CHAPTER 44

14.6K 515 62
                                    

ASTRID

"Ma'am, excuse po may tawag po kayo."

Itinigil ko naman ang pagtipa sa laptop ko at kinuha ang telepono na inabot sa akin ni Patty. Lumabas naman ito agad habang ako naman ay agad sinagot ang tawag.

"Hell-!" Naputol naman ang sasabihin ko ng marinig ko ang malakas na sigaw sa kabilang linya.

"Where the heck are you?!" Nailayo ko naman ito ng marinig ko ang tela galit na galit na boses ni Macy na manager ko.

"Heck! Why are you shouting? I'm in my company; why?" Narinig ko naman itong bumuntong hininga sa kabilang linya.

"Argh! Nakalimutan mo ba na ngayon ang simula ng photo shoot mo, huh?!" Nanlaki naman ang mata ko sa kanyang sinabi at napatingin sa cellphone ko kung anong petsa ngayon at napamura nalang ng mahina nang makita itong ngayon na pala talaga.

Oh shoot! How did I fucking forget na ngayon na pala ang simula ng photo shoot ko for the upcoming summer magazine issue this March?! Stupid of me!

"I forgot, sorry." I mentally slap myself for this. For sure, galit nanaman ngayon ang babaeng to at magkasalubong na ang kilay.

"Tsk. Bilisan mo nalang at dito nalang kami maghihintay sa airport. Bye." Nagmadali naman akong tumayo at tinawag si Patty.

"Patty, cancel all my meetings today and for 2 days at may photo shoot ako sa Boracay. Ikaw nalang muna ang bahala dito lalo na sa mga tumawag kung hinahanap ako alright?" Tumango-tango naman ito.

"Ako na po ang bahala dito, ma'am. Ingat po kayo dun." I nod and smile at her as a response. Bago naglakad papunta sa pinto.

"I have to go." Hindi ko na siya hinintay sa pagsagot at dali-daling sumakay sa elevator bago pa sumara ito.

Binati naman ako ng ibang empleyado na nakasabay ko sa loob at tinanguan nalang ang mga ito.

I glance at my wrist watch para tignan ang oras at nakita itong past 11:30 na. Shit! Our flight is exactly 12:00 nn at sana makaabot pa ako sa kanila dun.

Damn. Hangga't maari kasi ay ayaw kong maghintay pa sa susunod na flight at baka bubugahan na talaga ako ng apoy ni Macy.

When I got out of the elevator, I immediately hurried to the parking area where my car was parked, got on it, and drove to the airport. Hindi ko naman na kailangan kasi magdala ng gamit kasi sure akong nandun na lahat kay Macy at sa buong team.

Nag focus lang ako sa pagda drive ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito sa loob ng bag at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita ko naman itong si Manager lang, kaya sinagot ko na ito bago ilagay sa dashboard ng kotse.

"Where are you now?! Paandar na ang eroplano in 20 minutes, my ghad!!"

Napatakip naman ako sa tenga ko ng sumigaw ito ng malakas. The hell?! Hindi ba uso sa kanya ang kalma? Tch!

"Lower down you're voice will you?Papunta na ako diyan at mga 10 minutes dadating na ako." Ang atat niya talaga pag sa ganito tsk. Parang stress na stress pa siya sa akin samantalang ngayon lang naman ako na late geez.

Ehh, sa nakalimutan ko, ehh, tsk!

Narinig ko naman itong napabuntong hininga lang at pilit pinapakalma ang sarili bago nagsalita.

"Fine! Just hurry up, and I'll tell you something when you get here. Bye." Hindi na ako nakapagsalita ng ibinaba niya ang tawag. Nagtaka naman ako at napaisip kung ano ang sasabihin niya.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now