CHAPTER 26

15.4K 496 20
                                    

LORRAINE

"Uy, sorry na kasi bakit ba hindi mo ako pinapansin, ahh?"

Pigil inis kong sabi kay madam na kanina pa ako hindi kinikibo. Nandito kasi kami ngayon sa secret garden kung saan ako dinala nila Jamie Annicka at Nicole nun at dito rin ako umamin sa kanila na you know, I like this girl beside me!

Umirap naman siya bago ako tinalikuran habang nakanguso. Kanina pa yan ganyan jusko. Daig pa ang may means—pero teka baka nga meron siya ano? Lakas ng topak, eh?

"Huy ano na? Teka matanong ko nga. Meron ka ba ngayon?" Pagkatapos ko sabihin yun ay nakatanggap naman ako ng masamang tingin sa kanya dahilan para mapalunok ako.

"Ah sabi ko nga tatahimik na ako." Gosh nakakatakot talaga ang isang to pag magalit tsk. Mukhang under ako nito pag nagkataon.

Umayos naman ako ng opo at tinignan siya habang nakatagilid. Mataas na ilong, mapupulang labi na ang nipis, kitty cat eyes na kulay brown at ang buhok niyang blonde na parang pang amerikana. Gosh.

Hanggang ngayon talaga hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sa akin samantalang siya ang ganda-ganda at marami namang gwapo diyan sa paligid kaya hindi ko maiwasang matanong sa sarili ko na worth it ba ako sa kanya? Karapat-dapat ba ako sa isang katulad niya? Para ba talaga siya sa akin? Mga tanong ko pa sa isip ko at napabuntong hininga nalang bago umiwas sa kanya ng tingin. Parang biglang bumigat ang nararamdaman ko sa mga iniisip ko bigla.

Naramdaman ko naman na tumingin itong katabi ko sa gawi ko habang ako ay nakatingin lang sa kawalan.

"What's with the heavy sigh? Do you have a problem?" Ewan ko ba pero hindi ko maiwasang mapatawa sa aming dalawa samantalang kanina nahihirapan akong kausapin siya at ngayon naman na hindi siya kinibo ay kusang nagsasalita.

Ang weird namin, noh? Huhu.

"Wala." Saad ko nalang bago siya tignan na kanina pa pala nakatingin sa akin. Ngumuso naman siya sa akin bago ako hinawakan sa kamay.

Chansing talaga siya guys kaya wag na kayong magtaka pa lol.

"Come on, please, baby, tell me. May problema ka ba?" Napangiti naman ako sa itsura niya ngayon na parang pato. Kwak! Kwak!

"Wala nga po, tumigil ka nga sa pagnguso para kang pato diyan." Pero imbes na mainis siya sa sinabi ko ay lalo lang siyang ngumuso habang lumalapit sa akin.

"Kiss mo nalang ako para magkabati tayo." Ehh?

"Bakit nag-away ba tayo?" Taka kong sabi sa kanya dahilan para mapairap siya at biglang yumakap sa akin habang nakanguso pa rin.

Jusko po bakit ang cute nitong babaeng to? Hustisya naman.

"Hmp, you forgot already? Remember, hindi mo ako pinansin kanina hmpf!" Ahh, anong hindi naman kaya yun? Hmm, wala akong maalala, ehh.

"Alin ba dun? W-wala akong maalala hehe." Kamot sa ulo kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang umayos ng opo bago ako kinurot sa tagiliran dahilan para mapahiyaw ako.

"Ang sakit nun, bakit mo ako kinurot?" Hinimas-himas ko naman ang kinurot niya banda at nakita ko itong namula.

Nakita ko naman na nagsisi siya sa kanyang ginawa bago ako tignan na may pag-aalala sa mata.

"Sorry ikaw kasi kanina ko pa napapansin na hindi mo ako kinikibo simula nung dumating ako t-tap-!" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad siyang hinila sa akin para mayakap.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now