CHAPTER 11

19.1K 702 99
                                    

LORRAINE

"So how's your work on your part-time job?" Napatigil naman ako sa pagnguya at uminom muna ng tubig bago sagutin ang tanong ni Jamie.

"Ayos lang naman at tsaka isa pa ang bait ng boss ko dun." Yup. Mabait kasi ang boss namin hindi strikto katulad ng iba na kulang nalang ay magiging dragon sa galit once na may kamalian kang ginawa.

"That's great. Tita Minerva is like that at huwag ka nang magtaka pa, ganun lang talaga yun at masasanay ka rin." Napatango-tangu naman ako sa sinabi niya. Halata rin naman kasi.

Nung isang araw nga ay may kasamahan naming na' late at akala talaga namin ay papagalitan siya since maraming costumer sa araw na yun at take note—pareho pa kaming bago nun ah. Nag expect nga kami na pagalitan yun eh, pero yun pala ay sinabihan lang siya na sa susunod huwag nang ulitin pa. Laking pasalamat narin naman nung si Josh na hindi siya sinesante.

Pangalan nung empleyadong na late.

"Halata nga, may anak na ba siya? I mean, medyo may edad na kasi siya, pero hindi mo naman mahahalata kasi maganda rin siya." Bukod sa mabait ang boss namin ay sobrang ganda niya pa lalo na't pag nakangiti.

Makikita mo talaga na pinagpala siya sa maykapal at ang magiging anak niya panigurado—kung meron man. Napaayos naman ng opo si Jamie bago sumagot sa tanong ko habang nakatingin sa labas.

Nasa coffee shop kasi kami ngayon since break time namin.

"Yup, actually, katulad rin natin siya na nandun nag-aaral sa BU. She's part of our cheering squad, actually." Seryoso? Pero alin ba siya dun? Marami kasing maganda sa Brixton High University. Isama mo pa yung mga gwapong nilalang na parang mga anghel na bumaba sa langit.

Feel ko nga ako lang ang naligaw na dukha don.

"Ganun ba? Pero alin ba sya dun?Hihi andami kasing maganda at gwapo dito Jamie eh, katulad mo." Sabay turo ko sa kanya. Parang nabigla naman siya sa sinabi ko.

Totoo rin naman kasi na maganda tong' si Jamie.

Long, wavy brown hair na hanggang bewang. Small waist and white pale skin. Her lips na natural na mapula at yung singkit niyang mata na may kulay na parang hazel eyes. And last but not the least. Yung ilong niya na sobrang tangos. Isama narin natin yung kuko niya na ang taas na may manicure pa na kulay black.

Para tuloy siyang yung sa movie na si ano ba yun? Yung may sungay ba hmm Harley Quinn? Oo yun yata yun yung babaeng palaging may dalang baseball bat sa suicide squad na movie. Ewan ko nalang kung napanood niyo na yun.

Basta isa lang ang masasabi ko. Ang ganda ng movie na yun as in legit kaya panoorin niyo.

"Paano ka naman? Try mo kayang tanggalin yang salamin mo at makikita mo ang tunay mong ganda. I'm not saying na panget ka okay? It just that hmm, you really like old fashion. Pero sabagay iba-iba naman kasi tayo ng taste." Napatingin naman ako sa sarili ko at napabuntong hininga bago nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Ito na kasi ang gusto ko at tsaka isa pa dito ako komportable. Hindi rin kasi ako maarteng tao katulad nang iba. Kaya sa ayaw niyo o sa hindi ng gusto ko ay wala kayong magagawa. Choice ko'to ehh. Sige una na ako." Mukhang nabigla naman si Jamie sa naging reaksyon ko at pipigilan niya sana ako ng agad na akong tumakbo.

Nakaka offend lang kasi yung sinabi niya kahit totoo rin naman. Hindi naman ako galit sa kanya. Mukhang galit pa nga ako sa sarili ko, eh. Tsk ang kitid lang kasi ng utak ng mga tao ngayon.

Porket ganito ang suot mo ay manang na? Di' ba pwedeng mas dito lang ako komportable?

Hmp. Bakit naman ako magbabago nang taste para magustuhan nila? Mas okay kaya yung nagpakatotoo ka sa sarili mo kaysa naman na nagpapanggap kang santo kahit demonyo ka naman talaga.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now