SPECIAL CHAPTER II

13.9K 408 118
                                    

LORRAINE

"Baby, wake up!"

"Hmm.."

"Nerdy, wake up, na nga sabi!"

Naalimpungatan naman ako mula sa himbing na pagkakatulog sa boses na yun dahilan para mapabangon ako ng wala sa oras. Kinusot-kusot ko naman ang mata ko bago tumingin sa paligid at natigil sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko habang nakapamewang at taas ang kilay na nakatitig sa akin.

Hindi ko naman maiwasang di mapalunok sa klase ng tingin niya. Ang aga-aga parang may tupak na naman tong bitch kong asawa hmpf!

"Ano pang tinutunganga mo diyan?! Tumayo ka na at bantayan mo yung mga bata ngayon dahil may lakad ako!!" Sigaw niya sa akin. Grabe hindi man lang ako binati ng magandang umaga tss. Napasimangot naman ako dito at palihim na umirap sabay tayo ng hindi siya sinagot.

Nakakainis lang kasi. Sa totoo lang nung isang linggo pa siyang ganyan na may lakad na hindi ko alam kung saan papunta. Pati nga rin ang ugali niya kung dati ay bitch siya na bully nung nag-aaral pa kami ay ngayon naman lumala. I don't know, but siguro simula nung may pinagkakaabalahan siya ay doon na nagsimula yang pagiging ganyan niya hmpf!

Kainis ginawa pa akong taga bantay ng mga bata.

Matapos ko maayos ang higaan namin ay dumiretso naman ako sa banyo, habang siya naman ay lumalabas na pagkapasok ko. Sisiguraduhin niya muna talaga na babangon ako bago siya lalabas, tsk.

Lumabas naman ako agad sa kwarto pagkatapos at doon nakita ang mga bata na naglalaro sa sala. Nakita ko naman ang bunso ko na nakatingin sa akin habang pababa ako dahilan para mapangiti din ako ng wala sa oras.

"Good morning, mga babies!"

Masayang bati ko sa kanila at hinalikan sa noo ang panganay ko habang yung bunso naman ay kinarga ko at hinalikan ang kanyang matambok na pisngi. Ngumiti naman ito sa akin na parang naintindihan niya na pinang-gigigilan ko siya.

Ang cute talaga nitong bunso namin huhu.

"I have to go, babies, mauna na ako. Bye, darling, and sweetheart, I love you both." Hindi paman ako nakapagsalita ay dali-dali na itong lumabas pa na wala man lang akong natanggap na halik sa pisngi na kadalasan niyang ginagawa sa akin. Napabaling naman ang tingin ko sa labas ng makarinig ako ng busina dahilan para mapunta ako sa bintana at sumilip habang karga pa rin si baby Aldrich.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa nakita lalo na't may lumabas na matangkad, matipuno at mukhang foreigner na lalaki na agad namang ngumiti pagkakita sa asawa ko habang yung isa ay ganun din. Inalalayan naman siya nito papasok at ilang saglit pa ay parang bula na nawala na sila sa paningin ko.

Teka-sino ba yung lalaking yun? Bakit magkasama sila ng asawa ko? Yan ba ang dahilan kung bakit busy siya palagi at may importanteng lakad?! O baka naman niloloko na ako ni Astrid patalikod na hindi ko alam?!

Pero no—hindi niya magagawa sa akin yun lalo na't mahal na mahal niya ako at may mga anak kami, but darn. Di ko naman maiwasang di mag overthink at sa naisip ko palang na magkasama na sila at masayang nag-uusap.

With that thought, I feel my heart is now throbing in pain, and my eyes became watery. Na parang, any moment ay babagsak na ang mga luha ko.

"Mama, are you okay? Why are you crying?"

Nagising naman ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita ang anak ko na ngayon ay nakatingala na sa akin at inosente akong tinignan habang ang bunso naman ay nakatulog na pala sa bisig ko ng hindi ko namamalayan. I smile to my daughter at umopo sa sofa para makarga ko ng maayos si baby.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now