CHAPTER 35

13.3K 537 173
                                    

LORRAINE

"Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa naka bulagta ang lalaki na yan."

Napalingon naman ako kay Nicole nang magsalita ito at sinundan ng tingin kung saan siya ngumuso sa kabilang table, which is sa kanila Aphrodite Allyson and Artemis na parang anytime ay papatay na habang nakatingin kina Astrid at Andrew na masayang nag-uusap sa kabilang table.

Napalunok naman ako ng wala sa oras at umiwas nalang ng tingin sa kanila.

Ewan ko ba pero ramdam ko na parang may galit sila sa isa't-isa simula nung dumating ang lalaking yan at ang hindi pag pansin sa akin ng girlfriend ko or nag-imagine lang ako? Hays.

Nandito kasi kami ngayon sa canteen at kumakain ng lunch habang si Jamie at Athena naman ay papunta palang since sinamahan ni Jamie ang girlfriend niya mag banyo. Si Stacey naman ay nandito rin kasama namin na kanina pa walang imik. Nagtataka nga ako ngayon, kasi ang tahimik niya. Usually, kasi maingay ang babaeng to at palagi silang nag-aasaran ni Nicole, and now ay parang iba. May nabago at hindi tama.

I don't know why I feel this, but argh, maybe I'm overacting, siguro hays.

"Hindi pa kayo nag-order?"

Napatingala naman kami sa bagong dating na si Jamie at Athena at sa likod naman nila ay sina Allyson na matamang pinagmamasdan si Nicole at Aphrodite na masama ang tingin kay Stacey na busy sa kaka-cellphone. Nangunot naman ang noo ko sa nakita.

Okay? Ano kaya ang problema nila sa isa't-isa? Weird.

"Oh, and where is bitch Astrid?" Sa tanong ni Artemis ay doon naman ako napayuko at nilaro-laru ang pagkain na nasa plato ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na ininguso ni Nicole ang gawi ng babaeng kanina pa nakangiti habang kasama yung Andrew na yun at masayang kumakain dalawa na parang wala siyang girlfriend na nakatingin sa kanya.

Hindi niya ba alam na sa nakikita ko ngayon ay parang unti-unti na niya akong pinapatay?

Narinig ko naman na napamura si Athena ng malutong at padabog na umopo sa upoan namin dito na ikinabigla ng lahat. May napansin naman akong napapalingon sa gawi namin at nagtataka kaming tinignan dito.

"What the hell is her problem at nagkakaganyan nalang siya bigla?!?" Bigla naman akong napalunok ng makita ko ang isang Athena Mondragon na galit na galit habang nakatingin nang masama sa gawi ng kaibigan niya.

"Lorraine, kinausap ka na ba niya simula kanina?" Malumanay na tanong sa akin ni Athena. Bumuntong hininga naman ako bago sumagot.

"H-hindi pa eh at tsaka sabi niya sa akin kahapon na namiss niya ako at yun lang wala ng iba." Saad ko at pinigilang pumiyok. Ayaw kong umiyak sa harap nila kahit konting-konti nalang ay babagsak na ang luha ko.

"That bitch! Tsk ano ba kasi ang problema niya at pati girlfriend niya hindi niya pinapansin?!!" Even Allyson angrily said na may kasamang panggigigil at tumingin sa mga taong lumingon sa gawi namin.

"What the fuck are you looking at?!!" She shouted na nagpaiwas sa tingin ng mga estudyante dito. Grabe nakakatakot naman ang mga to huhu.

Nagtaka naman kaming lahat ng bigla-bigla nalang tumayo si Athena sa upoan, at masama ang tingin kina mangkukulam na kulang nalang magsuboan ngayon sa harapan namin. Sa totoo lang masyado nang masakit ang mga pinapakita niya sa akin na ganito. Halos araw-araw nalang at ako naman itong si tanga ay hinayaan lang.

Ano ba kasi ang nagawa ko at bakit kami nagka ganito bigla? May kasalanan ba akong ginawa sa kanya? Natigil naman ako sa pag-iisip ng makarinig kami nang sigawan at singhapan sa paligid. Doon naman kami napatayo at tinignan si Athena at mangkukulam na masama ang tingin sa isa't-isa.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now