CHAPTER 22

16.2K 579 80
                                    

LORRAINE

ONE WEEK had passed at hanggang ngayon ay sariwa parin sa isipan ko ang pinag-usapan namin nila Jamie nung araw na yun. Simula nun parang mayroong nagbago.

Yung dating Jamie na minsan ngumiti, laging seryoso, makikipag-biruan minsan kausap ay bigla nalang naglaho. Kung ganyan siya dati ay baliktad naman ngayon. Malamig na siyang makitungo sa tao, at minsan pa ay mahuhuli mo nalang siyang nakatulala sa kawalan.

Minsan nga naisip ko. Bakit ganun? Kung tutuosin ay mas nakita ko pa kay Jamie na seryoso siya kay Miss Athena. Makikita mo kasi sa kanya na sa tuwing titignan niya yung taong nagustuhan niya sa malayo ay may halong pagmamahal talaga. Minsan nga rin nahuli ko siya na natutulog lang sa class.

Palaging puyat at ang laki ng eyebugs. Palagi nga siyang pinapagalitan ng teacher namin, pero kahit si ma'am ay hindi siya makausap dahil minsan kung sasagot siya ng pabalang sa mga guro ay minsan naman ay tititigan niya lang ito na parang isang pader.

Yup. Ganyan po ang nangyari sa kanya sa nagdaang isang linggo pagkatapos niyang mag confess sa amin ni Nicole at Annicka.

Tinanong ko nga si Nicole kung may alam ba siya dito pero ang sabi niya lang ay wala daw at pero nung fieldtrip mismo nakita niya daw na nagka-usap si Miss Athena nun at Jamie pero para daw kasing nag-aaway silang dalawa. Hindi naman niya kasi nasabi agad lalo na't invading privacy na daw yun. Tama rin naman siya.

"Hey!"

Napalingon naman ako sa tumawag na parang bumubugaw lang ng kalabaw. Hey, kasi yun diba? Tumawa kayo guys, jowk yun xD. Pero mabalik tayo kay ate, pero teka bakit parang nakita ko na siya? Tinignan ko naman ang kabuohan niya mula ulo hanggang paa. I tap my forefinger to my chin at inisip kung kailan ko nga ba siya nakita.

Long, wavy hair, red na kuko na parang dugo. Mapupulang labi na parang bampira. Mataas na kilay na pantay at laging may—ano ba tawag dun sa lapis ba. Yun yata ahh basta. Pilik mata na kay haba. Makinis at maputi na mukha at-teka naalala ko na siya. Nanlaki naman ang mata ko nang makilala ko siya. Siya yun, siya yung maarte na pinsan ni Jamie nung first day. Sino nga yung pangalan niya? Sittie? Sabel? Sta--ahh, Stacey pala.

"Kilala kita!" Nabigla naman siya sa pagsigaw ko at ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng kaklase ko. Sumama naman ang tingin ng ilan sa akin habang yung iba ay natatawa lang.

Napatampal naman ako sa bibig ko. Nakakahiya ka talaga Raine yang bunganga mo aish!

"You didn't recognise me, did you?" Ehh?Hanggang ngayon ba naman English parin? Hanep talaga to sa kaartehan, tsk.

"Sorry, pero ngayon lang kasi kita naalala na classmates pala tayong dalawa." Medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

Napatawa naman siya na ikinataka ko saka umopo patabi sa akin. Inilahad naman niya ang kamay niya tsaka maarte na nagpakilala.

"Stacey Manzano, cousin of Jamie. And you are Lorraine Dela Cruz, right?" Hala?! Kilala niya ako tapos ako di siya kilala? Gosh nakakahiya ka talaga Raine kahit kailan. Napatampal naman ako sa noo ko bago tumingin sa kanya.

"Nice to finally meet you in these, Lorraine." May ganun? Binitawan ko naman ang kamay niya at lumingon sa harap. Paano ba naman kasi titig na titig siya sa akin at nakakailang hmpf!

"So, may tanong sana ako sa'yo about my cousin." Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka.

"Ano po yun?" Napataas naman ang kilay niyang parang nike sa akin. Natampal ko naman ang bunganga ko sa sinabi ko na ngayon ko lang narealize.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now