CHAPTER 2

74 6 0
                                    

"7:30 ang first period ko, I have to be at school by atleast 7:20."
Sabi ni Zandreaj habang palabas sila ng gate. Nakaupong babae sya dahil sa kanyang palda.

"If that's the case then you have to hold tight."
Unti-unting binibilisan ni Dreigh ang takbo ng Nmax.

Muling humapdi ang mga mata ni Zandreaj ng mahampas ng hangin ang kanyang mukha dahil sa bilis ng takbo nila. Napailing sya nang maalalang halos dalawang oras lang ang kanyang naitulog. Halos magdamag silang nagchat ng girly girls habang naghihintay sya na mag-online si Januz. Ngunit nakatulugan na lang nya na hindi ito nagparamdam.

Yumakap si Zandreaj sa baywang ni Dreigh at inihilig ang kanyang kanang pisngi sa malapad na likod ng pinsan habang nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi nya kayang imulat ang mga iyon dahil sa hangin.

Agad siyang naidlip.
makalipas ang limang minuto ay naalimpungatan sya ng maramdamang nakatigil sila. Unti- unti siyang nagmulat ng mata para tingnan ang paligid. traffic dahil ginagawa ang kalsada. Ipipikit na sana niya ulit ang kanyang mga mata ng mapatingin siya sa gray na innova sa kanilang likuran.

Napakunot ang kanyang noo ng makita ang dalawang lalaking nakatingin sa kanya. Ang driver ay nakangiti habang ang nasa passenger seat ay nakakunot ang noo at mukhang yamot. Nagtaas sya ng kilay at umirap nang makilalang ang kaklase nya ito na pinilit syang maglinis ng CR kahapon.

Umayos sya ng pagkakaupo at muling pinikit ang mga mata habang nakahilig pa rin ang kanyang pisngi kay Dreigh. Muling umandar ang Nmax at mabilis silang nakalayo sa Innova na mabagal ang pagusad dahil sa sikip na kalsada.

Makalipas ang sampung minuto ay papasok na ng gate ng DonHigh ang Nmax ni Zandreaj. Lahat ay napapalingon sa driver nito. Nakahelmet man si Dreigh ay hindi maipagkakailang gwapo ito dahil sa bulto at bihis.

Itinigil ni Dreigh ang Nmax sa harap ng gate para humingi ng permiso sa guard na makapasok. Hinubad nya ang kanyang helmet at ngumiti ng masaya sa matandang guard. Agad na lumapit ang security guard na nasa edad 60 at masayang tinapik sa balikat ang binata.

"Magandang umaga po tatay Bien, kamusta po?"
Bati ng binata habang may dinudukot sa kanyang body bag. Inilabas niya ang isang katamtamang brown box at iniabot sa matanda.
"Pasalubong ko po sa inyo tay. Pagpasensyahan na po ninyo yan."

"Naku, ay talagang ako'y hindi mo nga nakakalimutan eh, maraming salamat. S'ya kayo'y pumasok na't saka na tayo magkwentuhan."

Binuksan ni tatay Bien ang gate at tuluyan ng ipinasok ni Dreigh ang Nmax sa loob ng campus. Tumuloy sila sa parking lot.

"Hmmmmmm...it feels home again."
Sabi ng binata habang bahagyang ipinikit ang mga mata at sinamyo ang hangin. Pagkatapos ay sinuyod ng tingin ang buong campus at nasiyahan sa kanyang nakita.

"5 years and it really changed a lot.."
Mas maganda ka na my beloved DonHigh."
Nakangiting turan ng binata habang inistand ang Nmax. Nakatingin lang sa kanya ang amused na si Zandreaj.

"You still have 15minutes, it's only 7:15, common let's have breakfast sa canteen."
Yaya ng binata sa pinsan.

"You look so sleepy, nagpuyat ka ba kagabi? You should atleast have coffee to wake you up." At ginulo nito ang curls ng dalaga.

Biglang iwas ni Zandreaj ang kanyang ulo mula sa mga kamay ni Dreigh na parang nakuryente.

"Oh no! Not my curls please..."
Lumayo sya ng kaunti sa pinsan.

Amused na humalakhak ang binata.
"Hanggang ngayon ba naman untouchable yang hair mo?"

Sumimangot lang si Zandreaj at nagpatiuna nang maglakad papunta sa canteen.

Nagsilingunan ang lahat pagpasok nila ng canteen at parang mga namatanda. Ang mga kababaihan ay nakatulala kay Dreigh na parang nakakita ng artista ang mga nakamulagat na mata.
"Good morning everyone!"
Bati ni Dreigh sa lahat at tuloy tuloy na lumapit sa counter at sinilip ang canteen manager na nakaupo sa harap ng cash register na napamulagat din ng makita ang binata. Biglang napatayo ang 55 years old na TLE coordinator na si Mrs. Contreras ng makita ang binata.
Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Zandreaj ang pagsinghap ng mga kababaihan.

