CHAPTER 23

16.1K 616 61
                                    

LORRAINE

ILANG ARAW na akong hindi pinatigil ng damdamin ko at pinag-iisipan kong aamin na ba ako kay mangkukulam o hindi. Alam niyo yung feeling na para kang mababaliw sa kakaisip lalo na ngayon na parang lumalala itong kakaibang nararamdaman ko.

Huhu feeling ko nga di na ako makaahon eh.

"Sige na Raine sabihin mo na kasi sa kanya, ikaw rin baka maunahan ka ng iba diyan sige ka."

"Oo nga Rainey bahala ka baka magsisi ka sa huli!"

At ilang araw narin akong pinipilit nila Nicole at Annicka na umamin. Oo sila lang kasi si Jamie wala parin at balita namin ay nagpunta daw siya sa America sabi nang pinsan niyang si Stacey.

Nung una nabigla kami, kasi naman diba? Hindi namin aasahan yun tsaka mamimiss namin si Jamie, pero baka bukas daw makauwi na yun. May pinapaasikaso kasi sa kanya ang Dad niya dun at siya lang ang maaasahan since only child siya.

Kung kami nalungkot lalo naman si Athena. Yup, pati yun nakarating din sa kanya. Hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman niya pag nakikita ko ang mukha niyang lagi ring malungkot. Siguro namimiss niya rin si Jamie.

"Huy! Nakikinig ka ba hah Ulan?!"

Nagising naman ako sa malalim na pag-iisip ng binatukan ako ni Nicole. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang hinihimas ang parte na binatukan niya.

"Bakit mo ba ako binatukan?Hindi ba uso sa'yo ang salita hah?!" Nakakainis ang babaeng to hmpf! Ang sakit tuloy ng ulo ko. Nakita ko naman siyang umirap bago nagsalita.

"Ehh, kasi naman kanina pa kaya ako nagsasalita dito tapos ikaw diyan nakatunganga lang na parang tanga hmpf!" Walang hiya talaga ang babaeng to.

Umiwas naman ako ng tingin dito bago nagsalita."Naalala ko lang kasi si Jamie. Hindi niyo ba siya namimiss?" Totoo naman kasing miss ko na ang babaeng yun kahit minsan ang seryoso niya, tahimik at parang yelo sa lamig kung minsan magsalita.

Kung hindi lang namin siya naging kaibigan iisipin ko na palagi yung galit sa mundo. Buti nalang mayroong Nicole na minsan baliw dahil napapatawa niya kami sa jokes niya kahit sobrang corny.

Alam niyo naman na hindi mabubuo ang isang barkada pag walang isang tanga o siraulo.

Narinig ko naman itong bumuntong hininga bago sumagot. "Namimiss syempre pero balita ko--" Natigil naman siya sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone niya.

Her eyes grew wider at napatakip sa bibig ng makita ang caller ID. Pinakita naman niya ito sa amin at katulad ng reaksyon niya kanina ay ganun din kami.

"It's Chipmunk!"

"Hala sagutin mo dali!"

"Dalian mo baka patayin!"

Halos sabay naming sambit tatlo sa malakas na boses dahilan para mapalingon sa amin ang ilan dito sa loob, especially those five girls in front. Athena suddenly looked at us. Napansin ko naman na parang anytime ay lalapit siya sa gawi namin at tama nga ako dahil nakita ko itong naglakad papalapit habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya, especially to her friends.

"U-uhm, can I talk to her?" Siniko ko naman si Nicole para makuha ang atensyon niya. Tumingin naman siya sa akin habang nasa tenga ang cellphone. Sinagot na niya pala hindi ko man lang namalayan. Ininguso ko naman si Athena na may lungkot sa mata.

"Uhm Chipmunk, there's someone here who wants to talk to you, okay lang ba? Ay bakit? Wait what? Nandiyan ka?Sige papunta na kami bye." Kunot noo ko namang pinagmasdan si Nicole na ngayon ay patayo na.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now