CHAPTER 04

24.2K 779 241
                                    

LORRAINE

Alas singko y medya palang ay gising na ako. Maaga kasi ako ngayong papasok katulad ng sabi sa akin ni Jamie. May importante daw kasi siyang sasabihin sa akin ayon sa kanya kahapon bago kami naghiwalay ng landas.

Tsk nacurious tuloy ako kung ano yun.

Pagkatapos kong maligo ay agad naman akong nagbihis at sinuot ang salamin ko pagkatapos makapag suklay. Pinuntahan ko naman agad ang kabilang kwarto kung saan natutulog ang bubwit kong kapatid.

"Lennie gising na." Yugyog ko sa kapatid ko habang nakadapa nang higa habang malakas na humihilik. Pinulot ko naman ang mga unan na nalaglag sa sahig.

Tsk ang likot talaga ng kapatid kong 'to pag natutulog.

"Lennie isa pag hindi ka gumising diyan hindi ka makakaulam nang hotdog!"

Aba as if naman na masarap ang luto mo Raine, eh palagi nga yung sunog.

Kontra nitong isip ko na hindi ko nalang pinansin hmp. Nabigla naman ako ng bumalikwas siya agad nang bangon at agad yumakap sa akin sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning, ate kong maganda hehe." Hinalikan ko naman siya sa noo bago kinuhanan nang tuwalya para makaligo na siya.

"Morning bunsoy—oh siya bilisan mo na maligo at magluluto muna ako para makapasok na ako sa eskwelahan." Tumalima naman siya agad sa sinabi ko at agarang nagtungo sa banyo.

Lumabas naman ako agad ng makitang nakapasok na sa banyo ang paslit at agad nagtungo sa kusina para makapagluto. Habang nagluluto ako ay naisip ko naman ang mga ganap ko sa eskwelahan na pinapasukan ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay yung biglang tahimik kong mundo ay bigla nalang naging impyerno sa kadahilanang maraming nang-bubully sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

Yung feeling na dadaan ka tapos bigla-bigla nalang may sasaboy sayong drinks like soup, spaghetti, kamatis na may itlog at ang pinakaworst sa lahat ay yung pintura talaga. Ang tagal kasing matanggal tsaka nung nakaraang araw nga ay nabigla nalang ako ng matapos ang klase namin ay pagtayo ko ay nagkaroon ako bigla ng red paint.

Akala ko nga may dalaw ako nun, eh yun pala may naglagay sa upoan ko nun.

-

Flashback ~

Naglalakad ako ngayon o sasabihin na nating tumatakbo na talaga ako. Tsk nakakainis kasi at late na akong nakatulog sa kakapanood ko ng Guardians of Galaxy na isa sa mga paborito ko.

Hiniram ko lang kasi yun kay Jamie nung nabanggit niya sa akin na paborito niya rin daw yun. Kakabili ko lang rin ng DVD pang libangan namin ni Lennie na second hand lang. Kahit naman pobre kami ay may kinikita naman ako kahit papano kaya yun ang ginamit kong pambili.

Dali-dali naman akong tumakbo at papaliko na sana sa hallway ng biglang may nakabanggaan ako.

"A-araaay ko..."

"What the fuck, bitch?"

Tinig ng isang babaeng kilalang-kilala ko na o masasabi kong isa sa kinatatakutan dito sa BHU. Isa kasi siyang Queen Bitch na kapag binangga mo ay ang kapalit nun ibully ka niya buong school year.

Grabehan lang diba?

"What the fuck, disgusting nerd?! Ikaw na naman?"

Anodaw? Disgusting nerd? The heck?!

Iniangat ko naman ang tingin ko sa kanya at doon parang may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now