CHAPTER 48

14.4K 449 61
                                    

LORRAINE

Naglakad-lakad ako sa dalampasigan ng may babaeng tumatakbo ngayon papunta sa gawi ko at hinabol ang bola ng volleyball na hindi ko namalayan na tumama na pala sa paa ko.

"Hala! Sorry po, I'm sorry. Hindi po namin sinasadya."

Paghingi niya ng tawad nang paulit-ulit na ikinangiti ko nalang. Kinuha ko naman ang bola sa paanan ko at ibinigay ito sa kanya.

"It's okay, Miss; don't worry; hindi naman siya masakit." Saad ko pa. Napansin ko naman na napatitig ito sa mukha ko at bahagyang namula ang kanyang pisngi.

"Are you okay, Miss?" Takang tanong ko pa at di maiwasang di mabahala sa kanya. Ang pula niya, kasi daig pa ang kamatis.

"A-ahh opo hihi. Ang ganda niyo lang po kasi kaya natulala ako saglit." Woah! Straight forward, pala ang babaeng to—pero ano daw? Ako maganda? Naramdaman ko naman na uminit ang magkabilangnpisngi ko at nginitian ito.

"T-thanks, but sino ang kasama mong naglalaro pala? Do you have friends with you? Family?" I don't know why I asked her. Siguro sa curious ako? Hindi ko kasi nakita na may kasama siya at baka lang na siya lang pala mag-isa.

"Opo, actually nandun po sila sa may cottage nagpapahinga na. Iniwan nga ako ng mga yun eh nakakainis." At nag pout pa ito sa harap ko na ikinangiti ko nalang.

Actually, she's cute and beautiful. Long eyelashes, long blonde hair up to the waist, a sharp nose, and perfect eyebrows But I seem to have noticed something strange about her. I don't know what it is, but may ano kasi siya—I mean, sa ano ahm—what do you call that thing? Penis? I mean to men like that. I noticed it was swelling since she was wearing shorts, but ugh, nevermind. It's not my business anymore, and besides, it seems rude. Kakakilala pa nga lang namin tapos ganun na itatanong ko tsk.

"Ano ang name mo pala?"

Inilahad naman nito ang kanyang kamay at ngumiti bago nagsalita.

"Ako po si April, ikaw po Ate?" Hmm, nice name, huh? Ngumiti naman ako sa kanya bago tinanggap ang kanyang kamay.

"Lorraine, nice to meet you, April." At nagkatinginan kami sabay nagtawanan. Magsasalita na sana ito ng biglang may tumikhim sa likuran namin.

"Del Frio!"

Napalingon naman ako sa pamilyar na boses na yun at doon ko nakita ang nagbabagang tingin nang isang Astrid Monteverde. Tumingin naman ito sa magkasugpo naming kamay ng kasama ko bago ibinalik ang tingin sa akin.

"I've been looking for you anywhere at nandito kalang pala, nakikipaglandian sa iba."

Nagulat at parang kumabog naman ng malakas ang dibdib ko sa sinabi nito. Binitawan ko naman ang kamay ni April ng makitang tinignan niya ito ulit. I don't know why, but may aura siyang iba ngayon bukod sa galit niya, pero hindi ko ma point out kung ano. Ang labo.

Parang siya at ang inakto niya ngayon.

"A-ahh, Ate mauna na po ako, baka kasi hinahanap na ako dun sa amin." Tumingin naman ako kay April at ngumiti dito.

"Sige, nice to meet you again." Kumaway lang naman ito bago malamyang nginitian ang babaeng napaka itim ng aura.

Seriously! What's wrong with her?

"B-bakit ganyan ka makatingin?" Utal ko pang saad. Nagsalubong naman ang kilay nito at mabigat na humakbang papalapit sa akin.

"Seriously? You're asking me that stupid question?!?" Napaatras naman ako sa malakas niyang pagsigaw na ultimo siya ay bahagyang ikinagulat yun. Ano ba ang nangyayari sa kanya? May problema ba siya?

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now