CHAPTER 42

14.2K 520 127
                                    

LORRAINE

"Ano? Okay, ba ang suot ko?"

Tanong ko sa babaeng kanina pa nakamasid sa akin mula sa salamin dito sa aking kwarto. May pupuntahan kasi ako ngayong party sa isang kaibigan from the past, na hindi ko aakalain na pati ako iimbetahan.

"Te ves tan hermosa y deslumbrante hermana."

(Translation: You look so beautiful and ravishing tonight, sister.)

Napailing nalang ako sa pinagsasabi ng babaeng to bago kinuha ang aking shoulder bag at hinarap siya.

"So, paano? Una na muna ako at ikaw na ang bahala dito. Ipaalam mo nalang ako kay Papa at Lennie Chels." Bilin ko pa sa kanya at kinuha ang cellphone ko kung anong oras na. Nakita ko namang past 7:00 pm na at parang kanina pa nagsisimula ang party.

Paktay late na yata ako.

"Yeah ako na ang bahala Sis. Enjoy ka dun since ayaw mo naman akong isama hmpf." Pagmamaktol pa niya na ikinatawa ko nalang.

Alam kung nagtataka kayo kung bakit kami magkasama ngayon ng babaeng to at sis ang tawag niya sa akin.

Five years had passed when my life suddenly changed a lot. Simula nung makilala namin si Papa at nung grumaduate ako ng high school ay nagbago ang buhay ko sa isang iglap. Pumunta kami sa Madrid, Spain, at doon nag-aral. Nakatapos ako doon ng college, taking up Photo Journalist or Mascommunication, then hinirang na Suma Cum Laude.

Gaya ng sabi ni Papa Henry sa amin nung nalaman ko lahat-lahat kung bakit niya kami noon iniwan nila Mama at Lennie. Ipinaliwanag niya kasi sa amin kung bakit daw niya kami iniwan sa kadahilanang hindi pala nagustuhan nang magulang ni Papa si Mama noon at masyado niya daw hate si Mama kasi bukod daw sa mahirap ito ay mukhang pera pa.

Noon paman alam na ng magulang ni Papa na nagtatrabaho si Mama sa isang bar bilang bayaran na babae ayon sa kwento ni Papa, ngunit hindi naman daw yun totoo kasi sa sinabi ni Papa ay waitress lang naman daw ang trabaho ni Mama at hindi tumitable ng iba't-ibang lalaki. Sinabi rin sa amin ni papa ang dahilan o puno't dulo nang lahat kaya niya kami naiwan noon sa kadahilanang kagagawan pala lahat ni Lolo na ipakidnap si Papa at dalhin sa ibang bansa upang hindi na sila magkita pa ni mama.

Simula nung mangyari yun ay palagi daw malungkot si papa at minsan umiiyak lalo na't naisip niya na nagdadalang tao nun si Mama at yun ay si Lennie. Walang araw na hindi siya nagdadasal na sana ay makita niya ulit ang mag-ina niya, which is kami at sana man lang ay ligtas daw kami habang patuloy na humihingi ng tawad noon.

Nung nalaman ko yun ay grabe ang iyak ko lalo na at habang nagkukwento si Papa ay umiyak rin siya at sising-sisi na wala man lang daw siyang nagawa para makatakas o makasama kami nun at sana daw kasama pa namin ngayon si mama. Humingi rin naman siya nang tawad sa amin ni Lennie na pinatawad ko rin naman since, after all, he's our father.

Sino ba naman ako para hindi magpatawad diba? At ngayon nga ay okay na kami, then si Chlesea ay adopted daughter niya daw na inampon niya sa bahay ampunan noon sa Spain. Naawa kasi siya sa dito noon kaya niya inampon kasi bukod sa wala na itong magulang ay naaalala niya kami kaya ayon. Nag desisyon siya na ampunin nalang ito.

And the rest is history, at tsaka isa pa tanggap naman namin itong si Chlesea. Akala ko nga masungit to eh gaya nung sa canteen incident noon. If you still remember that, at yun na pala ang hudyat, kaya siya nagpakita sa akin.

Ipinaliwanag niya rin naman at humingi rin siya ng tawad gaya ni Papa kung bakit daw nila ito pinanatiling sikteto para daw maprotektahan ako o kami since until now ay pinapahanap parin kami ni Lolo. Hindi ko alam kung bakit at ewan pero hindi naman kasi ako nakaramdam ng kaba o takot man lang pag nakita nila kami o hindi.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now