CHAPTER 28

13.8K 547 55
                                    

ASTRID

Everything was a blast, and right now I'm so happy knowing that the person you like is treating you like your the most beautiful woman in the whole world, and that's her.

My only baby can do that to me, Lorraine Dela Cruz.

Niyaya niya akong mag date kahapon bilang parte daw ng panliligaw niya at ayon nga ang nangyari na kanina and dinala niya ako sa Amusement Park na noon ko pa pangarap na puntahan kasama ang parents ko, and now here we are at pauwi na sa kanilang bahay habang sumasakay sa jeep na magka holding hands.

"Nag enjoy ka ba?" Napalingon naman ako sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Yes, by at salamat pala sa pagdala sa akin dun. Hindi ko alam na may lugar palang ganun kaganda lalo na pag gabi," I honestly said to her. Totoo naman, kasi na maganda pala doon at sana makabalik pa kami at doon ulit mamamasyal.

"Akala ko hindi mo nagustuhan eh hehe. Di bale balik tayo sa susunod dun pero dapat kasama na si Lennie at ang mga kaibigan natin." Natuwa naman ako sa sinabi niya tinignan siyang nakangiti.

"Promise yan by hah? For sure, matutuwa ang kapatid mo dun ewan ko nalang sa mga kaibigan ko hmp!" Tumawa naman siya sa sinabi ko habang ako ay di maiwasang mapasimangot.

Ang arte kasi ng mga bitch na yun. Buti pa si Athena samantalang si Allyson at Artemis? Nevermind. Ewan ko nalang kay Aphro na palaging tahimik.

"Sa bahay ka nalang matulog, diba wala ang parents mo nasa ibang bansa?" Tumango naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala nakalimutan ko na sa susunod na buwan pa uuwi sila Mom and Dad, kasi nga may business sila sa Hawaii na kailangan ihandle dun.

Palagi naman, tss.

"Sige pero tabi tayo ahh? Hehe." Napansin ko naman na namula siya sa sinabi ko bago nag-iwas ng tingin. Taka ko naman siyang pinagmasdan.

What's wrong with her?!

"Are you okay?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin bago sumagot.

"Ah oo naman hehe." Ang weird niya hah geez. "Para po." Tumigil naman ang jeep sa gitna ng bahay nila na ngayon ko lang napansin.

"Tara na, ayaw mo bang bumaba?" Tawag niya sa pansin ko dahilan para magising ako sa malalim na pag-iisip."Sorry, let's go." Sabi ko nalang. Inalalayan naman niya akong bumaba sa jeep.

Pagkarating namin sa loob ng bahay nila ay umopo naman agad ako sa sofa, habang siya ay tinawag ang kapatid niya na nandun yata sa kabilang bahay.

"Talaga Ate?May pasalubong ka sa akin?Wahhh!" Rinig kong saad ng kapatid niyang cute. Lumingon naman ako sa kinaroroonan nila at nang makita ako ng kapatid niya ay napatakip naman siya sa kanyang bibig at agad na sumigaw.

"Ate Gandaaaa!" Napatawa naman ako sa kanyang reaksyon at niyakap siya nung patakbong pumunta siya sa kinaroroonan ko.

"Hello cutie, how are you? Hmm." Tanong ko sa kanya at pinisil ang kanyang pisngi na may dimples. Omo, she's so cute, hehe.

"Okay lang po ako ikaw po? Nag date po kayo ni Ate?" Nanlaki naman ang mata ko at bahagyang namula sa sinabi niya. Tumingin naman ako sa reaksyon ni Nerdy na bahagyang namula rin.

Wtf? How did she know na were dating? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman sinabi yun ni Nerdy sa kanya. Pwera nalang kong nahahalata niya lately na magkasama kami lagi ng ate niya?

"Lennie! Halika na rito at kainin mo natong pasubong ko dali." Tawag pansin sa kanya ng kanyang Ate.

"Sige po ate ganda ahh, kakain lang po muna ako hehe," she softly said and giggled. Bago paman ako makapagsalita ay hinawakan na siya ng kanyang ate sa kamay at dinala sa kusina. Sumunod naman ako sa kanila dun at napangiti nalang ng makita ko na nag-aasaran silang dalawa.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now