"Jandreigh!" oh God! It's good to see you!"
Tuwang tuwang bati nito sa dati nyang estudyante.

"I'm happy to see you're happy seeing me again ma'am."
Matamis ang ngiting bati ng binata sa dati nyang guro. Pasimpleng iniabot nito ang kanyang pasalubong sa kanyang paboritong teacher dati. Pabulong na nagpasalamat ang guro.

"We'll have some chitchats next time ma'am, I'll just have breakfast with my cousin here."
Pabulong na sabi ni Dreigh at tumango naman ang guro.

Binalikan ni Dreigh si Zandreaj na nakaupo na sa two-seater table sa may sulok. Nakayuko ito at kasalukuyang sumisipsip na sa kanyang vendo coffee at nakikinig sa mga bulungan sa paligid.

"Diba si Xziann Jandreigh un? Yung MVP nitong nakaraang American Soccer League championship?!!!
May kilig ang boses na bulongan ng mga kaklase ni Zandreaj na nasa kabilang mesa lang nila.

"Yes! Sya un, ang super idol ni Blyth."
Bakit sya nandito at bakit kasama sya ni Zandreaj?!
Bakas na bakas sa boses ni Xienlee, ang school marching band majorette ang kilig.

Umupo si Dreigh paharap kay Zandreaj, hinawakan ang baba ng pinsan at inangat ang mukha nito para mapatingin sa kanya. Napalingon ang binata nang lumampas ang tingin sa kanya ni Zandreaj na biglang sumimangot ng makita ang lalaking papasok ng canteen.

"Blyth here!"
Nagtaas ng kamay si Xienlee para kawayan si Blyther at yayaing magjoin sa kanila. Tumango naman ang binata, dumiretso muna sa vendo coffee, naghulog ng 5 peso coin at sandaling naghintay ng kape nya bago tumuloy sa table nina Xienlee habang nakatitig sa likod ni Dreigh. Umupo siya sa tabi ni Xienlee paharap kay Zandreaj na kasalukuyang pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi ng kasama nitong lalaki.

Nakakunot ang noo ni Blyther habang umuupong nakatingin kay Zandreaj at sa lalaking kasama nito. Dumikit si Xienlee sa kanya na sa suot na uniform at pagkakaayos ng buhok at mukha ay parang KPop star. Bumulong ito sa taynga nya na kinikilig.
"Blyth! See the man with Pretty-Little-Devil?"

Nakakunot ang noo na bahagyang lumingon si Blyther kay Xienlee na nagtatanong ang mga mata.
"OMG! Blyth, it's your idol! It's Dreigh!!"

Napatayong bigla ang nakamulagat na si Blyther na bakas sa mukha ang pagkagulat at excitement.

"Really!?"

Malakas na sambit nito habang nakatingin kay Blyther. Napalingon naman ang magpinsan sa lalaki na nagulat din sa malakas niyang boses. Lalong napamulagat si Driegh at nawala sa composure ng humarap si Dreigh at mamukhaan nya ito. Dali-dali itong umalis sa kinauupuan at lumapit sa kanyang idolo.

"I'm sorry to bother you, but I cannot let this opportunity pass without taking a selfie with my idol. I am Vyrr and I am a soccer player too, I am your number one fan and I dream to become as good as you in soccer."

Tuloy-tuloy ang imik ni Blyther na hindi maitatago ang excitement habang kinukuha sa bulsa ng pants ang kanyang cellphone.

"Oh! my pleasure to meet you Vyrr!"
Nakangiting response ni Driegh at iniabot ang kanyang kamay para makipaghandshake na mahigpit na inabot naman ni Blyhter na malapad ang ngiti.

"Can I take a selfie with you?"
Kahit excited ay hindi nakalimutan ng binata na magpaalam.

"Of course! my pleasure!"
Very willing namang pagpayag ni Dreigh. Tumayo ito mula sa pagkakaupo, hinila at inakbayan sa tabi nya si Zandreaj at inakbayan naman sa kabila si Blyther. Hindi pa man sila tapos sa unang shot ay nagsilapitan na ang iba pang mga estudyante para makiselfie din. Familiar at kilala ng lahat si Dreigh dahil hindi nawawala ang mukha nito sa isa sa mga tarpaulin na nakadikit sa Wall of Fame ng campus at laging may live streaming sa gymnasium ang school tuwing championship game nito.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now