Chapter 25

47 5 0
                                    

Pagkalunch ay iniwan na sya ulit ni Blyther sa mga kaibigan, balik sa duties nya ang binata. Si Zandreaj ay bumalik sa office ni Blyther. Nagpalit ito ng skinny leather jeans at itim na closed neck sleeveless dry fit blouse. Itinali ng mataas ang buhok at tinirintas. Nagapply ng pressed powder at prinessed ang mga labi para mamula. Nagsuot ng 3inches leather boots at isinakbat sa balikat ang kanyang cue stick.

Naglalakad sya papuntang gymnasium kung saan nakaset up ang pool tables ay pinagtitinginan sya ng mga nakakasalubong nya. Makikita sa mga mata ng mga ito ang paghanga, lalaki man o babae. Pagpasok nya sa gym ay marami ng tao. Sa bandang unahan ay may naglalaro ng sepak takraw, sa gitna ang dalawang pool tables na may nakatayong tigisa ding spotter. Sa bandang hulihan ng gym ay may nagtitable tennis. Malawak ang gym kaya maluwag kahit tatlong events ang sabay na nagaganap.

Lumapit si Zandreaj sa technical group ng billiards. Ipinalista na sya ni Xienlee nung isang linggo pa at may laban sya ngayong hapon sabi nito sa kanya. Isa sya sa maglalaro sa unang set. Andon na ang lahat ng players na nakaschedule ngayong hapon at tulad nya ay nakaproper attire. Matapos idiscuss ang rules ay nagsimula na ang first set.

Battle to Supremacy ang Game Mechanics. maglalaban ang 2 sets of players sa table 1 and table 2 pagkatapos ay maglalaban ang winners ng bawat table para sa supreme game. Ang mananalo ay waiting para labanan ang magiging supreme winner ng second set of players. Ang matatalo sa supreme game ay eliminated na din, ang mananalo ay waiting naman para labanan ang supreme winner ng third set of players hanggang makumpleto ang games ng five sets of players. Draw lots ang ginamit sa pagdetermine ng players per set for fairness.

Focused si Zandreaj. Pinaghandaan nya ito. Araw-araw silang nagbilliard ng daddy nya pagkalabas nya ng ospital. At kung dati ay naglalaro lang sya ng wala lang, ngayon ay nagpaturo sya sa ama ng iba't ibang strategies and tricks. Nag-aral din sya ng original shot nya.

Sobrang focused si Zandreaj na hindi nya namalayang dumating ang kanyang mga kaibigan. Hindi nya napapansin na pinapalakpan sya ng mga ito tuwing makakapagpocket sya ng bola. Lalaki ang kalaban ni Zandreaj. Tingin nya ay mahilig ito tumambay sa bilyaran dahil sa mga galawan nito. Hindi tumitingin sa audience si Zandreaj kaya hindi nya namamalayan na dumadami ang crowd na nanunuod sa kanya. Hindi kasi nya alam na pinaflash sa Giant LED sa may administration building ang mga events na kasalukuyang nagaganap. Marami ang nakakapansin sa kanya at naiintriga kaya pumupunta sa gym para panoorin sya.

Naipanalo ni Zandreaj ang first set and second set. pag naipanalo nya pa ulit ang third set ay talo na nya ang lalaki dahil race to 3 lang ang laban. Si Zandreaj ang nagbreak being the winner sa first set. Inayos nya ang pagkakabreak para masigurong kakalat ng ayos ang bola. She cleared the table ng walang kahirap hirap. Hindi na nakatira ang kanyang kalaban. Nagulat pa ang dalaga ng pagkatapos nyang ihulog ang huling bola ay malakas na palakpakan mula sa audience ang narinig nya. Napatingin sya sa wings at nagulat ng makitang siksikan ang mga nanunuod at nandun sina Xienlee.

Lumipat si Zandreaj sa table 2 para labanan ang winner dun. Ang matatalo sa laban nila ay eliminated na at waiting ang winner ng susunod na kalaban. Back to her focus si Zandreaj. Lag. Hindi sya pueding magmintis dito. Kailangang sya ang maunang maglaro to be sure of winning. Sakto ang lakas ng tusok ni Zandreaj sa cue stick. First to play sya.

Zandreaj plays like a professional pool player. She just knows how to work on her art. She broke the balls swiftly. Maganda ang pagkakaayos at mahusay ang mga preparations na ginawa ng dalaga sa bawat tira nya. She pocketed the nine balls in 3 minutes. Malakas na palakpakan at sigawan naman mula sa audience. It's her opponent's turn. Magaling din ang lalaki and was able to clear the table ng walang mintis.

Last game na. Hindi pueding magkamali si Zandreaj. Pag nagmintis sya ng isang beses pueding maagaw sa kanya ang chance of winning. Nahulog sa side pocket ang 2 pagbreak ni Zandrea pero hindi maganda ang posisyon ng cue ball. Covered ang 1 sa pagitan ng 4&5 at hindi sya makakapagprepare for the next shot kung ipipilit nyang ipocket ang 1. She decided to just touch the 1 to hide the cue ball instead. Maganda ang pagkakatago ni Zandreaj hirap ang kalaban kung papaanong makakagawa ng goodshot na maayos. Malabong maipocket ang 1 sa trick na ginawa ni Zandreaj pero kaya itong itouch ng cueball. The problem is pag nagkamali sya ng gagawin it will give Zandreaj the chance to win the game. Tumira ang kalaban. Ginawa nitong straight line sa gilid ng mesa 1, 4 at cueball. Ang 1 ay malapit sa dulong pocket isang dangkal mula dito ang 4 na nakaharang sa cue ball. Napangiti si Zandreaj. Isang malaking pagkakamali ang ginawang trick ng kalaban nya. Mukhang maaga nyang magagawa ang paborito nyang "jumpshot." It's her turn. Lumapit si Zandreaj sa cueball at sinilip mula doon ang posisyon ng 4 at one. sinukat ang pagitan ng cueball at 1. Pumusisyon si Zandreaj para tumira. Kaya sya nakathree inches high heeled boots para sa mga pagkakataong ito. Nagsigawan ang lahat ng lumundag ang cueball sa taas ng 4, tumama sa 1 at nahulog sa dulong butas. Pagkatapos ng hinangaang trick ni Zandreaj ay mabilis na nyang natapos ang second at third game. She is the first supreme winner. Maghihintay sya ng supreme winner ng second set of players kaya bukas na ulit ang game nya para idefend ang kanyang supreme title.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now