Chapter 3

69 8 0
                                    

Padabog na ibinagsak ni Zandreaj ang kanyang schoolbag sa kanyang armchair at pabara na umupo. Hindi maitago ang inis sa kanyang magandang mukha. Hindi na sya nakapagpaalam kay Dreigh na nilamon na ng daan-daang estudyante kanina sa canteen.

Hindi nya alam kung paano syang nakaalis sa pagkakaakbay ng pinsan at nakatakas sa crowd nang hindi nito namamalayan. Hindi nya man lang napangalahati ang kanyang kape at ngayon ay mahapdi ang kanyang sikmura na hindi sanay na walang almusal simula nang dumating sya dito sa probinsya.

Yamot na yamot si Zandreaj sa lalaking unang lumapit kanina para magselfie with Dreigh na naging dahilan para kuyugin ang pinsan nya at napilitan syang tumakas. Simula yata ng magkrus ang landas nila ng lalaking yun ay nasisira ang araw nya. Kahit yata saan sya magpunta at sinong kasama nya ay masisira ang araw nya.

Kinuha nya ang kanyang iphone para icheck kung online na ba si Januz. Pero nang maaalalang wala nga palang signal sa room nila ay lalong nangunot ang noo ng dalaga. Nagiisa pa sya sa classroom, ang lahat ay busy pa sa canteen malamang. Kinuha nya ang kanyang earphone isinaksak sa kanyang dalawang taynga at nagplay ng music sa kanyang playlist.

Isinandal nya ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang armchair, ipinatong ang kanyang dalawang paa sa armchair na nasa harapan nya at ipinikit ang kanyang mga mata.
Nasa ganong position si Zandreaj ng pumasok ang masayang grupo ni Blyther kasama ang iba pa nyang kaklase. Hindi sila namalayan ni Zandreaj dahil maliban sa nakapikit ay nakafull volume ang kanyang earphone.

Sabay-sabay na natahimik ang lahat ng biglang matigilan si Blyther pagkakita kay Zandreaj. Napatitig dito ang binata na parang nakakita ng diwata. Napatitig din ang kanyang mga kaklase kay Zandreaj pero sandali lang, sabay-sabay silang napalingon kay Blyther at napailing sa reaction ng binata.

Isang malakas na "HOY" at tapik sa balikat ang gumulat kay Blyther at nagpabalikwas naman kay Zandreaj na dali daling inalis ang earphone sa kanyang mga taynga at ibinaba ang kanyang mga paa. Malakas at sabay-sabay na "OYYYYYYYYYYYY!!!" at mapanuksong mga tingin ang inani ni Blyther mula sa kanyang mga kaklase.

Namula ang mga punong taynga ni Blyther na kumalat sa kanyang buong mukha kasabay ng pamumula rin ng buong mukha ni Zandreaj na lalong ikinaexcite ng buong klase. Feeling ng lahat ay nanunuod sila ng pelikula sa reaction ng dalawa. Walang nakaimik sino man kina Blyther at Zandreaj na hindi maintindihan kung sa isa't isa ba nahihiya o sa mga kaklase.

Sandaling katahimikan ang nangibabaw na talagang nagpafeeling awkward sa dalawa bago muli nilang narinig ang kantyaw ng mga kaklase.
"AYYYIIIIIEEEEEEEEEE!!!! sabay-sabay na hiyaw ng lahat.

"Blyther the angel likes pretty-little-devil!!!"

Isang malakas na hiyaw mula sa bandang likuran ng grupo ang biglang nagpatahimik sa lahat. Sabay-sabay silang napalingon kay Demi, ang kaklase nilang kalalaking tao ay tactless, saka sabay-sabay ding nalipat ang tingin nila kay Zandreaj na ngayon ay nakatayo na, pulang-pula ang mukha hindi na sa hiya kundi sa inis.

Naniningkit ang mga mata at nakakuyom ang mga palad na padabog itong sumugod sa unahan para harapin ang mga kaklase. Dali-daling nagsipagtago sa malapad na katawan ni Blyther ang lahat.

What did you just call me?!" Tanong ni Zandreaj kay Demi na tumago sa likod ni Blyther. Alam nyang sya ang tinutukoy nito. Hindi naman kumikilos si Blyther sa pagkakatayo nya para icover si Demi.

Nang makalapit ay pilit hinarap ni Zandreaj si Demi pero nakaharang si Blyther dito. Tinabig nya ang lalaki pero sa laki nito ay ni hindi ito natinag. Sa inis ni Zandreaj ay si Blyther ang binalingan nito. Tinulak nya ito sa dibdib ngunit gaya kanina ay para itong pader na hindi man lang natinag sa kinatatayuan. Lalong nanggigil si Zandreaj.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now