mata si Nicole sa ginawa niyang pagsigaw at tsaka ito inirapan.

"Hindo ba uso sa'yo ang kalabit at sumisigaw ka?" Hmpf! Nakakainis lang kasi. Ang sakit kaya sa tenga nun tsk. Alam niya naman na aburido ako these past few days, tapos siya gugulatin pa ako. Kainis.

"Sorry naman tsk. Ikaw kasi tulala ka na naman ke aga-aga." So kailangan ba gabi matulala?Napansin ko naman na napapailing siya, pero ako wapakels parin at hinimas-himas ang tenga kong masakit.

"Hindi parin ba kayo nagka-usap ni Astrid?" Umiwas naman ako ng tingin bago umiling sa kanya at nagbaling ng tingin sa labas.

Paano ko naman kakausapin yung taong pinagtabuyan ako? Paano ko naman siya kakausapin kung masaya na siya sa iba at ako itong nasasaktan? Sa naisip ko ay para naman akong maiiyak ngunit pinigilan ko nalang bago huminga nang malalim.

"So I guess that's a no." Not a statement nor a question.

"Alam mo?Kung ako sa'yo kausapin mo siya. Klaruhin mo at tanungin mo sa kanya kung bakit naging ganyan o ganito para naman may idea ka diba kung bakit nangyari sa inyo yan. Kasi ako mismo na nakakakita parang naguguluhan sa inyo eh. Kaya ikaw Ulan, bago pa mahuli ang lahat ay kausapin mo na siya. Pero please.." Binitin naman niya ang sinabi niya at tinapik ako sa balikat. Sumeryoso naman ang kanyang mukha habang may ngiting lungkot sa labi.

"Kapag hindi mo na kaya at sobrang sakit na. Tama na, please lang. Ako na ang nakikiusap sa'yo." Bago paman ako makapag salita ay tumayo na ito at lumabas.

Nakita ko naman si Allyson na sasalubungin sana siya nang bigla itong napatigil ng makita ang mukha nang isa at naweweirduhan itong sinundan ng tingin. Allyson looked at me in confusion. Habang ako naman ay umiwas lang ng tingin bago bumuntong hininga.

Sa totoo lang pati sarili ko, hindi ko na rin maiintindihan. Oo alam ko na nasasaktan na ako masyado na minsan nagmumukha na akong kaawa-awa sa paningin ng iba at ako na ang dakilang tanga pero masisisi niyo ba ako? Mahal na mahal ko yung tao na kahit na naisip kong makikipaghiwalay na ako sa kanya minsan ay hindi ko parin maiwasang hindi masaktan lalo na kapag nagka totoo yun.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now