CHAPTER 13

18.1K 711 104
                                    

LORRAINE

"Sige na Raine sumama ka na. Masaya yun, oh sayang naman."

I heavy a sigh para maikalma ko ang aking sarili. Kanina pa kasi ako kinukulit ni Nicole at Jamie na sumama raw ako sa outing namin na gaganapin this coming Saturday, habang si Annicka naman ay wala pa dito.

Late na naman siguro ang babaeng yun, tsk. Okay, back to the topic.

Ito nga at nagdadalawang-isip pa kasi akong sumama dahil bukod sa magastos nga ay walang kasama ang kapatid ko. Saan ko naman yun maiiwan aber?

"Hindi talaga pwede guys at tsaka isa pa walang magbabantay kay Lennie." Sabi ko na agad ikinasimangot ni Nicole habang si Jamie naman ay napabuntong hininga nalang.

Hindi ko naman pwede isama yung paslit tsaka if I know bawal ang bata dun noh!

"Sayang naman pero what if isama nalang natin ang kapatid mo Rainey?" Masayang usal ni Nicole at tinawag akong Rainey. Gusto niya kasi na ganun daw ang itawag niya para unique tsaka mukha daw kasing ulan ang tunog.

Loka ang babaeng to ginawa pa akong tubig.

Mukhang napaisip rin naman si Jamie sa sinabi ni Nicole at ngumiti da akin na parang may nabuo na idea sa kanyang isip.

"Don't worry, Raine, kami na ang bahala." Sabay baba at taas ng kanyang kilay habang si Nicole naman ay mukhang may alam na sa naisip ni Jamie na ikinangisi nito.

Okay? Ano kaya yun? Weird.

Diko nalang sila pinansin at umayos nalang ng opo since nandito na ang teacher namin.

-

"Ate saan po ba tayo pupunta? Ba't po tayo nag-iimpake?" Takang tanong ng kapatid ko na nakapamewang sa akin ng harap ngayon habang ako naman ay nag-iimpake nang mga gamit namin.

Well, pinayagan kasi ng principal na dalhin ang kapatid ko total wala naman daw kaso kasi may teacher at school stuff naman na kasama. And yup, ito pala ang plano nila Jamie at Nicole kahapon, kaya ito ngayon nagsimula na akong mag-impake ng gagamitin namin ng kapatid ko dahil maya-maya lang ay papunta na kaming school. 5:00am, kasi ang call time at 4:15am palang ng umaga. Medyo maaga pa naman.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili kong paano nila napapayag ang principal. Ang weird lang. Isinara ko naman ang zipper ng bag bago ko hinarap ang kapatid kong kanina pa tanong ng tanong.

"Basta at teka nga-bakit ka ba tanong ng tanong, huh? Sasama ka ba kay ate o maiiwan ka dito?" Nakataas kilay kong tanong at nakapamewang rin paharap sa kanya.

Aba siya lang ba ang marunong?! Naglakad naman siya palapit sa akin at malambing akong niyakap.

"Sasama po siyempre ate hihi." Napabuntong hininga naman ako bago ko siya kinarga para paliguan.

"Yun naman pala ehh. Oh siya tara na at paliliguan pa kita." Agad ko naman hinubad ang damit niya at sinimulan na siyang paliguan. Syempre, yung medyo may halong mainit na tubig ang ipinaligo ko sa kanya since sobrang ginaw ngayon lalo na at madaling araw pa.

Pagkatapos ng sampung minuto ay tinapos ko naman agad ang pagligo kay Lennie at agad siyang binihisan ng panglakad na suot, like pants na maong at t-shirts na makapal. Sinuotan ko na rin siya ng jacket na may hoodie dahil paniguradong malamig doon since sa Baguio nila napili na mag fieldtrip. Matapos ko siyang bihisan ay ako naman agad ang naligo. Wala pang bente minutos ay tapos narin naman ako agad at nagbihis na sabay suklay since 4:30 na nang umaga.

Baka malate pa kami nito at maiwan ng bus.

Dali-dali naman akong bumaba sa may sala habang bitbit ang bag na dala ko na naglalaman ng mga damit namin ng paslit. Nakita ko naman si Lennie sa may sala at matiyagang naghihintay habang nakayakap sa kanyang sarili.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now